Marry Me

949 37 7
                                    

hi I'm backlaaaaaaaa!

-

April 14, 2020

Dumating na ang araw ng kasal nila Vice at Ion, bago ang naturang kasal. Kanya kanyang punta ang malalapit na kaibigan nila Vice at Ion sa designated room ng dalawa

"Sistereeeeeeeet" hiyaw ni Anne ng makapasok siya sa room kung nasaan si Vice

"Anne, ang ingay" iritableng sabi ni Vice at mahinang hinampas si Anne sa braso

"Congratulations, I'm so happy for you. F-finally you're getting married" naiiyak na sabi ni Anne kay Vice

"N-ngangabu naman, masisira mok-up ko" maarteng sabi ni vice "pero seriously thank you! ikaw yung nandyan pag may hindi kami pagkakaunawaan ni Ion, pag nabu-bwisit ako sakanya. thank you so much sis. I owe you a lot" madamdaming pagpapahayag ni Vice

"You're welcome sis, you know anytime I'm just one call away if you need anything diba? kahit wala ka pang Ion sa buhay mo, kahit tumanda ka pang mag-isa you know I will always be here katulad nga ng sabi ko dati sayo kahit lahat kami magkaroon ng sariling family, I and Erwan are here to take care of you. I got you sis" sabi ni Anne

"Ano ba 'yan masisira make-up ko, kaloka ka lumabas ka na nga doon pag ako hindi pinakasalan ni Ion dahil sa itsura ko ngayon, friendship over tayo" kunwaring galit na sabi ni Vice sa itinuturing na kapatid at tinutulak ng mahina si Anne palabas

"Wala ng magbabago, panget ka talaga sis, joke I love you!" sabi ni Anne habang patakbong umalis

"Bruha ka" irap ni Vice at akmang papasok na ng tawagin siya ni Jhong

"Cutiepie" hiyaw ni Jhong mula sa malayo

"oh bakit jhonggoy? anong kailangan mo? saging? Hahahaha!" asar ni Vice kay Jhong habang papalapit ito sakanya

"Kabayo" asar pabalik ni Jhong bago makapasok ng kwarto ni Vice

"Pero hindi seryoso na, sobrang naguumapaw yung saya ko para sayo cutiepie akalain mo yon sa loob ng maraming panahon may magmamahal pa rin sayo ng lubos at walang hinihingin kapalit, alam mo palagi kong pinagdadasal na sana mahanap mo na yung magaalaga sayo, yung magmamahal sayo ng walang hinihinging kotse, bahay, sapatos, jersey hahahahaha!" pigil emosyon na sabi ni Jhong ngunit kinalaunan naiyak na din

"Okay na sana eh, bwisit ka talaga" sagot ni Vice sabay hampas dito at nagkatinginan ng matagal sabay nagtawanan

Magsasalita na ulit sana si Jhong ng may kumatok

"Pasok" hiyaw na sabi Vice

"Brad" sabi ni Vhong nang pagkapasok ng kwarto

"Oh ano nanaman, nagtawag ka pa talaga ng resbak para i-play time ako jhonggoy, lumayas nga kayo dito" kunwaring galit na sabi ni Vice

"Ko-congratulate lang naman kita" malungkot na sabi ni Vhong at akmang aalis na ng pigilan siya ni Vice

"Charot lang ito naman" sabi ni Vice ng hawakan niya sa braso si Vhong

"Brad, minsan lang ako magseryoso pagbigyan mo na, advance congratulations sayo/sainyo mamaya ni 'tol Ion, alam ko/namin matagal mo ng hinahangad yan at ngayon nakamit mo na siya. Brad ang maipapayo ko sayo huwag mo ng pakawalan yan, sobrang swerte mo kay Ion. Siya yung tipo ng lalaking mahalin mo lang siya ng tapat okay na sakanya. Alam mo bang isa-isa niya kaming kinausap para lang makapag propose sayo? ako lang ata pinagsabihan niya ng plano niya para sa'yo, para sainyo. Gumawa pa yan ng group chat at isinali lahat ng matatalik mong kaibigan yung lubos na nakakakilala sayo para lang makapagpaalam at hingin yung basbas nila para sainyo, bago siya magpropose sayo settle na lahat, nagpatulong siya samin ni Direk kung anong magandang sasabihin sa Nanay mo kasi sobra daw siyang kinakabahan, na baka daw hindi payagan ni Nanay Rosario na ipakasal ka sakanya, pati mga kapatid mo inisa-isa niya, lahat Brad ginawa niya para maging maayos 'tong kasal niyo. Kaya Brad huwag mo ng pakawalan ha? alam ko/namin na Mahal na Mahal ka talaga ni Ion, Vice" madamdaming pagku-kwento ni Vhong kay Vice

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon