Wedding Day

2.2K 42 12
                                    

HAPPY 4K READS MGA KA-SESWANG 🎉❤ KEEP ON KICKING ESTE READING ☺ MAHAL KO KAYO 💯

-

THIS ONE SHOT IS THE CONTINUATION OF BUDDY 1 AND 2 ALSO THE FINALE. WALA NG KASUNOD PANG IBA ☺

HAPPY READING AND ENJOY!

-

Nagaayos ang lahat sa Hotel Room na kinuha ng magkasintahang Vice at Ion para sa kanilang nalalapit na kasal na gaganapin mamayang hapon sa Siargao. Imbitado lahat ng malalapit sa tao sa dalawa at isa na nga rito ang mga kaibigan nila Vice at Ion sa Showtime at syempre ang kani-kanilang pamilya at kamag-anak

Hindi pa man sumasapit ang nakatakdang oras na pagiisang dibdib nila Vice at Ion iyak dito at iyak doon ang kanilang natutunghayan

"Sisteret, this is it, you've been waiting this for the longest time of your entire life and here it goes your getting married for the man of your dreams, I'm so happy for you sisteret, I love you" iyak na bati ni Anne sakanyang kaibigan na si Vice

"Thank you sisteret, thank you ng marami baka kung hindi dahil sainyo nila Vhong hindi ko makikilala ang my soon to be husband na si Ion kaya thank you so much, I owe you a lot. I love you" naiiyak na sabi ni Vice

Habang nagda-drama agad namang pumasok sila Vhong, Jhong, Karylle, Tyang Amy, Billy, Coleen at ang kanyang mapapangasawa na si Ion

Kanya kanyang bati ang naganap sa loob ng kwartong iyon lahat nagiiyakan ultimo ang mga boys

"Congratulations Bestie, parang dati lang pinagusapan lang natin ito non nung kayo pa ni Terrence ngayon tignan mo nga naman natupad na, hindi nga lang sa kasama mo nung naguusap tayo noon tungkol dito pero bestie I'm so happy for you" pagku-kwento ni Billy kay Vice at tumingin naman ito kay Ion

"Brad, ingatan mo ito huwag na huwag mong sasaktan yan na'ko, pag pinaiyak mo yan lagot ka sakin" pagbabanta ni Billy kay Ion at tumango at ngumiti nalang si Ion bilang sagot at inakbayan si Vice

"Viceyyyyyy, I'm so happy for you alam mo 'yan, natupad na yung matagal mong hinihiling, alagaan niyo isa't isa okay? Love each other, I love you both" bati ni Karylle sa dalawa at yinakap ito

"Congratulations ate Vice, I'm so happy for you! Best wishes" bati ni Coleen

"Anak, tignan mo nga naman parang dati lang kinukwento mo sakin na crush mo 'tong si Ion nung kayo pa ni Terrence tapos ngayon ikakasal na kayo, pag-ibig nga naman, alagaan niyo isa't isa ah? Hangga't maaari huwag mag aaway okay? O hindi kaya kung magaaway 'man dapat hindi pinapaabot ng kinabukasan, ayusin agad at tsaka huwag ma-pride lalong lalo kana *turo kay vice* tigilan mo na 'yung ugaling ganyan ikakasal ka na, best wishes mga anak. Mahal kayo ni Tyang" pagpapaalala ni Tyang Amy sa ikakasal

"Brad, ikakasal kana tignan mo nga naman parang dati kapapakilala ko palang sayo si Terrence at itong si Ion tapos ngayon ikakasal kana, libre naman dyan oh" sabi ni Vhong kay Vice

"Che" singhal ni Vice sa kaibigan

"Cutiepie, congratulations ikakasal ka na rin finally, naunahan mo pa kami nitong ni Sir Vhong, alagaan mo 'to brad ah *tingin kay Ion* at mahalin mo ito katulad ng pagmamahal namin sakanya bilang kapatid niya okay?" Pagpapaalala ni Jhong kay Ion

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon