Jelly Vice

3.4K 74 14
                                    

Magkatabi sina Vice at Ion sa upuan habang kumakain kasama ang Showtime Hosts, habang nakikipag-kwentuhan si Vice sa mga kaibigan biglang nagsalita si Jhong

"Brad, ngiting ngiti ah" sabi ni Jhong at nakatingin kay Ion, ngunit hindi ito narinig ni Ion at patuloy lang ito sa ginagawa niya, kung kaya tinignan na ni Vice kung ano ang ginagawa ng kasintahan

"Kumakain ka, cellphone ka nang cellphone, tapusin mo muna yang kinakain mo" pagbabawal ni Vice kay Ion at agad naman tumigil si Ion sa kanyang ginagawa at pinagpatuloy ang pagkain

Natapos kumain ang lahat ng showtime host ng magpaalam si Ion na magc-CR ngunit bago ito umalis hinalikan muna ni Ion ang ulo ni Vice kung kaya naghiyawan ang mga kaibigan nila dahil sa kilig

"Huy huy ang iingay niyo, mamaya babain tayo ni Direk dito" pagbabawal ni Vice sa mga kaibigan ngunit patuloy lang ito sa paghihiyawan, meron pang naghahampasan dahil sa kilig

"Sis, ang swerte mo kay Ion omygash" sabi ni Anne gamit ang matinis niyang boses at pinagpapalo si Vhong

"Oo nga meme, ang sweet niya" sabi ni Mariel

"Vicey, ang sweet omygash, I'm so happy for you" sabi ni Karylle

Lahat ng sinabi ng kanyang mga kaibigan nginitian niya lang ang mga ito at napukaw ang kanyang atensyon ng biglang mag-ilaw ang cellphone ni Ion

Nang mabasa ito ni Vice agad nawala ang ngiti sakanyang mga labi na ikinapag taka naman ng kanyang mga kaibigan at tinignan si Vice ng "bakit?" look ng magsasalita na sana si Vice bigla naman silang pinatawag at pinapunta sa glid para sa tawag ng ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang mabasa ito ni Vice agad nawala ang ngiti sakanyang mga labi na ikinapag taka naman ng kanyang mga kaibigan at tinignan si Vice ng "bakit?" look ng magsasalita na sana si Vice bigla naman silang pinatawag at pinapunta sa glid para sa tawag ng tanghalan ngunit nagpa-iwan siya ng mga ilang minuto para ikalma ang sarili dahil sa inis at the same time galit dahil sa nabasa

Ng matapos kumanta ang unang Contestant in-interview nila ito ni Vhong at napunta ang usapan sa ex ng contestant na nagloko dahil nalaman nitong may kalandian ang kanyang boyfriend noong sila pa

"Paano kayong nagbreak? Okay lang kung hindi mo sasagutin. We understand" pagtatanong ni Vice at the same time pagpapaliwanag

"May ka-text siya sa cellphone tapos nalaman ko pong ex niya 'yon tapos nalaman ko din na nagkabalikan na sila nung araw na iyon nung kami pa" pagpapaliwanag ng unang contestant, at dahil doon nagpantig ang tenga ni Vice dahil sa narinig

"Ayon magaling, pagkatapos niyong pasayahin iiwan niyo dahil lang sa binalikan kayo ng ex niyo, mga demonyo kayo" gigil na sabi ni Vice

"At isa pa kayong mga lalaki alam niyo naman ng may jowa kayo lumalandi pa kayo sa iba, nakikipag text pa sa iba mabuti sana kung walang magseselos eh, pero meron meron!!" Gigil na sabi ni Vice

"Oh brad kalma hahaha" pag awat ni Vhong

"Hindi eh, alam naman nilang may magseselos nagagawa pang lumandi" gigil pa rin na sabi ni Vice

"Parang yung kanina diba? Nakita mo may text haha" pang aasar ni Vhong

"Oo nga hahaha" kantyaw pa ni Anne

"Magtigil! Ikaw alam kong nanunuod ka, maguusap tayo mamaya" sabi ni Vice habang naka-harap sa TV

Nakatapos ang showtime at agad na umuwi si Vice dahil pagod ito

Pagkapasok niya ng pinto agad na nagbukas nito ang taong kanina niya pa kinaiinisan ngunit agad namang siyang yinakap ni Ion at bumulong ng "sorry" ngunit para bang walang narinig si Vice at bigla itong napabitaw sa yakap ni Ion at agad na dumiretso sa kwarto nila kung kaya agad siyang sinundan ni Ion

"Lab, sorry na" sabi ni Ion habang papalapit sa pwesto ni Vice

"Sino yung ka-text mo kanina?" tanong ni Vice at banaag sa boses na wala pa rin itong expression

"Kaibigan ko lang yon, kakauwi lang kasi aling stets" impit na sabi ni Ion na ikinatawa naman ni Vice ngunit hindi niya ito pinahalata

"Ano?" sabi ni Vice habang pinipigilan niya ang pagtawa

"Kaibigan ko lang 'yon, huwag ka ng magalit ikaw lang naman lab ko" pagpapaliwanag ni Ion sa dalaga

"Ano muna 'yung sinabi mo kanina" sabi ni Vice at hindi na napigilan ang pagtawa

"Kaibigan ko lang po kako yon kakauwi lang galing stets" impit na sabi ni Ion na muling ikinatawa ng dalaga

"Tawang tawa lab ah, ganyan (sabay kaliti rito)"

"I-ion s-top hahahahahaha i-ion" sabi ni Vice na halos mawalan na ng hininga

"So, bati na tayo?" pag tatanong ni Ion

"Hindi, masyado kang malandi benigno, hindi mo na ko lab" sabi ni Vice na may tonong malungkot na naiinis habang naka pout kung kaya agad itong hinalikan ni Ion

"Sorry na po lab, alam mo namang ikaw lang mahal ko eh, huwag ng magselos, kaibigan ko lang talaga yon kakauwi lang kagaling stets" pagpapaliwanag ni Ion at muling ikinatawa ni Vice

"Nako pasalamat ka cute ka pero yung boses mo, boses ipis nakakainis" sabi ni Vice at hindi mapigilang tumawa

"Mahal mo naman" pang aasar ni Ion at hindi napigilang halikan si Vice, smack lang

"Kanina ka pa benigno ah, namumuro kana" saway ni Vice sa binata

"Gustong gusto mo naman, huwag ng magselos lab ikaw lang talaga lab ko, mahal na mahal kita, pakiss nga ulit" sabi ni Ion at pinugpog ng halik si Vice sa mukha hanggang mapunta sa labi nito

"Siguraduhin mo lang Ion, humanda ka talaga sakin pag nalaman kong may iba ka" paninigurado ni Vice

"Opo ikaw lang, I love you misis ko" sabi ni Ion at yinakap ito

"Mahal din kita Mister ko" sabi ni Vice at tinugunan ang yakap ng kasintahan

Hinalikan naman ng Ion ang noo nito at mas yinakap ang kasintahan ng mas mahigpit.

THE END




Wassap guys, I'm beckla hehe namiss ko 'to, sorry kung lame hehe babawi nalang ako sa susunod, but I hope 'yung chapter nito magustuhan n'yo kahit lame hehe sorry na agad.



Vote and Comment.

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon