"Father if you are willing, take this cup from me. Yet not my will, but Yours be done." - Luke 22:42.
-
May part ba sa buhay mo na gusto mo ng sumuko? Yung mapapasabi ka ng, "Lord, ano po ba to? Bakit paulit-ulit nalang! Nakakasawa na. Nakakapagod na." Yung dumating na sa point na bigla ka nalang naging immune sa sakit pero nasasaktan ka pa din. Yung naghahanap ka ng pagmamahal ng iba pero, sakit sa puso din ang maiibigay nila sayo. Diba, super duper mega sakit naman yun no. Hahaha.
Pero, u know what's the greatest thing when u're in pain? It makes u stronger. Di lang sa nasasaktan ka, it even makes you grow even more.
You see, God permits the pain you have been feeling kasi, it'll benefit you even. Yung tipong, nasaktan ka with a purpose. Nakakalito pero, that's how God works. He works in a unique way to the point na late na natin marerealize na, "Ay Lord, may benefit din pala sakin yung sakit na inallow mong maranasan ko. Thank you Lord!"
Walang sitwasyon na hindi ka makakaranas ng pain, pero. Did u notice it? Yung kalakasan na binibigay sayo ni Lord while going through that. Yung feeling na sa laban na kinakaharap mo hindi ka mag-isa. Parang ang saya lang kung iisipin diba? Si Lord na yung shield for you. Si Lord na din yung magiging sword mo to fight the enemies that's surrounding you.
Pero, u know what's the bad news about it? Nahihiya kang isurrender yung problema na meron ka kay Lord. Na nahihiya kang lumapit kasi, u think na hindi ka niya papakinggan kasi nga, u think na. "Inallow nga ni God yung problemang to, so sa tingin ko hindi niya ako papakinggan kapag kinuwento ko sakaniya tong problema ko kasi siya mismo yung nagpermit e. Na bakit ko naman isusurrender kung with my own strength kaya kong lutasin to." Na iisipin mo ding, "God is God among all Gods. He knows na mangyayari na to before na mangyari sa'kin so why did he allow it? Why bother telling him kung in the first place, hinayaan niyang mangyari sa'kin to."
Pero NO, a big NO kapatid. Dito tayo mismo nagkakamali. Na we think inallow ni God yun kasi makasalanan tayo, na gumawa tayo ng kasalanan kaya nangyari to. Na we think na, in the first place it is our own problem so why bother the great God diba?
May napanood akong isang movie. He ask kay God kung bakit pa kailangan magsabi o magkwento sakaniya kung before we speak what we want to say, alam niya na yung sasabihin ng bunganga natin.
Then God replied. "Anak kasi, gusto kong manggaling mismo sa bibig mo yung gustong sabihin ng puso mo. I'm glad to hear na ako yung pinagkukwentuhan mo sa mga nangyayari sa buhay mo. Even if it's a sad or a happy one. Naeexcite ako sa bawat pagbuka ng bibig mo, knowing that sakin mo lahat ikinukwento ang mga bagay na yon."
Hindi yan ang exact word na ginamit pero ganiyan ang nafifeel ni God tuwing magkukwento tayo sakaniya. Diba? Ang saya lang isipin. Isipin mo kapatid, siya yung pinakaHari sa hari ng mga hari pero he chose to stay with us and hear us out. Pwede namang, dahil God siya. Wag niya na tayong pakinggan kasi he's a God e. Ano bang mapapala niya sa mga taong makasalanan diba? Pero dahil kay Hesu Kristo. Sa biyaya na mismo siya ang nagbigay ng libre, yung Grace na hindi mo na kailangang pagtrabahuhan dahil mismo si Lord na HARI na ang nagbigay.
Diba, ang cool lang. Kahit siya na yung the perfect God. He still chose to serve us. He still chose to hear us out, He still chose to give us strength everyday, He still chose to provide and knowing all that. Ano pa ba ang hindi kayang gawin ni Lord diba?
The perfect God na dapat tayo ang unang nagseserve pero siya mismo yung bumaba dito, kinatagpo tayo plus. Siya pa ang unang nagmahal satin mismo.
Kaya I think, wala tayong dapat ireason na hindi isurrender kay God lahat ng sakit at problema na nararamdaman natin. Think about this kapatid, God allows the problem not because He wants us to suffer, but because. Gusto niya siya mismo yung kapitan natin through the trials we face. Gusto niya sakaniya mo mismo isurrender lahat ng kabigatan sa loob na meron ka. Gusto niya siya mismo ang maging leader sa battles na meron ka. Gusto niya siya mismo yung magpatakbo ng future mo and gusto niya hayaan mo siyang manguna sa lahat ng aspeto ng buhay mo.
This is 100% legit guys! God is a perfect God. There is nothing that He can't do.
Kaya ngayon, surrender already. This battle was not made for us to suffer but for us to grow even more. Na maging stronger pa tayo through the strength na binibigay ni God sa problem na finiface natin.
Trust me kapatid, one day. That problem of yours, you will learn something from it. Bigger than what you imagine. Na magtethank you ka kay God kasi mismo, dahil sa problemang yon tumatag ang faith mo, nawala ang fears mo and lastly, you trust and believe God even more.
So now, allow him to manipulate your life, surrender and with him you'll find rest.
Allow God to take the cup you can't hold anymore. Cause He's the Greatest. Greatest above all the greatest.
-
Stay blessed everyone! I just want to share to you guys how God really works talaga sa buhay ko. The verse keeps on bothering me talaga. Na parang sinasabi ni Lord na, "Anak share this message that I'll give you. Do not fear, for the wisdom that I'll give you is mine alone." it really amazes me kasi I'm not that good at finding words na aplicable sa gusto kong sabihin pero dahil sa wisdom na binigay ni God. Nagawa ko siyaaa! Salamat talaga kay Lord kasi without him. Even opening a ring box would be hard for me. Stay blessed and Highly favored everyone!
If u have problems kapatid. Just pm me here. God and I will listen. :)
#JESUSLOVESYOU!
BINABASA MO ANG
Agape
SpiritualFor God loved the world so much that He gave His one and only Son, so that everyone who believes in Him will not perish but have eternal life. - John 3:16 ----- My personal Devotion with the Lord! ❤