Matthew 27:46
At about three o’clock, Jesus called out with a loud voice, “Eli, Eli, lema sabachthani?” which means “My God, my God, why have you abandoned me?”---
If you will read the book of Matthew, chapter 27, verse 32 to verse 55. It talks about how the Lord suffered. Kung paano siya pinako sa krus kapalit ng kasalanan natin. Kung pano niya yon binayaran in exchange of Him becoming a sin for us, a sinner.Perooo, let's focus on Matthew 27:46. Sobrang dadalian ko lang ang share, hindi tulad ng dati na sobrang haba may part 2 pang nalalaman. HAHAHAHAH Kaya please take time to read this kasi I believe it is something that you need right now. :)
Alam mo ba na in all the book of bible. In all the records of it. Never tinawag ni Jesus ang kaniyang Ama na, "My God!" always "Father" kung papansinin natin ang bawat words na binitawan ni Jesus, nung nabubuhay pa siya sa lupa. Laging "Father." ang kaniyang tawag sa kaniyang Ama EXCEPT for one thing. One event, one moment, one situation. Eto yung pinako na siya sa krus ng kalbaryo, yung dumating sa puntong wala na siyang dugong mailalabas, naubos na din yung 70% of water na nasa katawan niya. To the point na wala na din yung some parts ng balat niya.
That is the time when Jesus said, "My God! Why have you forsaken me?" if we look at it, parang ganito ang sinasabi ni Jesus. "Panginoon, bakit ako pa? Bakit hindi nalang sila?" PERO A BIG NO! Hindi yan ang meaning kung bakit sinabi yon ng Lord, kung bakit yung "Father" na tawag niya sa kaniyang Ama ay naging "My God" hindi yun dahil nagsisisi si Jesus na hinayaan siyang pakuin sa krus bagkus eto ang dahilan,
DAHIL YON SA KASALANAN NA MERON TAYO! SIN, JUDGEMENT, CONDEMNATION, WHATEVER SINS THAT EXIST IN THIS WORLD. Sa pamamagitan ng krus ng kalbaryo, pinasa lahat ng SINS na meron tayo into Him! HE BECAME A SIN FOR US TO COME BOLDLY IN FRONT OF THE LORD!
[2 COR. 5:21]
For He made Him who knew no sin to be sin for us, that we might become the righteousness of God in Him.Lahat ng kasalanan inako niya to the point na, at that moment, habang pinapasa sakaniya lahat ng kasalanan na meron tayo, naramdaman niya yung feeling na parang ang layo na niya sa piling ng Lord. Sa piling ng kaniyang ama, to the point na at that moment, tinawag niya ang kaniyang AMA, na "My God, why have you forsaken me?" and not "MY FATHER, why have you forsaken me" Yez! That's right. Ganun tayo kamahal ng Lord. That HIM (Jesus) who knew NO SIN became a SIN for us to be righteousness in front of the Lord.
In exchange for us na maging fully righteous sa paningin ng Lord, inako niya na lahat ng kasalanan na meron tayo and that's how the Lord loves us so much.
Dito palang makikita na natin yung demonstration ng Lord of HOW MUCH HE SUPER LOVES US! To the point that Him became a sin for us sinners. There's no greater love than that! Sabi nga sa bible ang greatest love na maishoshow mo is yung you will die for your friends. Pero si Jesus, He died for His enemies, at tayo yon for us to became His child! Grabe ang love at Grace ng Lord, Hindi mo talaga masusukat, there's no way you can!
Kaya may times man na feeling mo hindi kana makakalapit sa Lord kasi you've done super something wrong and you feel condemned kaya hindi mo na kinausap ang Lord. Take heart, always remember inovercame na ng Lord ang mundong puno ng kasalanan. Past, present and future. Even for your sins, binayaran na niya lahat ng yon sa krus ng kalbaryo kaya wala na dapat tayong time para maramdaman na sobrang layo natin sa Lord dahil sa kasalanan na ginawa natin. Lapit lang tayo lagi sa Lord and accept natin siya lagi sa buhay natin.
Stay blessed kapatid! Always remember na walang katumbas ang pagmamahal ni Jesus sayo, pinatunayan niya yon sa krus ng kalbaryo. Kaya have confidence na lumapit sakaniya lalo na kapag you feel condemned. Mahal ka ng Lord! :>
Right now, I have a question for you. Gusto mo bang makilala pa ang Lord? Gusto mo bang maranasan pa ng lubusan yung pagmamahal na meron siya sayo? Kung gusto mo at willing ang puso mo. Sumunod ka sa panalangin na ito, a sincere prayer na I believe once na sinunod mo to with a voice in a loud heart (kasi bawal tayo sumigaw ngayon kaya hanggang puso lang muna. HAHAHA) pwede ka magtago sa cr, sa kwarto niyo or in what place that you feel comfortable of and say this with a sincere and a loud heart.
This is the Prayer:
Panginoon, inaamin ko po na ako'y makasalanan. Kailangan po kita sa piling ko, hindi ko po kayang mabuhay ng wala ka sa piling ko kaya ngayon Ama, gusto po kitang papasukin sa buhay ko. Tinatanggap po kita ng buong puso, ikaw na Panginoon na walang bahid ng kasalanan ngunit naging kasalanan para ako'y makalaya, makawala sa kasalanan. Ikaw po Panginoon ay tinatanggap ko na at hinahayaan na po kitang pumasok sa buhay na meron ako. Salamat Panginoon dahil ganun mo po ako kamahal. Ikaw ang aking ama, ikaw ang aking sandigan, ikaw ang aking kalakasan. Sa pangalan mo lamang Panginoong Jesus, AMEN!Now that you've said it with a sincere heart, nagdidiwang ngayon ang mga anghel sa langit. Kasi tinanggap mo na ng buo sa puso mo ang Lord. :>
Always remember! Lahat nga ng kasalanan inovercame na ng Lord, what more pa kaya sa virus na meron ngayon? Keep the Faith kapatid! Tapos na ang laban na 'to! WE ARE A CONQUEROR ALREADY IN JESUS NAME! ❤🤗
BINABASA MO ANG
Agape
SpiritualFor God loved the world so much that He gave His one and only Son, so that everyone who believes in Him will not perish but have eternal life. - John 3:16 ----- My personal Devotion with the Lord! ❤