Hello Guys! Today, I'll share po yung nireveal ng Lord sakin. ^^ I'm happy kasi every day may nirereveal ang Lord na bago sa atin. More than what we expect, na nagagamit din natin as we learn those things na nirereveal niya sa'tin.I just want to share po yung nangyari samin with my sister. Nagsaing kasi siya ng kanin, tapos ako. Gutom na kaya yung sinaing niya, kahit hilaw kinain ko. She asked me kung luto na ba kasi di niya alam na kinain ko kahit hilaw and I said naman na para sa'kin luto na kasi it doesn't taste like hilaw naman. Pero as I eat it nararamdaman ko na matigas na yung kanin, mahirap na siya nguyain and masakit na sa lalamunan. Di na kaya ng sikmura ko kaya in the end, di ko naubos yung kanin and nasayang lang.
Here's what I'm trying to say po. Di ba kapag luto yung kanin masarap kainin? Yung tipong di ka na mapapastop kasi feel na feel mo yung kanin lalo na paggutom na gutom ka, mas maeenjoy mo pa siya kasi di siya mahirap nguyain and I think mapapa-isang kain ka pa lalo na kapag yung kanin is luto talaga.
Pero kapag hilaw siya, katulad ng nangyari sa'kin di siya masarap kainin and honestly lalo na kapag gutom ka. Maiinis ka kasi gutom kana nga tapos ganun pa yung lasa.
And that's God don't want us to feel. Parang sa hilaw lang na kanin, ayaw niya yung sa umpisa mo lang mararamdaman yung saya, ayaw niya yung hindi ka mag-eenjoy hanggang dulo, ayaw niya yung magsisisi ka sa huli at last, ayaw niyang makita kang malungkot dahil lang sa isang pagkakamali.
Gusto niya yung maeenjoy mo yung bawat pangyayari na gusto niya para sa'yo, ayaw niyang nabibigo ka, gusto niya yung expectation mo sakaniya ay taasan mo pa. Gusto niya yung kakapit ka lang sakaniya through the journey na kasama mo siya and lastly gusto niya yung magiging masaya ka ng sobra sobra at hindi ka magsisisi sa isang desisyon na ginawa mo.
Even sa bible sinabi niya 'yan,
Jeremiah 29:11
11 For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.So you see. Ang gusto lang ni God ay magtiwala ka at maniwala sakaniya. Gusto lang ni God na relax ka lang na naghihintay ng blessings niya without worrying for tomorrow's trouble.
Patience is the best virtue ika nga. Don't rush things muna, pray first before ka gumawa ng decision. Know first muna what God wants you to do and what you should not do. Ask for his guidance before you took the path na sa tingin mo lang ay okay na. Remember ayaw ni God na okay lang, gusto niya yung the best para sayo!
This is a lesson for me talaga, na hindi lang hilaw na kanin yung gustong ipakita ni Lord sa'kin. There is a big revelation and nakakatuwa lang si God kasi in every method siya nagpapakita ng lesson and revelation sa'tin.
You know what I'm saying right? Ayaw niya yung sa umpisa mo lang malalasap yung kasiyahan. Gusto niya in the end maenjoy mo talaga. Parang sa kanin, kapag hilaw at hindi mo hinintay na maluto. Maiinis ka at magsisisi kasi nga, di mo siya hinintay maluto kaya di mo naenjoy. Pero kapag yung kanin ay luto na, eat all you can nalang kasi kahit anong tagal mo pang kainin yan ay hindi ka magsasawa kasi luto talaga siya.
Sabi nga sa bible,
Isaiah 60:22
When the time is right, I the Lord, will make it happen!So, don't worry about the things na pinagdadaanan mo ngayon. Promise as time goes by, masasabi mo nalang na blessing yung problema mo sayo kasi dahil don, naging matatag ka. God didn't allow it just because he wants to. He allows it because he wants us to be strong and tough but still have a soft heart.
Just Trust. Believe. Have patience and continue to serve God and the rest will follow. :))
So, saan kana diyan? Sa Hilaw o sa Lutong kanin? Hahahaha!
-
A Blessed day everyone! To you who's reading this, it is not by accident na nabasa mo to. The Lord has revealed to you right now. That He is the God of perfect timing. Walang aksidente sa Lord, and I am just glad na nabasa mo ang mensaheng para sayo! Have a great day ahead! Mahalaga ka at mahal ka ng Lord, yun lang. Stay blessed! 🤗

BINABASA MO ANG
Agape
SpiritualFor God loved the world so much that He gave His one and only Son, so that everyone who believes in Him will not perish but have eternal life. - John 3:16 ----- My personal Devotion with the Lord! ❤