Capitulo Quatro : Ang Nawawalang Pag ibig

18 4 0
                                    

Si Miaka Yuki ay nahirang bilang isang Suzaku. Sa tulong ni Hotohori, tinawag nila ang mga mahuhusay sa literatura at pakikidigma, Upang makita nila ang iba pang kasapi o Kasama sa pitong tagapagtanggol ng Suzaku.

Subalit ng subukan niya ang mga kandidato, bumagsak ang pagodang kaniyang kinalalagyan.

Iniligtas ni Tamahome si Miaka, subalit sa likod niya bumagsak ang malaking kahoy na nanggaling mula sa gumuhong pagoda.

Bigla namang dumating ang taong nagligtas sakanilang dalawa. Ito ay si Korin, kabilang sa hanay Ng Emperador at may tatak na pulang ilaw sakaniyang dibdib.

Binalewala ni Korin ang kaniyang lugar sa Lipunan dahil ilang ulit niyang hinamak ang katauhan ni Miaka, ang Suzaku.

:Capitulo Quatro - Ang Nawawalang Pag-ibig:

Nasa silid aklatan pa ang kaibigan ni Miaka, na si Yui. Binabasa niya pa ang librong naiwan nila noon. Nakaupo rin Siya at tinitignan kung ano ang mga nangyayari.

Muling binendahan ni Tamahome ang sugatang binti ng Suzaku at sinubukang pagalingin ito.

Ayon sa librong binabasa ni Yui.

______________

Nakaupo pa rin ako roon sa loob ng Pagoda, Nang muling binendahan ni Tamahome ang aking sugatang binti.

Habang binebendahan niya ito, Napaisip ako na baka magtampo at magalit saamin si Nuriko pag nakita niyang ginagamot ako ni Tamahome.

Baka magalit si Nuriko kapag nakita niyang ginagamot ako ni Tamahome, Bakit ba parang may mali akong ginagawa?

Tumingin saakin si Tamahome at sinabi kung "masakit ba"

"Masakit ba?" Pagtatanong ni Tamahome habang nakaluhod pa at nakatingin ito saakin.

"Pwede bang magtanong? Mahal mo ba si Nuriko?" Pagtatanong ko rito habang binaba niya ang kaniyang ulo sa tapat ko.

"Hinde no! Kakikilala ko palang sakaniya, Atsaka hindi Siya ang tipo kong babae." tugon nito saakin at sa di pagsang-ayon sa itinanong ko.

"Sigurado ka?" paninigurado ko rito habang siya ay tumayo at inilagay ang isang paa sa bato at pinatong kasabay na din Ng paglalagay Ng kaniyang kamao sa baba niya.

"Alam ko na kung anong tawag diyan" pagsambit nito habang nakapatong ang kaniyang paa sa bato rito sa Pagoda.

"Nagseselos ka kay Nuriko , Hindi ba?" tugon saakin at pagiisip Ng mali ni Tamahome.

Tumingin naman ako rito sakaniya, Dahil ng sinabi niyang nagseselos ako.

"Hah?"

"Kasalanan ko bang ako ay kaakit-akit at makinis akong binata hah? Kawawa naman kayo dahil wala sa panahon ko ang umibig, Ang Kailangan ko lang ngayon ay mapunta saakin ang pera"

Tugon nito dahil ayon Kay Tamohome ang lalaking ito ay sobrang mapamahal sa pera.

Habang kaniyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay Ng bahagya at nangangarap na mapunta ang lahat ng pera sakaniya , dahil yun lamang raw ang kaniyang mamahalin.

Kundi ang Pera....

Pagtingin ng masama ng Lalaking ito sakaniyang mga kamay, Nagkaroon pa ng Dilim dahil sa kagustuhan niyang mapunta ang Pera sakaniya, (Imagination Lang)

The Universe of the Four Gods (Fushigi Yuugi)Where stories live. Discover now