The Mysterious Guy
"Hindi ba natin sila tutulungan master? Mukhang nahihirapan na sila sa kanilang sitwasyon." Ang sabi ng boses ng isang babae. Ang babae ay pinalilibutan ng dagim (mist) ang kalahati ng katawan na nakalutang malapit sa kanyang master.
"..."
walang kibo at tahimik lang na nagmamasid sa kulay bughaw na tubig ang misteryosong lalaki na nakaupong kausap ng babae.
"Wala po ba tayong gagawin master?" Tanong naman ng isang boses ng lalaki mula sa kanyang likuran na tila nag aalala rin. Ang lalaki ay pinalilibutan naman ng buhangin na nakalutang sa kanyang paligid.
[A/N: Parang si Gaara lang? XD]
Ngunit di parin sya sumagot at tahimik parin na nagmamasid sa tubig.
Ang kulay bughaw na tubig ay gawa ng kanyang mahika na nagsisilbing salamin sa mga nangyayari mula sa labas o sa kung saang lugar o dimensyon na nais nyang makita.
"Master matatalo na sila...Hindi pa ba tayo kikilos? Wala man lang ba tayong gagawin?"
Nangangambang sabi ng babae.
Maya maya pa ay...
Napakunot ang noo ng misteryosong lalaki ng makita nyang natumba at nanghihina na ang mga batang summoner sa sumasalakay sa kanila. Ang mukhang butiking tao na alagad ng kadiliman na si Salamander kasama ang kanyang mga kampon.
Nagsalita na sya at sumambit ng pangalan, kasabay nito ay ang pagwasiwas nya ng kanyang kamay na tila nag susulat ng pangalan gamit ang ibang lingwahe sa kawalan. Pagkasulat nito ay napalibitan sya ng kakaibang bilog na may mga sulat na hindi maiintindihan ng pangkaraniwang tao.
"Storm..."
Pagkasambit nya ng pangalan na iyon ay may isang babaeng kulay pilak ang buhok at kulay pulang mga mata ang biglang lumabas mula sa kawalan, pumapalibot sa kanyang katawan ang makukulimlim na ulap. Nakasuot sya ng kulay itim na damit na may hoodie at kapa.
[A/N: isipin nyo nalang yong suot nila Sasuke na kapa na may hoodie. Basta yun na yun..hehe
(^-^) ]
"Ano po yon master?" Ang sabi ng malamig na boses ng babaeng tinawag nya.
Hindi sya sumagot at tumawag ulet ng pangalan kasabay ng muling pagsulat sa hangin.
"Thunder - Lightning..." sambit nya naman.
Maya-maya pa'y may lumabas na guhit ng kidlat kasabay ng pagdagudong nito. Mula sa kidlat ay lumitaw ang lalaking kulay brown ang buhok, nawala ang kuryenting bumabalot sa kanya matapos siyang lumitaw.
"Master." Sambit naman ng lalaking tinawag sya ay may boses na malalim. Nakasuot ito ng kakaibang damit at dumadaloy sa kanya ang kakaibang kuryenting mala kidlat na unti unting nawawala. Kapansin pansin din sa kanya ang pilat sa kabilang mata na nakapikit.
Pagkatapos niyang mag summon ay tumayo at humarap sa dalawa.
"I want you to help them, ilayo nyo sila sa panganib. Hindi pa sila handa para harapin ang malalakas na alagad ng kadiliman. But then, don't reveal your identities...Time will come for them to know everything." Sabi nya.
"There safety is the main point of your mission. Go!" Pakasabi nya nito ay naintindihan naman agad ng dalawa ang lahat. Kaya umalis na sila at nagtungo na sa lugar kung nasaan ang mga batang summoners.
Napangiti ang dalawa pang kasama nya at sumang-ayon sa sinabi ng kanilang master, dahil alam nila na hindi niya pababayaan ang mga ito.
Pagkaalis ng dalawa ay nagmasid ulet ang misteryosong lalaki sa bughaw na tubig.
~~~~~~~~~~~~~~~
[A/N: Hi po readers. .. (^-^)v
This is my 3rd story and 2nd fantasy (fantasy nga ba?) story na ginagawa ko on going palang po ito. Pano may pumasok bigla sa isip ko na kwento kaya tendendenden!!!! Nagawa ko po ang 1st Chapter ng story na ito.
Di pa nga tapos ang story ko na iba meron na naman?! Haha... Well, baka po kase di ko na maalala 'to so better na isulat ko nalang. .hehe.
Mag uupdate pa po naman ako sa ibang story ko po kaya don't worry.
Sana may bumasa nito. Hehe. XD
Bye for now! :)]
Comment | Vote | Share
BINABASA MO ANG
☆The Summoners★
FantasyThis is a story about 7 individuals with extra ordinary powers which includes calling powerful and enchanted creatures, and fighting with great skills against the creatures from the dark. An adventure to other dimensions and discovering their not so...