Prologue

7 2 0
                                    

"Sis! Ikaw nga magdala ng order sa VIP room." Tawag sakin ng kasamahan kong si Emelyn.



Muntik na akong magpakita ng nakasimangot na mukha dahil ayaw na ayaw kong pumunta sa lugar na yun.



Nakangiti kong tinanggap ang tray at naglakad na papunta sa lugar na hindi ko gusto. Nakakahiyang tumangi. Baguhan ako rito.




Sumalubong agad sakin ang naghalong amoy ng mamahaling mga pabango at inumin. Amoy palang at boses nila eh di ko na kailangang magtaas ng tingin. Alam ko na.



Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila. Di naman pupwedeng nakayuko lang ako at itatago ang mukha habang nagseserve.



"Magkano ka?" Isang malakas na boses ang kumuha ng atensyon ng lahat. Alam ko kung kaninong boses iyon.



Juan Serafines Vera Cruz's mocking smirk and piercing dark eyes made me swallow my breath. Ako bang tinanong nya?


Di ko nalang pinansin kase baka hindi naman ako at nagpatuloy sa pag lapag ng inuming dala ko.



"How much are you?" Isang malakas na tanong na naman ulit.



Lahat ng mata nakatingin sakin. Sa pagkakataong ito alam kong ako na ang tinatanong. Huminga akong malalim. Nilingon ko ang nagsalita.



"How much will I pay to marry you?" Seryoso at walang bahid ng pagbibirong tanong nya sakin.



Calmly, surely, and precisely, I collected my words. No way, Vera Cruz. No way! "Sorry, Sir. I'm not for sale."



Binigyan ko silang lahat ng tipid na ngiti bago lumabas.



Nanginginig akong nakarating sa cr. Nung nakita ko ang repleksyon ko sa salamin, naglabasan ang mga luhang akala ko'y naubos na. Ilang ulit nya na akong nakita pero di nya naman ako pinansin. Akala ko wala na sa kanya. Kaso ano to?

It was good for a while, being empty. I didn't hurt anymore. 8 years of being blank. 8 years of being away from him. But for some fridays and saturdays that I am close to him, same place, same room, it was like I could hear myself from far away, begging for permission to come back.

Pinalis ko ang mga luhang patuloy sa pagbaba. Not again, Marga. Sobrang dami mong problema para magpakatanga sa pangalawang pagkakataon sa kanya. Tama na yan.

Juan's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon