Chapter 1

6 2 0
                                    

"Thanks, Ma." Nakangiti kong pasasalamat sa pinaka modelong babae sa harap ko.

"Bilisan mo na jan, Marga. Mabilis kumain ang Papa mo. Kailangang makasabay ka sa kanya." Nakangiting bilin ni Mama.

I nodded saka sumubo na. Mama, the beautiful and classy  Mary Annie Margarette Delfin-Cordova was a famous newscaster. Napakaselan daw ng pagbubuntis nya samin kaya minabuti nyang tumigil pansamantala. Mahilig sa adventure si Mama. Palaging nasa bundok o kung saan saang lugar para ifeature. Kaso kahit tumigil na sya sa passion nya, di parin napigilan ang pagkawala samin ng kakambal ko kaya ginive up ni Mama ang mahal nyang trabaho para magsettle sa bahay at maging magaling na housewife. Ayaw nyang maulit ang pagkawala ng kakambal ko kaya naging mas maingat na sya. Ayun, after 4 years nanganak sya ng isang matalinong bata. Si King Angelous. Sumunod naman si Lady Psykey, my sassy little sister.

"Good morning!" Isang masiglang bati ang dumating.

"Good morning, Pa." I greeted with the same energy as him.

Ginulo nya ang buhok ko tapos dumiretso kay Mama para iaabot ang necktie.

Engineer Eros Laurence Cordova. One of the Philippines' best Engineer. The best father and best husband. My real life Prince Charming.

"Kain na, Papa." Aya ni Mama kay Papa matapos nyang maayos ang necktie.

Hinalikan sya sa pisnge ni Papa at umupo na. Umupo naman tapos si Mama sa tabi nya para lagyan ang pinggan. Sweetest couple.

Malapad ang ngiti ko habang kumakain. "Aba itong si Little Margarette pangiti ngiti. Anong meron jan?" Natatawang tanong ni Papa.

Little Margarette talaga. Kamukhang kamukha ko kase si Mama tapos mahilig pa akong mag adventure kung saan saan pero di ako magnewnewscaster. Wala akong talent sa pagsasalita. Mahilig lang akong gumala at magparty. "Wala po. Sobrang sarap nyo lang pong tignan. Ma, how could I find a man like Papa?"

She laughed then she gave a quick glance at Papa "Alam mo bang sa daming bundok at kwebang na puntahan ko, 27 na ako nung nakita ko ang Papa nyo."

"Sus. Mahilig ka lang gumala. Nasa kabilang building lang naman ako." Tapos kinindatan nya si Mama.

Kinurot sya ni Mama at nagtawanan kami.

Umakyat akong kwarto para mag toothbrush at maglagay ng lipstick because I'm not looking healthy without it. Muli kong inayos ang buhok ko at binitbit na ang brown Verrou 21 shoulder bag ko saka lumabas ng kwarto. Klase today. No hospital duty. I can't flaunt my lovely bags kung duty eh kase naka black backpack lang kami. Plain black pa yan. Ugh. Boring! Kaya masaya ako kung normal days. Pero mas masaya ako kung duty. Syempre.

Dahil may narinig akong music mula sa kusina, dun na ako dumiretso imbes sa sala. Naabutan ko sina Mama't Papang magkayakap na nagsoslow dance. Parehong nakapikit at damang dama ang theme song nila. No doubt, they are really in love. Halata naman sa mga kilos nila tapos medyo clingy pa sa isat isa. I wonder if I will have that kind of relationship.

Kumakanta nalang ako sa isip ko habang nakatingin sa kanila. My dream life. Wala akong ibang gusto sa buhay kundi magkaroon ng ganito ka perpektong pamilya. Magiging nanay akong kasing galing ni Mama. Nakaya nya kaming pagpasensyang tatlo. Apat pala, included si Papa. Tapos makatagpo ako ng lalaking di ko pag sasawaan at di ako pagsasawaan. Bubuo kami ng pamilyang masaya. Ganun lang kasimple. Wala akong dream work, dream house at ano pag ibang dream. Yun lang.

"Hopelessly devoted to you." Narinig kong pabulong na kanta ni Papa. Sobrang tamis naman nyan, Pa. Nakakakilig kayo. Si Papa ang dahilan kung bat sa daming mga gagong lalaking nagkalat sa mundo, meron pang natitirang marunong magmahal ng tapat at totoo. Hintay lang, Marga.

Juan's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon