Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Magpapanic na sana ako kaso pagsilip ko sa kumot eh kumpleto pa ang suot ko. Nadagdagan pa nga ng jacket.
"Nasan ako?" Bulong kong tanong sa sarili ko.
Masakit ang ulo ko pero pinilit kong bumangon. Sinuot ko ang heels kong naghihintay sakin sa gilid ng kama. Alas dos y media na sa grey na wall clock pero wala akong paki. Tubig ang kailangan ko...gosh. kumulo na ang tiyan ko. "At pagkain."
Napakabasic naman ng bahay na to. Black, gray, white. Ang boring siguro ng may ari ng bahay na to.
I walked comfortably around the house as if it's owned by someone I know. Maliit lang naman ang bahay. Malinis. Black ang couch. Puti ang wall. Uhmm. May T.V naman. Oooh. Madaming makakapal na libro. Medical books ang karamihan. Ngayon may idea na ako kahit konte sa may ari ng bahay. Medical books. Ibig sabihin interesado sya sa topics na ganyan. So, baka doctor, nagdodoctor, nurse, magnunurse, med tech, magmimedtech or... teacher? Teacher san? Baka isa sa mga C.I namin! Lagot na.
Kumulo na naman ang tiyan ko kaya nagmadali akong naghanap ng kusina which is not that difficult to see kase nasa gilid lang pala ng kwartong nilabasan ko.
I immediately opened the ref. Wow. Madami. Automatic ang kamay ko sa malamig na pitsel ng tubig. Uhaw na uhaw na ko para kumuha pa ng baso kaya diniretso ko nalang sa bibig ko ang pitsel mismo. Wala naman siguro magagalit. Saka wala namang nakakita.
Tumigil na ako nung nasatisfy ko na ang uhaw ko. Uhmm. Luto kaya ako?
Ginalugad ko ang buong ref at may mga gulay at karne naman akong nakita. Uhmm. Pathank you at pasorry ko narin sa may ari. Ipag luluto ko sya.
Sinalansan ko na ang mga nakuha ko sa ref sa mesa. Di pa ako nakuntento sa nakita ko sa ref kaya mas nag explore pa ako sa mga cabinet nya. May nakita akong cereals sa box na nabawasan na man na kaya di naman siguro masamang humingi. Gutom na talaga ako. Kumuha ako ng kutsara at bowl. Bumalik sa ref para kumuha ng gatas at relax na umupo para kumain.
Napaisip ako. Nasan kaya ang nay ari? Sino kaya ang may ari? Teka? May bag ako kagabi diba?
Tinapos ko muna ang pagkain saka ako bumalik sa kwarto. Nakita ko ang agad na nakapatong sa side table. OMG! Mabuti nalang nandito pa ang bag ko. Di ko napansin kanina kase nakatalikod ako.
"Gosh!" Disappointed kong sabi bago pinasok ang cellphone sa bag. Deadbatt kase.
Malapit na akong matapos sa niluluto kong nilagang karne ng baboy na nilagyan kong patatas, carrots at repolyo. Need ko ng nainit na sabaw ngayon. Pampakalma manlang ng ulo kong kumikirot.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong sumilip.
May lalaking nakaputi. Nursing uniform! Nakatalikod at nakayuko na parang kakapatong lang nya itim na bag sa couch. Mahang over man man ako ng ilang beses. Kahit nakatalikod pa sya. Kilalang kilala ko kung sino to. "Juan?" Malakas kong tanong kahit sigurado naman akong sya nga.
Kunot noo syang hunarap sakin, tinuwid ang pagkakatayo at may sasabihin sana kaso...
"Sis! Gaga ka talaga!" Isang boses at dalawang yabag ng tao ang narinig ko.
"Gaga ka Maria Agape! Bat ka napunta dito!" Mukha ni Blanche ang nasa harapan ko ngayon.
"Ha?" A blank question came out of my mouth. Gosh! I honestly don't have a single idea why the fuck am I here!!! Bahay ba to ni Juan? OMG OMG!
"Nawala ka nalang kagabi sa party tapos nandito ka na pala!! Akala namin nadala ka na ni Sony!" Luna na naka nursing uniform pa.
"Ha?" Another 'I don't have a single idea, guys'.
"Gaga ka talaga! Halika na! May duty pa ako!" Luna sabay hila sa braso ko.
"Te-teka!" Pilit akong kumawala sa hila ni Luna pero maagap si Blanche. Tinulak nya ako para mas matangay ako sa hila ni Luna.
Tumingin ako sa Juan na natihimik lang na nakatingin samin mula sa lugar kung san sya kanina pa. "Teka. Yung niluluto ko." Sigaw ko pero di nagpaawat ang dalawang babae "Juan! 10 to 15 minutes, luto na yun!" Bilin ko sabay hagis sa couch ng sandok na di ko napansing hawak hawak ko pala bago ako tuluyang natulak palabas ng bahay.
"Salamat, Juan! Err- Juphen pala." Sigaw ni Luna.
"Just ask her to pay for the damages!" Sigaw rin ni Blanche bago isara ang pinto.
Pagkasakay namin sa sasakyan ni Blanche, agad na lumabas ang sermon ni Luna mula sa likuran.
"Gaga ka talaga, Sis! Nawala ang lasing namin nung tumawag ang Mama mo! Mabuti nalang may nagtext kay Lavmir na nasa maayos kang kalagayan kaya pinagtakpan ka nalang namin! Gaga ka talaga! Kung may sakit ako sa puso nakoo talaga!"
"Pasensya naman. Wala rin akong idea kung bat ako napadpad dun. Di ba nabanggit ni Lavmir kung asan ako?"
"Ayaw sabihin eh. Nakakainis nga. Sabi lang nya na masaya ka na kung san ka. Safe ka na. Baka magpafiesta ka pa nga raw pagkagising mo. Malay naman namin na nasa bahay ka pala ni Juan mo!" Paililing iling na litanya ni Blanche habang nagdadrive at nakatingin sa daan. "Tawag kami nang tawag pero di mo sinasagot. Nasan bang phone mo?"
Napagil ako. "OMG! Sis! Nasa bahay ni Juan!"
"Balikan natin." Agad na sagot ni Blanche.
"Wag na!" Agap ko. "Para naman may dahilan para bumalik ako."
Nakita ko ang pag iling ni Luna mula sa salamin. "Sis, bilis na nga. Sobrang late na ako. Baka endorsement na."
Naiwan kami ni Blanche sa loob ng kotse nya kase tumakbo na papasok ng hospital si Luna. "Nakalunch ka na ba?"
"Cereals lang. Nakita ko sa cabinet ni Juan."
"Nako talaga, Maria Agape." Minasahe nyang kaunte ang noo saka nagdrive.
"Sis, paano ako nawala?" Tanong ko pagkatapos naming umorder. Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na restaurant nila. Dahil chef ang parents nya restaurant ang business nila.
"Basta lasing na lasing ka. May pa bodyshot pa ng tequila sa katawan ni Sony. Hahaha. Ang wild ng sayaw nyo, Sis!"
"Eh paano nga ako napadpad kay Juan?" I asked again not minding the story about my dirty dance with Sony. Normal lang naman sakin yun. Mga batang C.I lang naman kasama namin kagabi sooo chill lang pero di ko parin gets kung paano ako na padpad sa bahay ni Juan.
"Wala akong idea, Sis. Basta nawala ka nalang. Di naman namin agad napansin. Kausap ko si Phoenix nung napansin ni Luna na wala ka na. Akala namin kung san ka na dinala ni Sony, kaya nagpanic kami. Tapos nung dumating si Sony na galing lang pala sa cr, mas nagpanic kami." Lumalakas na ang boses nya. Napansin nya kaya hininaan nyang kaunte kase nakatingin ang mga empleyado ng restaurant nila. "So, anong plano mo?"
Naalala ko ang mata kanina ni Juan habang tinitignan kaming tatlo. Parang tahimik na jinujudge nya ang bawal galaw namin. I snapped away the negativity tapos nagsalita agad. "Nakakahiya yung nangyari pero tuloy parin ang buhay, Sis. Tuloy parin ang takbo ko papuntang dulo ng buhay kasama si Juan ko. Hahaha." Walang isip isip na sagot ko. Sigurado naman kase ako.
"Baliw ka talaga! Masyadong seryoso sa buhay yun. Sigurado ka na ba jan?"
Huminga ako ng malalim at binigyan sya ng malaking ngiti. "Sis, minsan lang ako mangarap. Sigurado ako dito. I'm all in. Mag rerent ako ng apartment malapit sa bahay nya. Para mas malapit sa target."
"Ay gaga! Sigurado na talaga sya." Halos lumipad naman ang eyeballs ni blanche dahil sa matinding pag irap nya.
Dumating naman ang order namin.
Kinuha ko na ang kutsarat tinidor. "He's the one, Sis! I'm so sure. Wala akong ibedensya pero pakiramdam ko talaga, sya ang tama para sakin. Sya talaga ang gusto ko." Sabi ko habang Pinapasok sa bunganga ang unang slice ng karne. "The right person will not make you hmm and haw about whether or not you want to be with him. You just become sure. Alam ko lang."
Mahinang tumawa si Blanche. "Oo na. Supportado ka naman namin. Pero sis kung pumalpak man yang plano mo, inom lang tayo at magparty pagkatapos ha."
BINABASA MO ANG
Juan's Love Game
RomanceMaria Agape Cordova was once THE GREAT MARIA AGAPE CORDOVA. Mayaman, maganda, matalino, lahat nakukuha. Pero may simpleng gusto sya sa buhay, yun ang mapaibig ang isang Juan Serafines Vera Cruz. Ngunit napakagaling maglaro ng tadhana. Matapos nyang...