"Lavmir!" Tawag ko sa spermcell na naglalakad.
"Yo! Margareta! Good morning." Mapalad na ngiti ang bati nya. That smile can melt anyone's heart. Kaya napakaplayboy.
"Alamin mo nga ang schedule ni Juan." I commanded.
"Aanhin mo?" Magtatanong pa talaga eh alam nya naman na deads na deads ako sa pinsan nya.
"Syempre para alam ko kung kailangan kong lumuhod kay Montemayor para makasabay si Juan sa hospital." Muntik pa akong mag duh? kase halata naman kung bakit. Last sem ganito rin ako.
"Text mo nalang sya. May number ka naman."
Oo may number nga ako. Syempre classmate at kaibigan ko tong pinsan nyang walking sperm.
I gave him a long glare. Di na na siguro matake ang sama ng tingin ko kaya nagsalita na sya. "Oo na! Mamaya." He murmured something pero ang naintindihan ko lang "May girlfriend na yun."
"Ikaw nga tatlo tatlo mag girlfriend!" It was meant to insult him pero tumawa lang ang gago. "Baka pwede naman akong sumingit na 2nd girlfriend nya." Syempre joke lang. Ayoko ng kahati. Gagawa nalang ako ng paraan para maghiwalay sila. And who could ignore the charm of Marga Cordova. Baka nga bigla yun makipagbreak kung malaman nyang may gusto ako sa kanya eh.
"So, kakabit ka? Hahahah." Alam kong joke to pero natamaan ako sa sinabi. Well, I will just be the wrecker pero di ako kakabit. "According to rumors, Kelly Amella King is his girlfriend and of course you already heard about it."
Oo narinig ko na ang balita, last sem pa but I never heard about Juan courting her. Diba? If a guy is courting a girl, makikita mo talaga yan na nag eeffort. Ni di ko sila nakitang magkaholding hands! It's a must if you're in a relation ship. Nakikita ko lang sila sa hospital na magkasama pero hindi sila naghahawakan ng kamay.
An image of them laughing outside the operating room gave bitterness to my throat.
I brushed off the image pestering my brain before I clear my throat to..syempre calm myself. "Rumors are not necessarily true, Lavmir. May nakita ka bang sign na sila? Nakita mo bang nanligaw si Juan?" I sounded bitter but I don't care. Normal na mabibitter ako kung magkagirlfriend si Juan ng di ako.
"Ang ligawan ba, dapat in public?" Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Of course! It must be in public. Like the guy has to show the world his love for the girl. Not everyone may agree but that's for me. Kailangan ipakita sa lahat. Duh? Di ako pangit para itago. "May maliit na bahay naman si Juphen. He can court Kelly there." Mas lumalim ang kunot ng noo ko. Alam ko na yun san patungo tong sinasabi ni Lavmir. "In bed, under blanket, naked. Uhmmm. Best courting style." Then he gave me a dreamy look. Manyak!
"Walang hiya ka!!" Hiyaw ko sabay pinaghahampas sya ng red Hermes 2002 sling bag ko.
Tawa lang ng tawa ang walang hiya habang tinatakpan ang mukhang pinupunturya ng bawat hampas ko ng bag.
"Excuse me?" Isang malamig na tinig ang narining namin.
Nanlaki ang mata ni Lavmir. Kaya lumingon naman ako. Halos ma buwal ako sa kinatatayuan ko nung nalaman ko kung sino ang nasa likod ng nagsalita. Alam kong si Dean pero di ko inaasahan na nasa likod nya si Juan.
"Student nurses... in my office NOW!" His voice thundered and my soul cracked into pieces.
Sumulyap ako kay Juan. It was supposedly a quick glance pero natigilan ako at napalunok dahil sa sama ng tingin nya sakin. Are you judging me with those eyes again?
Biglang may tumunog na cellphone. Ah. Sa kanya pala. "Sir, Kelly is calling. I'll talk to her first, habol nalang po ako sa office."
Sir nodded as a response. With that he immediately turned his back. "Hey.." isang malambing na bati ang narinig ko bago sya makaalayo and my heart shattered.
BINABASA MO ANG
Juan's Love Game
DragosteMaria Agape Cordova was once THE GREAT MARIA AGAPE CORDOVA. Mayaman, maganda, matalino, lahat nakukuha. Pero may simpleng gusto sya sa buhay, yun ang mapaibig ang isang Juan Serafines Vera Cruz. Ngunit napakagaling maglaro ng tadhana. Matapos nyang...