Chapter 3

3 1 0
                                    

"Black kaya?" Tanong ko sa sarili.

Di ko alam kung anong dress ang isusuot ko ngayon. Kainis. Dapat sobra sobra ang kagandahan ko mamaya. Ayokong matalbugan ng mga 4th year.

"Ganda ko." Puri ko sa refection ko sa mirror. Naka black above the knee backless dress ako ngayon, high ponytail syempre para makita naman ang likod ko, tapos gold hoop earrings, black t-strap heels at syempre for a touch of happy color isasama ko ang bright pink prada diagramme shoulder bag ko.

Dumating kaming tatlo sa party gamit ang sasakyan ni Luna. Kainan muna pala bago party. Saktong sakto, di ako kumain.

"Wow, sexy." Agad na salubong sakin ni Lavmir.

Di ko sya pinansin at patuloy na ginala ang mata sa kabuuan ng party para hanapin si Juan.

"You think he'll be here? Hahaha. Sorry to disappoint you but your crush is an introvert nerd. Hahaha." Humalakhak pa talaga ang gago! Gago talaga!!!

"Mga gaga! Bat kayo tumatawa!" Suway ko sa dalawang babaeng kasama ko na nakihalakhak din.

"Kase funny." Sagot ni Luna.

Padabog akong naglakad nung sumalubong sakin si Sony. Isa sa mga kaibigan ni Juan. "Wow. The great Marga Cordova is here."

"Of course!" sagot ko naman sabay pasimpleng hawi palikod ng buhok na nagawi sa balikat ko.

May sasabihin pa sana si Sony kaso napatigil nung may ibang nakakuha sa atensyon nya. Umabante sya ng kaunti papunta sa gilid ko saka nagsalita. "Oh Juphen! Sabi ni Sival aabsent ka na naman ngayon."

Pagkarinig ko ng pangalan nya, agaran akong lumingon. Lingon lang, di ko na nasundan ng paggalaw ng katawan kase nastatwa na ko. My Juan is now standing just a few feet away from me! Bat di ko naramdaman!

He's looking down... at me? Wait? At my back?

Binawi nya ang matagal na pagkaka titig sa likuran ko. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple nya. Ibig sabihin, lumunok sya. "Mapilit si Kelly kaya pumayag na ko." Sagot nya. Dun ko naman napansin ang babaeng katabi nya. Ouch. Binawi ko ang pagkakalingon ko. Nagbukas ako ng bag at nagkunwaring may hinahanap. Syempre. To save myself from this awkward situation. Di lang ako sure ha pero mukhang ako lang ata ang naaapektuhan.

"You know Daddy. He'll not allow me to come lalo na duty bukas but I mentioned Juphen's name kaya pumayag agad."

The class of this girl. Kahit tumawa talaga sumigaw ang yaman nya. Minsan lang ako mainsecure at ang moment na to ang isa sa mga minsan na yun.

"Sis, upo na tayo." Ramdam na siguro ng mga kaibigan ko ang biglang pag baba ng saya ko kase lumapit na sila.

Di na ako sumagot sa kanila at humingang malalim bago bumaling kay Sony. Tinapik ko pa ang balikat nya bago magsalita. "Sony, I'll go with my friends."

"Sige, Marga. Mamaya ha. Sayaw tayo sa party."

"Sus. Sure!" Nakangiti kong sagot bago magpaalam ulit at umalis.

Pinili ko ang pwestong nakatalikod kay Juan. Ayokong makita ang napakapangit na view. Naging matiwasay ang buong oras ng kainan. May konte program na may pamessage si Vicky. Bandang alas dies y media na nung nag uwian ang mga may edad. Ibig sabihin nun, magsisimula na ang party.

Nag iba ang ilaw sa buong venue at naging mas maingay ang music. "This is party time!!" Sigawan ng mga 4th year na babae.

Dala ang isang bote ng henessy lumapit si Vicky tapos nagtayuan na ang mga taong nilapitan nya. Kaya lahat nagtayuan na rin. Pinalitan ang mga table. Naglabasan lahat ng inumin. Beers, jack daniels, henessys, vodka, tequila... Oh come on! I love them all!!! Ngayong badtrip pa ko, ipapasok ko lahat sa katawan ko yan!

Nagsigawan ang mga babae nung naglabasan ang mga waiter na may tig isang dalang tower ng mix drinks. Iba ibang kulay. Mga demonyong magaganda tignan.

Nawala ang atensyon ko kina Juan at Kelly sa mga nagdaang oras pero ngayon pasimula na ang party, nabalik iyon dahil narinig kong nagsalita ang mga kaibigan nila. "Ano ba yaaan!" Sigaw ng isa.

"Love birds! Ang kj nyo!" Sigaw ng isang C.I. namin.

"Oh no!" Reaksyon ni Blanche.

"Sis? Lovebirds daw?" Luna na nagpaparinig.

Di na ako sumagot at nilagok nalang ang kulay pink na inuming inabot sakin ni Blanche.

Hindi naman sila ah! Pero bat di tumanggi si Juan?

"Maaga pa bukas. Babawi nalang kami sa susunod." Dinig kong sagot ni Kelly habang nakapulupot ang braso kay Juan.

You should've at least get rid of the snaking arms, Juan! You're breaking my heart!

Inisang lagok ko ulit ang inabot sakin ni Blanche. "Huy gaga! Kalmahan mo lang." saway ni Luna.

Nakasunod lang ang mata ko sa likod nila habang papalabas ng venue. Arggh! Napakabigat sa loob! Ang ganda ganda ko ngayon! Bat si Kelly? Naka formal dress lang naman sya ah! Saka Naka sandals lang!

Marahas kong tinanggal ang pagkakaponytail ng buhok ko. Buti nalang nasa tamang wisyo pa ko kase dalawang shot palang to. Siguro kung malala na ang pagkalasing ko, sinugod ko na sila.

"Hi, Girls!" si Lavmir na hawak ang isang tray ng sliced lemon, asin, at mga shotglass na hula ko tequila ang laman.

"Thanks!" Si Luna na sumisipsip na ng lemon.

"Waiter ka na pala ngayon?" Mataray kong tanong.

"Gwapong waiter. Nandun kami sa gilid sa may sofa." Sabi nya na medjo lumapit sakin para marinig ko. Lamalakas na kase ang music at sigawan ng mga taong nagsasayaw sa harap ng DJ.

"Mga Sis!!!" Tumatalon talon na si Blanche habang hawak ang baso nya ng blueng inumin "Sayaw lang ako." Paalam nya. Mukhang nakakita ng lalaki.

Nasa sofa lang kami umiinom kasama ang mga 2nd year at ibang third year. Pansin ko ang mga mata ng ibang lalaki pero wala ako sa mood.

Sina Lavmir at Luna ang pinakamaingay sa lahat. Ako, tahimik na umiinom. Di ako kinulit ng iba kase alam naman nilang di ako magalaw kung wala pa akong tama. Saka wala naman akong kasamang sumayaw kaya nanahimik ako dito.

"Hi Marga. Sayaw tayo!" Aya ng isang lalaki. Familiar lang pero di ko kilala talaga. "Gino." Sabay upo nya sa tabi ko at nagoffer ng kamay.

"Hi, Gino." Humarap ako sa kanya. "Wait." Ininom ko ang shotglass ng vodka na naghihintay sa harap ko. "Lets go!"

Sumayaw lang kami ni Gino nung may pumasok na imahe sa isip ko. Papaalis na likod nila Kelly at Juan. Napapikit nalang ako at mas bumigay sa sayaw.

Napadilat ako nung maramdaman ko ang mas pagdiin ng katawan ni Gino sakin. Kung si Juan ka lang sana.

Sinayaw ko nalang lahat ng inis ko sa nakita ko kanina. Sayaw at paggala ang pinakagusto kong gawin sa mundo. Tho I never dreamed about being a dancer but I was a dancer. Was kase ngayon sa bar nalang at parties ako sumasayaw. Nagfofolk dance ako noong highschool At ballerina ako nursery hanggang elementary.

Pabalik kami sa sofa nung dinalubong ako ni Blanche na may dalang inumin. "Hennessy for the dancing queen."

Juan's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon