ΦPrincess 3 [Saved by]

2 0 0
                                    

What does life's really means?

For me, ang buhay ay ‘isang bagay na walang katiyakan’, hindi mo alam kung kailan at saan matatapos ang hangganan.

So...habang may hangin ka pang hinihinga, nakakapag isip ka pa ng magagandang bagay, naaala mo pa ang masasayang alala, you should followed your heart. Make the things that makes you feel better, makes you happy, a real happiness.

And that's life for me.

Hanggang kaya ko, gagawin ko ang mga bagay na makapag papasaya sakin. Yung totoong saya.

Gagawin ko ang mga bagay na gusto ko. Bagay na mag bibigay sakin satisfaction na napahalagahan ko ang buhay na meron ako.

Kahit sa kabila nito ay ang pagbabalewala sa mga taong mahal ko. Kahit na madisapoint ko ang mga taong hinahangaan ko. Sa buong buhay ko, I'm living by someone's words. Words that I should, nu uh I need to follow.

Tahimik akong naupo sa aking designated seat. Inayos ko ang gamit ko at nilabas ang gamit na gagamitin para sa period na ito.

Tahimik ako, mag isa at weird mang sabihing wala ni isang kaklase ko ang sinubukan kong kaibiganin.

Ewan ko ba, i just feel, i don't want to have one. Ayukong ma attached sa isang taong walang kasiguraduhan.

"Class dismiss. And don't forget to do your homeworks. "

"Yes ma'am Reyes! " they shouted lazily.

Napataas ang noo ko at inayos na ang gamit para umalis.

Maingay ang corridor ng dumaan ako, may mga naghaharutan, hinahabol nung isa ang kaklase niya habang hawak ang libro niya ata. Nagtatawanan sila hanggang sa hindi ko na sila makita.

Ang ganda lang pagmasdan ang ganung eksena, tatlong buwan na ako dito pero naninibago parin ako.

Mula sa mga studyante, iba't ibang klaseng studyante. Mula sa tahimik at maingay. Mabait at mataray. Matalino at hmmm..sakto lang.

Meron silang tinatawag na nerd, at alam kong isa ako dun.

Ganito pala ang definition ng 'nerd'sa kanila. Iyon'g daw may salamit na malaki at makapal, malaki ang blouse at mahaba ang palda, kulot at buhaghag ang buhok at laging may dalang libro.

Yes, I'm always with my books. Pero wala akong makapal at malaking salamin, sakto lang din sa akin ang blouse at tamang ikli ng palda. Hindi ganun kakulot at buhaghag ang buhok ko. Because i know how to look fine and good, just good. I don't need to wear any kind of make up, even I'm exactly used of it—like the other girls her. I'm fine of taking a bath, just powder and I'm good to off to school.

At yan ang araw araw na eksena ng buhay ko.

Papasok uuwi at papasok ulit.

Nagpalinga linga ako sa kalsada wala si manong Jud, yung kapitbahay naming naghahatid sundo sa akin. Hindi ata makakarating dahil humigit isang oras na ako ditong nakatayo.

Huminga muna ako ng malalim bago mabagal na naglakad.

"Siguro ay may ginawa? " mahinang tanong ko sa sarili habang naglalakad.

Medyo kabisado ko na ang daan dahil lagi naman akong nakatingin sa labas kapag hinahatid at sinusundo ako.

Namuo ang butil sa noo ko ng tanya kong nasa kalagitnaan na ako samin.

Huminto ako at ngumuso, pakiradam ko ay ang lagkit ko na, at ang isipan ng malamig na tubig sa shower ay nagpapasabik sakin.

Magbabad talaga ako sa tubig pag dating ko sa bahay.

I took a deep breath, bago nag patuloy sa paglalakad, nakapa meywamg.

Nakarinig ako ng malakas na paharurot ng kung ano pero hindi ko nilingon, masyado na akong pagod para bigyan ng pansin ang bagay sa paligid ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang bahay, kama ko, at ang malamig na tubig sa banyo.

Isang malakas na busina ang narinig ko pero mukhang huli na ata dahil ng lingunin ko kung saan nagmula yun ay saktong nasa harap ko ang isang itim na kotse.

Nanlaki ang mata ko at agad kumalabog ng nakakabingi ang dibdib ko.

Tila nag slow motion lahat.

Ang pagpikit ko ng mariin, hanggang sa maramdaman ko ang mahigpit na bagay na nagpakilos sa katawan ko.

Inabangan ko ang pagbunggo ng sasakyan sa katawan ko at sakit na madudulot nun sa akin.

Pero, ilang segundo pa ay wala akong naramdamang kakaiba.

Mariin parin akong nakapikit. Malalim ang pag hinga at nanatili saking isipan ang kotseng itim na sobrang lapit na sakin.

Nang wala paring nangyayare ay idinilat ko ang isa kong mata. Isang royal blue na tela ang nakita ko. Nagtaka ako at idinilat na ang pares ng mata.

Napakurap kurap ako ng makitang isang malapat na dibdib ang bumungad sakin, tumaas ang tingin ko at kita ko ang kwelyo niya, ang pag galaw ng adams apple niya dahil sa pag lunok.

"You okay miss? " ang boses niyang mahinahon ang tuloyang nag paangat ng tingin ko sa mukha niya.

O my...paanong napunta ang isang angel dito sa lupa?


Napatitig lang ako sa kanya ng ilang sandali.

Tumahimik siya at medyo lumayo ako sa kanya. Nakakailang ang lapit namin sa isat isa.

Kahit lumayo ako ay nanatili sa baywang ko ang pares ng kamay niya.

"Y-yeah.. "

"You sure? Namumula ka e. "

Napahawak ako sa pisnge ko. Namunula daw ako?

"U-uh..."

"Bakit ka ba kasi nag lalakad mag isa dito? "

At lumingon siya sa paligid.

"Ah..pauwi na kasi ako. "

Tumikhim ako at humakbang ng isang beses para malayo sa bisig niya.

"Saan ba bahay niyo? "

Napaamang ako. Hindi makahanap ng salita.

"Hatid na kita. "

"Ah hindi na, malapit na rin naman ako. "

Ngumiti ako to assure him that I'm really fine.

"No. I insist. "

Ngumiti din siya at medyo nagkamot ng likod ng tenga niya.

"O-okay.. "


"Dito na ako. Salamat. "

Tinuro ko ang bahay namin.

"Oh okay. Pasok kana. "

Tumingin ako sa kanya.

"Ah ikaw, hindi ka pa aalis? "

Napapaisip ako. Should I invite him inside? E nahihiya ako kay nana, lalaki siya at baka kung anong maisip ni nana.

"Aalis ako pagka pasok mo. "

Ngumiti siya at bumalik muli ang tingin sa bahay namin.

Pansin ko ang pagdilim ng mata niya habang tahimik na tinititigan ang bahay nila nana.

Gumalaw ang braso niya, i lower my gaze, just to see his hand formed into fist, tightly.

Napakunot ang noo ko. What's wrong? Galit siya? Galit siya sa bahay namin? I mean, nina nana?

Princess In Disguise [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon