"Ang pag-ibig kahit saan maaari mong makuha at angkinin. Pero hindi lahat ng pag-ibig na nakikita natin o kaya'y nararamdaman at naipaparamdam ay totoo na. Maaaring ito ay pakitang tao lamang nang upang hindi tayo o sila ay makasakit ng iba.
Pero kung sa oras na matamo mo na ang tunay na pag-ibig na inaasam ng lahat, may mga bagay-bagay din tayong dapat na gawin nang upang itong tunay na pag-ibig ay manatili sa atin hanggang sa wakas. Hindi naman ito ganoon kadali, na kung sa oras na ayaw mo na ay pwede mo lang isantabi. Tulad nalang ng kanin na kung sa oras na mapaso ka ay pwede mo lang iluwa.
Kaya kung ang pag-ibig ay nais mo nang maranasan, siguraduhing ito'y iyong makukuha sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Matutong maghintay at huwag magpapadalos dalos, because Love Comes to Those Who Wait."
~❇️~
BINABASA MO ANG
Katha
PoetryGenre: Poetry | Short Story | Random "Everyone is not a writer, but everyone can be one." "Express what you feel and write it down in a paper. Learn to write and share your thoughts about this life." Katha is a poetic portfolio of poems, poetic pass...