Sana Ako Nalang
Masama bang hilingin na sila'y huwag magkatuluyan?
Na ang dalawang kaibigan ay 'di sana magkaaminan.
Ang mga puso nila'y sana ay 'di mabuksan,
At ang namumuong pagtitinginan ay tuluyang hadlangan.Masama bang hilingin na sana'y ako nalang?
Ang kanyang kasama at katuwaan magpakailanman.
Na ang pintig ng puso'y ako lamang ang hiyaw,
Magkasama hanggang wakas ay walang iba kung 'di ako't ikaw.Masama bang maging makasarili kahit ngayon lang?
Pintig ng puso ko'y siya naman sana ang pakinggan.
Siya'y ibigay sa akin kahit iba naman ang nakalaan,
Dahil puso ko'y umiibig kaya sana'y ako nalang.~🌸~
I don't know the rules in writing poetry so please bare with me.
—ate sak
BINABASA MO ANG
Katha
ŞiirGenre: Poetry | Short Story | Random "Everyone is not a writer, but everyone can be one." "Express what you feel and write it down in a paper. Learn to write and share your thoughts about this life." Katha is a poetic portfolio of poems, poetic pass...