Chapter 5

48 2 0
                                    

Nasa labas na ako ng kwarto ni Vaughn, papasok ba ako o hindi? Nanginginig na yung mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang tray na may soup, tubig at gamot. Taktee! Sige na nga, kakatokin ko na.

*knock knock*

Nakailang katok nako pero wala paring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at swerteng hindi pala naka lock ang pinto niya. Hindi naman ata bawal pumasok, pero natatakot ako baka magalit siya saken. Hindi dahil pumasok ako sa kwarto niya, kundi makikita na naman niya ang pagmumukha ko. Tulog na tulog si Vaughn. Nakadapa. Parang hinagis lang sa kama. Nilapag ko sa mesa niya ang dala kong tray na may soup, tubig at gamot. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. Maraming posters ng iba't ibang banda gaya ng Eraserheads, Silent Sanctuary, Parokya ni Edgar at marami pa.

"Woooow! Si Ely to ah, ang gwapo talaga ni ely!" Habang tinitingnan ang isang poster

"Anong ginagawa mo dito?"

Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at biglang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako maka-iling. Parang napa-paralyse ako.

"Sumagot ka, bat pumasok ka sa kwarto ko?"

Patay na ako dito, promise.

"Dinalhan kita ng soup at gamot. Nalaman ko kasing nakainom kayo ni Cirvell kagabi."

Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Sa poster lang ako nakaharap. Feeling ko papalapit siya saken. Sasapakin na kaya ako ni Vaughn? Jusko gusto ko pang mabuhay.

"Ganun ba?"

Naramdaman kong tumayo siya. Pakshettt bumulong siya sa at ang lapit lapit ng bibig niya sa tenga ko.

"Bumabawi ka ba saken Xayril?"

Napatingin ako sa kanya, sa sobrang lapit ng muka niya napaatras ako at napasandal sa pader at sinandal niya ang kanyang kanang kamay.

"Hindi naman sa ganun Vaughn" pautal-utal kong sagot

"Eh ano?"

Palapit ng palapit ang muka niya sa muka ko. Shet natatakot nako dito. Parang ibang tao tong kaharap ko.

"Obligasyon ko to, kasi kapatid kita."

Natawa siya sa sinabi ko. Hindi niya parin inaalis ang kanang kamay sa pagkakasandal sa pader. 5 inches lang ata ang layo ng mga katawan namin.

"Eh pano kung iba ang gusto kong ipagawa ko sayo?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa

"Ano?" Buong pagtataka kong sagot

"Kiss me, gusto ko yung french kiss ha." Malandi niyang sagot

"Tangina Vaughn ano ba!" Tinulak ko siya palayo.

Lalabas na sana ako ng hinatak niya ako ulit at isinandal sa pader.

"Akala ko ba may obligasyon ka?"

"Kapatid moko, hindi mo ko girlfriend Vaughn. Bitiwan moko ha, kung hindi sisigaw ako." Pagbabanta ko sa kanya

"Sige subukan mo. Hahalikan kita."

"Tangina Vaughn naririnig mo ba sarili mo? Baliw ka na ba ha?! Bitiwan moko sabi eh!" Napapalakas na ang boses ko. Sheeet baliw natong si Vaughn, di kaya'y gumagamit siya? Juskkoo wag naman sana

"Naiinis ako sa boses mo tumahimik ka nga!"

"Bitiwan mo sabi ako eh!" Nagpupumiglas na ako para mabitawan niya ako sa pgkakahawak

"Tumahimik ka baka marinig ka nilang pumasok dito!"

"Bitawan mo muna sabi ako!"

"Ayaw mong tumigil?!"

At bigla akong hinalikan ni Vaughn. Pakshet, Holyshet, pakengsheeet!!!! Poteeeek!!!! Vaughhhhnnnnnnn demonyo ka talagaaaa!

"Sabi kong tumahimik ka nag iingay ka pa din gusto mo talagang mahalikan eh no." Natatawa niyang sabi

Wala na akong nagawa kundi itulak nalang siya palayo at tumakbo ako palabas ng kwarto niya. Jusko ano ba tong ginawa niya, ano ba tong ginawa namin. Jusko aatakihin ako sa puso nito. Ngayon ko lang nakita ang ka demonyohan nitong si Vaughn. Patawarin sana siya ng nasa itaas.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Vaughn?"

"Jusko! Cirvell! Bat sumusulpot ka nalang kung saan! Aatakihin ako sayo eh!" Hingal na hingal kong sagot

"Hahaha, ano ngang ginawa mo sa kwarto ni Vaughn? At tsaka bat pawis na pawis ka?"

"Ah eh, mainit dun eh. Dinalhan ko siya ng gamot sa hangover. Dadalhan din sana kita eh kaso gising ka na."

"Ganun ba?"

"Oo, sige. Jan ka na dun na muna ako sa kusina."

Halatang nagmamadali na ako. Iniwan ko na si Cirvell sa labas ng kwarto ni Vaughn. Sheeet mababaliw ata ako nito!

The Abandoned (On-Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon