Chapter 4

60 1 0
                                    

Harris POV

5:30am na ako nakauwi ng bahay. Nag overnight kasi kami sa bahay ng classmate ko dahil sa ginagawa naming thesis. Pagdating ko, as usual naglilinis sila manang sa labas lalo na sa garden namin. Teka bat ang baho?

"Manang, ano yan? Parang may sumuka jan ah?" habang tinatakpan ko ang mga ilong ko shet kadiri

"Sir Harris ikaw pala, opo may sumuka dito. Malamang isa sa kanila ni Cirvell at Vaughn. Umalis kasi sila kagabi siguro nakainom sila." Pagpapaliwanag ni Manang Minda

"Teka? Si Vaughn nakauwi na?"

"Ay oo nga pala, kahapon pa siya nakauwi dito. Si Xayril din dinala sa ospital kahapon."

Isang araw lang akong nawala andami na nangyari dito sa bahay. Si Vaughn nakauwi na pala, buti naisipan niyang umuwi. Ano na naman kayang pakulo nito. Pagpasok ko ng bahay nagpahanda agad ako ng agahan, nagugutom na kasi ako. Tulog pa naman sila, mauna na muna akong mag almusal.

Maya-maya nakita ko si Xayril na bumaba may benda ang paa niya, naaksidente ba siya kahapon? Kaya siya na ospital? Iika-ika pa siyang maglakad.

"Xay"

"Uy Kuya Harris, kakarating mo lang?"

"Mga 30minutes nako nandito, teka napano yan?" Tinuro ko yung paa niya

"Ah, sa sobrang katangahan lang. Nabasag ko yung baso tapos nakaapak ako ng bubog" Pangiti-ngiti niyang sagot

"Ano?! Bubog? Baka matetano ka niyan? Punta na tayong ospital!"

"Kuya maliit lang yung sugat, nilagyan ko lang ng benda kasi natatanggal yung band aid at para madaling gumaling" pangiti-ngiti pa rin ang pag sagot niya

"Ikaw, wag mo nga akong ngini-ngitian jan para kang ewan." Sabay pitik sa noo niya

"Araay! Wala lang! Bawal bang ngumiti? Teka bat ikaw lang kumakain? Di mo ba ako pakakainin?"

"Mamaya ka na, sabay na kayo nina kuya kumain. Sigurado kang maliit lang yang sugat mo? Pag masakit pa din bukas papacheck up na natin yan ha?"

"Okaaay."

"Si Vaughn? Nagkita na kayo?"

Ewan ko pero yun ang biglang lumabas sa bibig ko. Alam naming lahat na galit si Vaughn sa kapatid naming babae. Marami na siyang ginawang kalokohan.

"Ah, oo kuya kahapon pa po."

"May ginawa ba siya sayo?"

"Wala naman kuya, malaki na kami hindi na uso yang trip2 na yan." Tatawa-tawa niyang sagot

"Ganun ba? Mabuti kong ganun."

"Sige kuya, sa garden na muna ako." Pagpapaalam niya

Ayusin mo lang Vaughn, kilala kita. Napakatigas ng puso mo. Wag kang magkakamaling saktan si Xayril, ako makakalaban mo.

Xayril's POV

Lumabas ako at pumuntang garden. Ito ang ginagawa ko araw-araw. Kinukumusta at dinidiligan ko ang mga bulaklak. Nakiusap ako kina Manang Minda na ako na ang maglilinis at magdidilig ng mga bulaklak, pumayag naman sila. Nakita ko si Manang Minda, tila may nililinis na para bang ang tagal malinis?

"Goodmorning Manang Minda, hala ano yan bat ang baho?" Napatakip ako bigla ng ilong

"Goodmorning din maam Xayril. May nagkalat po sa garden niyo eh. Wag kang mag alala tapos na, bubuhusan nalang ng tubig."

"Ganun po ba, ako nalang po. Kumain na po muna kayo sa loob."

"Sigurado ka? Oh sige, maglilista pa kasi ako ng bibilhin dahil mag ggrocery kami mamaya. May ipapabili ka ba?"

"Wala po Manang Minda, salamaat po."

At pumasok na si Manang Minda sa loob. Hindi naman ako nahirapan sa paglinis sa garden. Maya-maya naalala kong lasing sina Cirvell at Vaughn kagabi. Gagawan ko nalang sila ng soup at dadalhan ng gamot para sa hangover.

Pagpasok ko, wala na si Kuya Harris sa kusina. Nasa kwarto niya na siguro. 6:00am na at wala din namang pasok kasi linggo pa naman, late na naman gigising ang mga kapatid ko. Gumawa ako ng soup, at kumuha ng gamot. Natatakot akong ihatid to kay Vaughn baka itapon niya lang, pero kapatid ko siya at nag-aalala ako sa kanya kaya ihahatid ko to sa kanya.

The Abandoned (On-Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon