Chapter 9

20 1 0
                                    

Vaughn's POV

Maaga akong umalis ng bahay kasi nandun si Daddy. Ayokong makita siya. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit nandito na naman ako sa letcheng lugar nato.

"Omg! Nakita mo yun? Balita ko kapatid daw yun ni Xayril yung galing Canada."

"Talaga? Ang gu-gwapo talaga ng Locser Brothers"

Kahit naka headphones na ako naririnig ko pa rin ang chismisan ng mga tao. Kaurat. Papunta ako ngayon sa Section A. Oo, sa section A ako nalagay kahit wala naman talaga akong utak. Sponsor kasi ng school nato ang Daddy ko kaya ganun nalang ang trato sa amin. Special.

"Naku! Sorry! Ay, Vaug-

"Bulag ka ba?! Tingin tingin din kasi sa dinadaanan."

Tatalikuran ko na sana siya nung nagsalita ulit siya. Peste. Sisirain niya ata ang araw ko.

"Totoo nga nagtransfer ka na." sabi niya ng malumanay at nanatiling nakayuko

"Oo at pwede ba? Wag kang lumapit saken, di porket magkapatid tayo pwede mo na akong kausapin."

At iniwan ko na siya sa hallway. Bastos na kung bastos basta ayokong kinakausap niya ako o lumalapit siya saken. Nagdidilim ang paningin ko.

Xayril's POV

Wala pang teacher kaya magulo ang classroom namin lalo na nung dumating si Vaughn. Walang lumalapit sa kanya kasi facial expression niya pa lang parang nananapak na.

"Xay!"

"potek! Fhaye ano ba?!"

"Lutang na lutang ah? Anong meron? At sino yung new boy?" habang pumapapak ng chips niya

"wag ka ngang sumusulpot agad magkakasakit ako ng dahil sayo eh!"

"so sino nga yan?" habang pinopoint niya si Vaughn ng nguso niya (HAHAHA) at tumabi siya saken

"Kapatid ko. Wag kang maingay ha!"

"Holysh*t kapati-" at tinakpan ko ang malaki niyang bunganga

"Hirap ba intindihin yung wag maingay ha? Tigas din ng ulo mo eh no?"

"Sorry naman na gulat lang. Bat parang hindi naman kayo magkamukha, at ang isnabero pa. San galing? States?" sunod-sunod niyang tanong

"Ang dami mong tanong Fhaye! Magkapatid nga kami, galing siyang Canada."

Maya-maya naalala ko ulit ang ginawa ni Vaughn saken. Potek! Lintek! Nakakadiriiiiii! Pano ba to! At saktong dumating na ang subject teacher namin, buti nalang din ang dami kasing tanong ni Fhaye. Talk Show ba ito?

*riiiiinnnngggggg!*

Tapos na ang last subject namin. Nag review pala kami para sa darating na exam tapos tambak pa ang projects na pinapapagawa sabay sabay pa lahat ng subjects!

Maam/Sir! Tao po kami opo! Hindi po kami robot opo! At next week pa lahat ang deadline! Okay lang ako, okay lang ako!

"Xay, tara na! Ang bagal mo naman!"

Nag-aayos pa kasi ako ng bag at kami nalang ni Fhaye ang naiwan sa room, ay at si Vaughn pala. Tulog, nasa hulihan kasi siya nakaupo hindi ata napansin ng teacher namin

"Teka nga! Nag-aayos pa eh kita mo?"

Tapos nakong nag-ayos ng bag ko, si Fhaye nasa pintuan kumakain pa din ng chips. Kawawa naman itong si Vaughn pag di ko ginising, wait Xay mind your own business diba?Mapapahiya ka na naman niyan mapapagalitan ka pa! So I decided na wag nalang siyang gisingin.

"Tapos ka na ba diyan Xay?" nababagot na sagot ni Fhaye

"Oo, andyan na!"

Tutungo na sana ako kay Fhaye, bat parang kinakalabit ako ng kung anong spirito na gisingin ko si Vaughn.

"Gigisingin mo lang naman Xay sabihin mong uwian na baka dito pa yan matulog hanggang gabi." bulong ko sa sarili ko at nanatili sa kinatatayuan ko

Pagtingin ko kay Vaughn, nakita ko siyang papalapit saken, yes gising na siya. Nakaayos na yung gamit niya, nakabag at yung muka niya parang hindi natulog.

"Ano? Tabi! harang harang!" at binangga niya ako at nauna siyang umalis ng room

Pakshet?! Ako na nga itong mag-gagandang loob sanang gisingin ka kaso nauna kang nagising punyemas ka.

"Hoy! Tamo? Nauna pang nakalabas ng room yung kapatid mo, bagal bagal mo kasi!"

Wala na akong nasagot kay Fhaye, totoo rin naman. Nakalabas na kami ni Fhaye ng room at makulimlim ang langit.


"Xay, susundiin ka ba?"

"Hindi eh, magco-commute lang ako" sagot ko

"Okay, ingat ka ha? Nanjan na kasi si Papa. Bye!" pag-papaalam niya

Tumango nalang ako. Shet uulan na ata maya-maya wala pa naman akong dalang payong. Nasa may waiting shed kasi ako sa labas ng gate ng school namin, wala pang nagpapasakay na taxi.

"Wag kang umulan please" habang naka crossed-fingers

"Okay lang naman umulan, may dala akong payong."

The Abandoned (On-Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon