Chapter 11

8 1 0
                                    

Napabuntong hininga nalang akong pumasok ng bahay. Nakita ko sa sala sina Kuya Harris at Kuya Razen na nanonood ng tv habang kumakain ng chips at nag mimilktea. Ang kyut nilang tingnan pag magkasama hehe napangiti tuloy ako.

"Xay nakauwi ka na pala, gusto mo?" Inalok ako ni Kuya Razen ng Milktea niya

"Ang saya mo ata ngayon ah? Hmmm." Panunukso ni Kuya Harris sabay kain ng chips

"Masaya naman talaga ako palagi!" sabi ko at lumapit sa kanila

"Ang kyut niyo namang dalawa tapos na ba thesis niyo?" dagdag ko habang kumukuha ng chips ni Kuya Harris at umupo ako sa gitna nila

"Oo tapos na ngayon nga lang kami makakapagpahinga eh, ikaw ba? How's your day?" tanong ni Kuya Razen

"Okay lang-"

"Eh kumusta si Vaughn bilang kaklase?" di pa nga ako tapos may tanong na agad tong si Kuya Harris

"Okay lang din." tipid kong sagot

Kahit hindi talaga okay HAHAHAHA kesa naman sabihin kong "Hindi okay! Please paghiwalayin niyo kami ng section baka ako pag trippan niya lagi!" Hays, wag na nga lang kesa magka problema pa ulit mag away2 pa tong mga kapatid ko. Matapos kong makikain sa kambal umakyat na ako ng kwarto kasi gagawa pa ako ng report namin ni Bright.

Bright's POV

Masama talaga kutob ko sa  kapatid ni Xayril. First impression ko sa kanya, siya yung tipong walang gagawing tama eh. Kanina nga pabababa pa si Xayril ng taxi nakita ko siya nakadungaw tapos nakita pa niya ako ang sama makatingin par! Kaya habang papalayo na yung taxi sinadya kong tawagin si Xay ng "Babe" HAHAHAHAHA tapos nakita kong kumunot ang noo ng loko. Mission accomplished lodi!

*knock knock*

"Bright kakain na!" tawag sakin ng ate ko

Agad naman na akong bumaba baka magalit pa si ate. Kasama kong kumain si ate at mama. Wag niyo ng hanapin ang wala HAHAHAHAHA. Wala po akong tatay. Sabi ni mama nung bata pa ako pag hinahanap ko si papa sa kanya nalunod daw siya sa sabaw.

"Ate?"

"Oh?" sagot niya habang kumuha ng kanin

"Laro tayo after" pacute kong sabi

Yes po. Gamer ate ko. Mas magaling pa nga sakin eh. Ano nilalaro niya? Marami, Valorant, Call of Duty Mobile, Dota 2, at Mobile Legends. Tinuruan kasi siya ng boyfriend niya tas ayun nahiligan na niya din.

"Wala ka bang gagawin? Nag-aaral ka pa ba?" pagtataka niyang tanong

"Malamang, tsaka libre ako ngayon si Xayril gagawa ng report namin bukas" 

"Tingnan mo Ma oh umaasa nalang palagi kay Xayril!"

Tiningnan lang ako ng masama ni mama. Tingin pa lang parang mananakal na eh.

"Pag ikaw talaga may bagsak sa report card mo popokpok ko sa ulo mo yang cellphone at PC mo. Puro ka nalang laro!" 

"Eto namang si mama wala ka bang tiwala sakin?"

Sinimangutan lang ako. Mabait yang si mama concern lang talaga sa pag aaral ko, baka daw kasi hindi ako makagraduate.

*dingg*

1 new notification

"HOY ITO YUNG PART MO! PAG ARALAN MO NG MABUTI HA MAG SEARCH KA NA RIN NG IBANG EXAMPLES, PAG IKAW DI NAKASAGOT BUKAS MALILINTIKAN KA SAKEN!" chat ni Xayril tas may naka attached na file.

Napangiti nalang ako ewan ko ba pag nakakatanggap ako ng chat galing sa kanya.

"Oo na babe. Chill ka lang ako bahala sayo." Reply ko

Tas agad naman siyang nagseen. Naeexcite tuloy akong asarin si Xayril HAHAHAHAHA.

"Babe mo muka mo! Akala tuloy ni Vaughn jowa kita!"

"Jojowain pa, bakit ayaw mo? Edi wag nalang!"

"Baliw ka ba? Bahala ka jan! Bye inaantok nako eh"

"Okay po"

Napagod ata gumawa ng report namin naguguilty tuloy ako.

"Ate! Wag nalang pala busy na ako ngayon eh bukas nalang!" sigaw ko mula sa kwarto ko nasa sala pa kasi si ate eh


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Abandoned (On-Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon