Chapter 10

15 1 0
                                    

"Wag kang umulan please" habang naka crossed-fingers


"Okay lang naman umulan, may dala akong payong."

"Bright"

"Maliwanag at your service!" habang naka-salute at nakangiti abot tenga

Parang tanga talaga to, bukod kay Fhaye, bestfriend ko din pala tong si Bright. Okay naman siya, maraming nagwa-pohan sa kanya, mabait naman din at palaging nagpapatawa sa klase.

"tsk, bat di ka pa nakauwi kanina pa uwian ah?" tanong ko

"bumili pa kasi ako ng Milkshake sa kanto, tapos nandun din si Karl at mga kaibigan niya pinatawag daw ako sa Faculty, pota napag-tripan ako ng siraulo."

Yes, sayang kagwapohan nito hunghang kasi. Madali mauto, kung ako mandurukot easy target tong si Bright. Hindi naman siya kulang2 ewan ko ba dito.

"Hahaha nagpapauto ka din naman kasi."

"Malay ko bang trip nila yun eh muka naman silang seryoso"

"Ewan ko sayo Bright." napakamot nalang ako sa ulo

"Tara uwi na tayo." pag-aaya ni Bright habang nakangisi

"Ha bakit? Nakatira ba tayo sa isang bubong? Magkapatid ba tayo mag-asawa?"

"Hindi aasawahin pa lang kita. Kaya nga sabay tayong uuwi baka umulan pa, wala kang dalang payong magkasakit ka pa."

"Ano ako bata? Siraulo ka! Grade 12 pa tayo wag ka ngang malandi jan!" at binatukan ko siya sa ulo

"Aray! Joke lang! Narinig ko kasi kayo ni Fhaye. Magtataxi ka diba sasabay na ako total nasa isang village lang naman tayo."

Sabagay tama din naman siya, magkapitbahay lang kami HAHAHA. Maya-maya may taxi na rin sa wakas at nakasakay na kami ni Maliwanag, buti di kami inabutan ng ulan.

"Xyyyy! Yuhoo! Xyyyy buhay ka pa ba?!"

"Makakatabi mo ba ako ngayon kung kaluluwa nalang ako? Ang tanga mo! Ano ba kasi?"

"Malay ko bang may spirito ka pa diyan, kanina ka pa tulala di ka naman nakikinig sa sinasabi ko."

Napakamot nalang ako ng ulo at nag fake-smile sa kanya.

"Xy, yung Vaughn ba kapatid mo?"

Narinig ko na naman pangalan ng kapatid ko, kaya napatingin ako kay Maliwanag.

"Sino may sabi sayo?"

"Lahat ng chismosa sa school, at iisa yung apelyedyo niyo. May iba pa bang Lockser bukod sa inyo?"

Ang dami namang alam neto, chismoso din pala minsan mga lalaki eh no?

"Dahil alam mo na rin naman, opo magkapatid kami. May tanong ka pa ba?"

"Wala na, teka lang Xy bat parang ang init ng ulo mo eh uulan naman? o di kaya-"

"Ano?"

"May dalaw ka?"

*SAPOOKx100*

"ARAAAAAY! NAGTATANONG LANG NAMAN EH!"

"Ma'am/Sir iwasan po nating magsigawan maliit lang po ang taxi nagkakarinigan naman po siguro kaong dalawa jan?"

Napakamot kaming dalawa sa ulo at nagtuturuan kung sino nagsimula.

"Pasenysa na po manong, may abnormal po kasi akong kasama dito. Gwapo sana pero 6months kasi siya naluwal ng nanay niya." Pagrarason ko kay manong driver

Nakita ko namang natawa si manong sa joke ko, mabuti na yun ang ingay kasi namin ni Bright. Matalik kong kaibigan si Bright maliban kay Fhaye kaya ganito kami kaclose.

"Ang sama mo talaga saken Xy, teka kelan report natin sa Contempo? Pakner tayo diba?"

"Bukas ata or next day. At tsaka nagawa ko na, isesend ko sayo mamaya para mapag-aralan mo."

"Bait talaga ng bespren ko!" at inakbayan niya ako

"Ayusin mo ha para di tayo mapahiya!"

"YES SIR!" At nagsalute na naman saken

Napatawa na lang ako ng bahagya, ang galing talaga netong magpasaya. Maya-maya di ko namalayan na nahinto na pala ang taxi at nasa tapat na ng bahay namin.

"Una nako Maliwanag, send ko sayo maya ha?" habang inaabot ang bayad kay manong driver

"Oo naa paulit ulit eh!" pag-iinarte ni Bright

Bumaba na ako ng taxi at sinara ang pinto. Hinintay ko muna ang taxi na makaalis, maya-maya sumilip sa bintana si Bright

"BABE YUNG REPORT SEND MO HAAAA!!!?? LOVEYOUUUUU!!" at nagflying kiss pa

"SIRAULO! MAG ARAL KA NG MAKAGRADUATE KA!"

Nakita kong natawa siya, sira talaga. Papasok na sana ako nung nakita ko si Vaughn sa may gate na naka crossed-arms. Tinitingnan ako ng masama, ano na namang kasalan ko? tuloy-tuloy akong naglakad at nilagpasan ko na lamang siya nung

"Babe"

Napahinto ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya

"Problema mo?"

"Nothing, BABE"

Narinig niya ata yung si Bright kaya ginagaya niya.

"Hindi nakakatawa Vaughn, at tsaka hindi ko jowa si Bright, bestfriend ko yun. Tigilan moko."

At iniwan ko na siya, lakas talaga manira ng araw tong kapatid ko. Di ko alam kung bat galit na galit siya saken. Wala akong maisip na dahilan kung bat ganto turing niya saken, hindi tulad ng iba kong kapatid.

The Abandoned (On-Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon