Chapter 18

1.2K 30 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN:

- Lies. Lies. Lies! -

Lexine

"LISTEN to me first, Lexine! Fvck!" rinig ko pang mura ni Tarvy bago ko pa man siya masaraduhan ng pinto.

Naiiyak na nilundag ko ang kama as I bury my face on the pillow there.

Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi napakatanga ko. Nagpakatanga ako sa harap ng mga taong pinagkatiwalaan kong kilala ko pero I think I really don't. I really think I didn't know them from the very start.

Sa ngayon tuloy ay hindi ko na matukoy kung pati ba ang pagkatao ultimo pangalan ko ay ang siya bang totoong ako o baka maging 'yun ay gawa-gawa na lang din nila.

I want to ask them if I am really Lexine Eerah Galvez, with the same name, information, and the same person they said I really was. Na baka naman lahat na lang ng ako ay puro na lang kasinungalingan. Baka nga pati ang pag-exist ko sa mundo ay purong kasinungalingan na lang.

"Lexine! Open this door! Lexine!" rinig kong sigaw ni Tarvy mula sa pintuan.

Hindi ko naman iyon pinansin at pinagpatuloy lang ang pag-iyak ko sa unan.

This way, makakapag-isip-isip muna ako bago gumawa ng kilos at magsalita. Ayoko kasing magpabigla-bigla ng kilos na maaaring makasira sa akin.

Naniniwala kasi ako sa kasabihan na masama ang lahat ng kilos na nagawa ng isang tao dahil lang sa galit. Yung sa sobrang galit mo ay makakapagsalita ka na lang ng basta-basta o kaya naman makakagawa ka ng mga bagay na maaaring pagsisihan mo in the end dahil sa sobrang galit.

And that is what I feel right now. Galit ako. Galit na galit dahil sa mga narinig ko.

I know mababaw na dahilan 'yun for somebody. Na ang babaw ko naman para magalit lang kasi nagsinungaling sila and told me that I was Blythe's best friend when in fact I wasn't. At hindi ako nagagalit at nagdadrama ngayon just because of them telling me that I am his best friend, kahit na hindi naman.

And akin lang is, I was trusting them. Every word they said, lahat 'yun ay pinaniwalaan ko. And I treat them as my family now. Not some random strangers who said random things about me, about my forgotten memory. Kasi naniniwala na ako sa lahat ng sinabi nila.

But in just a snap, it all breaks apart. Actually, hindi lang naman ito ang kasinungalingang sinabi nila sa akin. Maybe because of this lie, ito ang nakapuno sa akin kaya ako nagkakaganito ngayon.

Remember when I asked Tarvy if he knew my family? I can feel that he's lying about it. Na sinabi niya lang na hindi niya kilala ang mga iyon pero ang totoo niyan ay alam niyang may pamilya ako at kilala niya ang mga ito. And I really feel that.

At hindi lang sila sinungaling. Masyado rin silang masikreto. Lalo na sa totoong katauhan ko. Tanggap ko pa sana kung sa kay Cypher lang sila gano'n, maybe for Cypher's safety. Pero 'yung pati sakin? I mean, ang tungkol sa pagkatao ko ay isesekreto nila sa akin?

Una, 'yung pagtatago nila ng information about my family. Then 'yung kay Yaun as my fiance. Tapos 'yung connection ko talaga kay Tarvy na magdudulot ng pagpapahinto ko ng kasalan dapat namin ni Yaun. Isa ng patunay sa bagay na iyon ay noong kasalukuyan kaming papunta sa isang mission, and Blythe said something that brought me comfussions more.

'Lets say she get her memory back, do you think you will get her back? I don't know what were you thinking by now Ali.'

Yan. Yan na 'yan ang naaalala kong sinabi niya and as far as I can remember, that is me.

Now the question is what if I really get my memories back, why does he need to ask Tarvy if he can take me back? Or...Am I really that 'person' he said Tarvy wants to take back?

Protecting the Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon