Avien's Point Of View
Gumising ako ng maaga para tawagan si mama na nasa ibang bansa,lumipas ang ilang minuto tsaka niya lang sinagot
"Ma?"
"Oh baket?"
Ang mga mata niya na mukang pagod ,ang labi niya namumutla ang katawan niya na pumapayat.
"Wala naman ma,miss na kita ma"
"Ok"
Matagal na siyang ganto,kahit kailan di ko naramdaman na anak niya talaga ako.
Naiingit ako sa mga magi-ina na magkasama bumili ng damit,sa mga mag nanay na parang mag best friend
Sa mga mag nanay na sobrang malapit sa isa't isa."Ma,kelan ka ba uuwi?"
"Maya nalang ulit,balik na ako sa trabaho"
Ni hindi alam ng nanay ko,na birthday ko ngayon.
Hindi naging mahalaga saakin kung bigyan nila akong ng regalo,gusto ko lang nama na maalala nila na ngayon ang araw na nabuhay ako.
Hindi dapat ako nageexpect.