2

17 2 0
                                    

Disclaimer: There are inapproriate words.

Avien's Point of View

Lumabas ako ng kwarto,agad na kinuha ang dslr sa lamesa pati ang jacket na katabi nito.

"Kuya!sabit nalang ako"

Sabi ko don sa driver ng jeep,napatingin sakin ang mga pasahero ng jeep kaya medyo nailang ako,sasabit na sana ako ng may ngumiti sakin na lalaki.

"Wag na,ako na sasabit"

Nagkibit balikat ako saka pumasok ng jeep ng makalabas siya.

Pagdating ko sa may plaza,pumara na ako nang sumigaw yung driver

"Miss,sukli mo!"

"Di na manong inyo na ho"

Umupo ako sa isang bench,di kalayuan sa court at playground,kinuha ko yung phone ko tsaka sinalpak ang earphones sa tenga at phone ko.

[No one-Rex Orange County]

Nagsimulang humangin ng malakas,at pumatak ng ulan,agad akong naghanap ng masasakyan para makauwi pero walang mga sasakyan sa paligid,kung meron man punuan.

Tumakbo ako sa Court,agad na tinanggal ang suot kong jacket at piniga yon,sinampay ko to sa malapit na upuan sa tabi ko para kahit papaano matuyo ito.

Buti nalang hindi nabasa ang phone ko,umupo muna ako at pinagmasdan ang kalaakihan na naglalaro ng basketball.

Ang lakas ng tawanan nila,nagpapasahan ng bola pero ng inihagis nung isang lalaki ang bola,papunta ito sa direksyon ko agad ko 'tong sinalo,masyado silang malayo sakin kaya tumakbo ako ng nasa 3 point line na ako,shinoot ko ang bola sa Ring.

Dahil ayoko ng lumapit pa sakanila,kinuha naman nila ang bola habang nasa ere pa 'to.

"Salamat"

Tinanguan ko lang sila,agad akong bumalik sa inuupuan ko,lalong lumakas ang ulan,mapapatagal ata ako dito.

Time check 4:30 pm

Isa't kalahating oras narin akong stranded dito,at malakas parin ang buhos ng ulan,deadbattery narin ako kaya wala akong magawa.

Lumapit ako sa mga lalaki kanina,hindi ko na kaya ang boredom,
Nakatingin silang lahat sakin ngayon,nagaabang ng sasabihin ko.

"Sali ako"

Naghiyawan sila,hindi ko maiwasang hindi matawa,naaalala ko sakanila ang mga pinsan ko noon.

"Game,pakilala muna kami,yan si Troy yung may hawak ng bola,yung maputi na matangkad si Jacob naman yan,tas yung nasa likod niya na moreno si Isaiah,tas yung magkamuka don si Max at Joachim at ako si Range" sambit ni Range.

Tumango lang ako,nagbato-bato pick nalang sila para sa kampihan.

Bale ang kakampi ko si Jacob,Joachim,at Troy.

Ang kabilang grupo at si Isaiah,Max at Range.

Sakanila ang bola,tutal sila naman daw ang lugi kaya pinagbigyan namin
Naagaw ko ang bola kay Range,pinasa ko kay Jacob tutal siya ang open,walang bantay
Agad kaming tumakbo papunta sa kabilang side ng court,pinasa ni Jacob kayJoachim ang bola at agad na pinasa sakin ni Joachim

Agad na nakabantay si Range at Max sakin,Nagfake ako at agad na tumakbo at shinoot ang bola.

Nagkantsawan ang mga kasama ko,napakamot nalang sa batok sila Range.

Melody of the Waves.Where stories live. Discover now