Avien's Point of ViewTime check: 12:45pm
Nagising ako ng dinilaan ng pusa ko ang kamay ko,agad akong bumangon at naligo.
Nagsuot ng simpleng tshirt,skinny tsaka sneakers.
Kinuha ko ang dslr ko at chinarge saglit yung phone ko.
Binaba ko muna si Perri,at pinakain ng cat food.
Chineck ko yung Refrigerator,kailangan ko narin pala mag-grocery,chineck ko narin yung mga cabinet para sa mga panlinis ng bahay,wala narin palang stock.
Umakyat muna ako sa kwarto ko,at pinalitan yung curtains at bedsheet ko pati narin yung pillow case.
Puting pillow case,puting bedsheet,dark blue na kurtina.
Chineck ko yung phone ko,fullcharged na kaya chineck ko yung messenger ko
4 messages. 230 Message Request
Maxi:See yaaaaa,dito na ako! 1:47 pm
Mavy Cutie: Hii Atee Avienn! 10:10am
Alisa Grey : Ate,punta ka dito 9:30 am mamayang...
Mori Tori :Please Visit us to... 9:12pm
Umalis na ako ng bahay,dala ang phone at wallet ko habang nakasukbit sa leeg ko ang dslr.
Pag dating ko sa Court,nakita ko si Max na nakaupo at mukang may kausap sa phone niya.
Kinalabit ko siya kaya naman agad siyng lumingon
"Kain muna tayo"
"Saan naman?"
"KFC,gusto ko eh"
"Game,nga pala bago tayo umuwi pasama naman sa ako,mag grocery?"
"Sige langg"
Nang makarating kami sa mall agad kaming pumila sabi niya siya na raw o-order sabi ko bucket nalang bilin namin kaya ayon.
Humanap ako ng upuan,agad na umupo don.
Bigla nalang may kumalabit sakin kaya napalingon ako.
"Oh,hi avy babe" sabi niya sabay kindat sakin.
Napairap nalang,napaka landi talaga neto,hindi nakakapagtaka.
"Ba't ka pala andito?magisa ka lang?"
Tanong niya sakin kasabay ng pagdating ni Max.
"Oy,kuya range"
Nanahimik nalang ako at hinayaan sila magusap,lumipat ng table si range sumabay siya samin kumain.
Max's Point of View.
"Ate avien,matakaw ka rin pala"
Tawang tawa kami ni kuya range,naubos niya kase yung isang bucket kasama yung mga sides
,Buti nalang bumili ako ng zinger tsaka fries may makakain pa ako."San kayo pag katapos kumain?"
"Arcade"
"Ingat kayo,may pupuntahan pa ko eh"
"Sige,ingat ka tanga ka pa naman"
Tahimik na kumakain si ate avy at nakadungaw sa labas,nagsimula naring pumatak ang ulan,siguro hindi na kami mag-aarcade,next timr nalang.
"Ate Avy,may boyfriend ka ba?"
It was an out of the blue question,but I'm really curious, I don't know why maybe because i see ate Pim in her.
Matagal rin kaming napatigil sa pagkain,nakatitig sa isa't isa,napaisip tuloy ako na baka hindi maganda yung pagtatapos nila ng ex niya kung meron man o baka hindi sila okay ngayon.
Ngumiti siya sakin bago sumagot.
"Ahh,wala na"
Napatango nalang ako at inubos yung isang zinger.
"Nasa Heaven na kasi siya max,dito kami palagi nakaupo non after class,ayoko kase umuwi agad dahil magisa lang naman ako sa bahay,naalala ko pa nga nung huli naming away bago siya mahospital,dito din kami kumain non,ayoko naman talaga kumain sa KFC dati pero pag siya na nagaaya wala akong magawa"
Bumuntong hininga siya,kita ko sa mukha niya yung pangungulila,masakit naman talaga mawalan ng mahal sa buhay,maiwan na parang wala ka lang,mabuhay ng magisa.
"Hindi namin alam na mangyayari yung ganong insidente,hindi naman kase siya padalos-dalos,hindi naman siya ganong tao,positive thinker 'yon eh,anlakas ng loob niya,pero isang buwan ko siyang hinahanap di ko siya makita,walang gustong magsabi sakin kung nasaan siya,tapos nalaman ko nalang na nagpakamatay siya."
"Walang nakakaalam kung anong dahilan,walang nakakaalam kung bakit niya yon ginawa,walang may idea samin kase okay naman kami noon,okay pa naman kami noon bago siya nawala na parang bula"
"Pero alam mo ba yung masakit?hindi ko manlang siya nakita na nilibing,di manlang ako nakapunta nung lamay niya dahil di ko naman alam, pagtapos pinagtatabuyan at pinagbabawalan ako ng mga pamilya niya na pumunta sa puntod niya"
"Pero masaya naman na siguro siya diba?"