Chapter 5: New Barista.
Ingrid Avien's Point of View
Iniayos ko ang gamit ko,sinuot ang bagong uniform,nagiwan ng note sa ref para kay Cathy,pagpasok ko sa Cafe naglinis agad ako at nagayos ng mga stock.
Matapos ng lahat ng iyong,umupo muna ako sa Counter para magpahinga,hiring ako ngayon nagquit na kase si Karl at Kiefer kase maghahanap na sila ng trabaho para sa natapos nilang Kurso.
"Ahm excuse me?"
Inaayos ko yung counter kaya hindi agad ako makatingin.
"Bakit?" Sagot ko at dinalian ang pagaayos ng counter
"Hiring pa din ba?" Pagtatanong nito
Nilingon ko ang lalaking magsasalita at sa di inaasahan si Range ito,pero iba na ang ayos ng buhok iba narin ang kulay nito kulay asul narin tulad ng akin,nakasalamin nadin siya.
"Oo"
"Nasan yung may ari?,ikaw ba magiinterview?"
Sunod sunod na tanong nito,hindi agad ako nakasagot.
"Ako yung may ari at oo ako din ang magiinterview sayo"
"Gago?seryoso?"
Napatawa ako,hindi ko inaakala na magugulat siya ang mga mata niya bihlannalang lumaki parang sa mga pusa kapag nagugulat.
Matapos ang pagiinterview,gusto noya na raw magsimula ngayon kaya nagsimula na kami.Naging Barista na raw siya noon kung kaya't maalam siya dito,nagbabake din kaya mapapakinabangan ko talaga siya.
Dumami ang customer hindi ko alam kung bakit,dahil ba andito si range?madalas kasi sa buong araw makakatrenta na tao lang kami,sa buong araw na iyon.
Ewan ko wala pang tatlong oras magiisang daan na ang mga customer,pati sa Take Out Stand may mga bumibili din.
Kung mag papatuloy 'to hindi namin kakayanin na kaming dalawa lang.
"Hey need help?,magseserve nalang ako"
Bigla nalang sumulpot to si Max,pero ang ganda ng timing niya hinayaan ko siya gumulong dhail kailangan din talaga,matapos ang isang oras nakapagpahinga kami,dahil umunti na ang customer siguro dahil tanghali nadin.
"Hay,grabe kapagod!" Humiga si Max aa Couch at nagpunas ng pawis.
"Salamat sa tulong max"
Napangiti nalang ito,at patuloy sa pagsasalita.
"Ansaya kayaaaa,ate pwede ba ako tumulomg dito kad may free time ako?"
Tanong nito at agad na umayos ng upo para humarap saakin
"Babayaran kita,200 per day"
Sambit ko at ngumiti dito,inabutan ko naman sila ni range ng tubig dahil nakakataranta at nakakapagod talaga.
"Thank you ate avien!"
Magaalasingko na,wala na masyadong customer
Naisipan ko magsara ng maaga kase quota naman na kami,at bago lang si Range pero napasabak na siya sa dami ng tao.Isang tao nalang kailangan ko,tapos hindi na ako maghihire,baka malugi din ako kung masyadong marami tapos hindi naman nagdadagsaan yung tao.