3G, Wifi, Battery: Stay Connected

88 1 1
                                    

May dalawang importanteng bagay ang naidagdag sa Maslow's Heirarchy of Needs (sa hindi nakakaalam, itanong kay Google). Maliban sa physiological needs which are food, air, bahay, damit, tubig at iba pang pangangailangang pang-araw-araw, naidagdag ang "Wifi/3G", at sa pinakababa at pinakaimportante, "battery". (Source: napadaanan ko lang sa Facebook, posted by unreliable and unknown blogger na walang magawa at mukhang madaling malow-batt ang cellphone)

Question: Hindi ba mas importante ang cellphone dapat kaysa battery?

Answer: Oo, common sense iho, kaya nga may 3G/Wifi at battery di ba? Maliban kung typewriter gamit mo, hindi mo na kekelanganin ang revised edition ng Maslow's Heirarchy of Needs.

Sa henerasyon ngayon, ultimo siguro fetus sa loob ng sinapupunan, may hawak ng cellphone bago ipanganak. Heto na ang naging basic mode of communication natin. Kung old school ka, pwede ka pa din magpadala ng mensahe thru snail mail sa mga post office at itext mo na lang ang receiver mo para ipaalam na may pinadala kang sulat.

Noong panahong buhay pa ang ninuno ng mga cellphone na si Nokia 3310, simpleng load lang, pwede na natin tawagan at itext ang mga mahal natin sa buhay. Ngayong ipinanganak na ang mga apo sa tuhod na sila Sony Xperia, HTC, Samsung Note3, at ang bunsong si iPhone 6/plus, naging mas demanding na din ang needs. Kelangan mo pa din magload, para maka-connect sa 3G, or kung wala panload, maghahanap ng free Wifi sa paradahan ng bus, sa SM malls, o sa labas ng pinto ng Starbucks.

Question: Bakit kelangan pa mag-connect sa 3G o Wifi? Pwede namang itext na lang sila.

Answer: Dahil na din sa mga nagsulputang Social Networking Sites like Facebook, Instagram, Twitter, etc. at ang mga mobile apps gaya ng Viber, Whatsapp, Wechat, etc. na kadalasang ginagamit upang mapadali ang communication natin sa mga mahal natin sa abroad.

Follow-up Question: Saan pumapasok yung battery sa may Heirarchy of Needs?

Follow-up Answer: Mas mabilis magdrain ang battery kung naka-connect ka sa 3G or Wifi. Gaya ngayon, 3% na lang baterya ko at kumukurap kurap na. Saglit at makapagcharge muna.

................................

So now, balik sa topic! Ang communication nga daw ang isang importanteng aspeto para maging matagumpay ang isang relationship. Ngunit, pano kung wala pa kayo nabubuong realtionship at nag-aassume ka lang pala.

Unang rule pag nagkuhanan na kayo ng number, "wag agad-agad magtetext!". Ayaw mo naman sigurong maging FC (feeling close) ang tingin sayo nung taong type mo, baka ma-seenzoned ka lang. Maghintay na siya ang unang magtext. Ngunit, kung pareho man kayo ng pananaw na gaya ko, maghintay ng tatlong araw. Yes! 3 days. Dahil yun ang kagustuhan ni Lord. Si Jesus nga naghintay pa ng 3 days bago mabuhay, ikaw pa kaya na magtetext lang ang hihintayin, mahiya ka naman. (credits to Barney Stinson of HIMYM)

Question: .....

Answer: Mamaya ka na magtanong!

Best option to communicate with her/him: Viber, Whatsapp, Wechat as per experience. Hehe. Pero kung black and white pa din ang cellphone nya, text na lang.

Sa unang beses na kayo ay magkakachat o magkakatex-an, keep it light. Avoid lovelife topics. Mas ok pa din na kahit hindi kayo magkasama, alam mong napapatawa mo siya. Syempre, singitan na ng cheesy pick up lines (basta wag yung masyado ng gasgas, magmumukha kang korny).

Para sa iba, dito mas lumalalim ang pagsasama, mas nadedevelop ang trust. Load lang ang puhunan, o Wifi ng kapitbahay. Malalaman mo yan kung sa mga susunod na araw e siya na unang magtetext sayo, or kung magtext ka, hindi mo pa napipindot ang send, nkapagreply na siya.

Actually, in most parts of relationships, sa text, chat o tawag lumalalim ang pagsasama, mula "getting-to-know" stage, hanggang "Diyos-ko-mahal-ko-na-ata-siya-waaaaaah!" stage. Bakit? para sa mga torpe, mas madali magbato ng punchlines and pick up lines, at para sa mga pakipot, pwedeng-pwede tumili at magpagulong-gulong sa kama kapag kinikilig ng hindi nakikita nung tao.

Sa level na ito nabubuo na din ang pet names, yung tawagan ninyo. Boss, honey, tart, cutie, sweetie, baby at kung ano-ano pang pwedeng tawagan hanggang magmukha kayong pet. Nagsisimula ng maging pasimpleng sweet at thoughtful ang isa't isa, at mapapansin mo na lang, nagiging bestfriend mo na ang cellphone mo. Nagiging necessity na pagkakaroon ng araw-araw na load. Nagiging "must" na ang pagconnect sa 3G o wifi. At mas nababadtrip ka na pag lumabas ang low battery warning sa cellphone mo. (Tip: bumili ng powerbank, 1700Php, 9000mAh, sa SM North EDSA ko binili... hehe)

Relationship Status: NOT SURE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon