Masarap na mahirap ang maipit sa "Mutual Understanding" status. Parang sinapul ka ni kupido, pero mapurol lang ang pana. Hindi bumaon.
We may not have planned to be in this kind of set-up, but you'll just be surprised to find yourself already there. And the moment you realized it, you're already halfway falling. Pakshit!
Yung feeling na kayo, kilos na parang kayo, lambingang parang kayo, kiligang parang kayo, pero ang tanong...
Question: Kayo nga ba?
Answer: Hayup ang timing ah! Hindi! Hindi kayo. :)
At dahil sa wala pang commitment, madami restraints senyong relationship. And dapat understood mo na to.
Magselos ng naaayon sa relationship status. Wala kang karapatang magselos. Kahit ilang lalake pa ang idate niya o kasama niyang lumabas; kahit ilan pang babae ang ligawan o diskartehan niya. Hindi ka pwedeng magselos. Ano ka ba niya?
Kahit sabihin nating may mutual something na kayo, wala ka pa din sa lugar para magselos. Magselos ka, pero itago mo na lang sa sarili mo kung ayaw mong masupalpal ng "bakit, ano ba kita?". Dahil kahit bali-baliktarin mo ang mundo, hindi kayo. Ok?
Hindi siya sayo. Wala ka rin sa lugar para pagbawalan siya sa kung ano gagawin niya. You are romantically connected but not romantically committed. Hindi ka niya boyfriend/girlfriend para manghimasok sa mga desisyon niya. Wala kang pinanghahawakan.
Masaya kayo sa piling at presensya ng isa't isa, ngunit outside that circle, wala ka ng rights. Limitado ang panghihimasok mo sa buhay niya. Pwede mo siya pagsabihan, but you can't demand. Pwede mo siyang i-guide, pero hindi pwedeng i-direct.
Question: Bakit andami pa ding nagsesettle sa ganitong set-up ng relationship?
Answer: Kasi para sa iba, hassle-free ang relationship na to. They can be romantically taken, but technically single at the same time.
On the other point of view, hindi nakakasakal ang ganitong relationship. You can do whatever you want, makipagdate sa bulaluhan sa kanto, makipaglampungan sa ibang malalandi sa tabi-tabi, or in short, magbuhay single.
Pero kung ganito ang magiging point of view mo sa ganitong relasyon, be sure na ok lang din sa'yo gawin ng partner mo ang mga ito. Give and take lang. Ano ka? Sineswerte? Ikaw lang ang pwedeng maghappy-happy? Ugok!
Masarap na mahirap ang gintong set-up. You must be ready for everything: tumawa, kiligin, masaktan, magselos, magalit, ngumiti, sumaya, at umiyak. Dahil sa ganitong klase ng relationship, ang malinaw lang na status nyo: NOT SURE!
BINABASA MO ANG
Relationship Status: NOT SURE!
AlteleParang kayo, pero hindi... ano ba talaga? Mga baluktot na pananaw sa relationships, pero in touch pa din sa reality. Mga prinsipyong maaring taliwas sa iba, pero ginagawa pa din. :)