M.U.: Let the Gestures Do the Talking

93 0 0
                                    

Parang kayo, pero hindi. At one point sa isang "what-you-thought-as-friendship" relationship, dumadaan sa MU stage.

M.U. Mutual understanding. Malabong usapan. Maling ugnayan. Mis-understanding.

Totoo ngang walang courtship na nagaganap, you just go with the flow. And ang resulta, heto! No words spoken. Kusa na lang nararamdaman. Masarap ang pakiramdam, parang high school kilig moments lang ang peg. Para bang kakalikutin mo yung butas ng ilong mo ng feather ng itik, tas bigla kang babahing, ang sarap sa pakiramdam.

Heto na yung stage kung saan nakakasama nyo na ang isa't isa. Kakain sa labas na kayo lang, pero hindi masasabing date. Yung bigla na lang kayo magkakatinginan after a conversation and ngingiti na lang na parang may kumakalikot sa pwet mo. Yung pinapatunog mo mga daliri ng kamay nya, tapos minamasahe, tapos hindi namamalayan, magkaholding hands na. Yung ok lang na sasandal ka sa kanya pag inaantok, at kukumutan ka ng akbay ng walang pagpalag. Yung nagsusubuan ng french fries, spaghetti, barbeque, fishball, paa ng manok, at footlong na hinati sa dalawa. Yung feeling na gusto mo siya nakakasama sa araw-araw. Yung feeling na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo lang na parang kayo, pero hindi naman.

Marahil marami ang nakakarelate, kasi halos lahat dumaan na sa stage na ito. Actually, manligaw man o hindi, dadaan sa ganitong stage bago maging sila. Yung nakakapalagayan mo na siya ng loob, yung komportable ka na sa kanya, yung feeling mo security guard siya kasi secured ka pag kasama siya (eeengkz! fail! korny!).

Ngunit, the only difference lang with that sa dumaan sa courtship is, may verbal understanding na mahal na nila ang isa't isa. Sa walang courtship, it's just plain "mutual understanding". At minsan, sabi ko nga sa last part kanina, may fall side ang ganitong status, yun ay ang "maling understanding" or nag-aassume ka lang pala. Wapak! Madami ang nasapul!

It's good if both of you would feel the same. Sarap sa pakiramdam nun. Pero paano kung isa lang sa inyo ang nahuhulog na pala? Patay tayo dyan!

Points to consider:

1. Huwag mag-expect.

2. Huwag mag-assume.

3. Huwag magpahalata.

Una, huwag mag-expect. Sa simula pa lang, huwag ka mag-expect na mahuhulog din siya sayo, kasi you're not courting. Kahit type mo siya o hindi, never kang aasa na magiging kayo. Para if ever hindi man siya ma-fall at hanggang friendship lang ang kaya ibigay, hindi ka masasaktan. Mas ok pa din naman ang relationship na walang ineexpect in return di ba?

Pangalawa, huwag mag-assume. Hindi porke't sweet na siya sayo at araw-araw mo siya nakakachat o text e may gusto na siya sayo. May mga taong sadyang malambing lang ang nature, at hindi nila sinasadya o kasalanan kung mahulog ka man sa kanila. Kaya huwag kang feelingero/feelingera na feeling mo gusto ka niya, dahil marami ang namamatay sa maling akala. Kahit gaano kalalim ang level ng intimacy niyo, hindi mo pa din masasabing mahal ka niya hangga't hindi mismo nanggagaling sa kanya. Tandaan, sa ganitong set-up, it's all unspoken feelings.

Pangatlo, huwag magpahalata. Sabi ko nga sa earlier part ng story, article, book or kung anuman tong sinusulat ko, keep your cool. You don't need to level up. Kadalasan kapag nahulog na ang isa, they tend to change. Mas nagiging obvious na ang bawat kilos to win that someone they love. It's like you're courting na. And sometimes, on the other party, nagiging awkward, lalo pag hindi pa naman siya nafafall sayo. Kaya dumarating ang point na naglalay-low na yung isa, kasi obvious ka na eh, ayaw niyang paasahin ka. Dito na nagsisimula maging cold ang relationship na nabuo niyo. Saklap. (higop kape)

Question: Kelangan po ba, sa simula pa lang, aware ang both parties na pwede humantong sa M.U. ang relationship nila?

Answer: No. Wala naman makapagsasabi kung saan papunta ang isang relasyon e. It is an unconscious progression, hindi mo mapapansin,poof! MU na pala kayo! Kelangan lang nila maging aware kung saan sila lulugar in a certain stages of relationship once they are already in that situation.

Hati ang pananaw ng mga kabataan, matatanda at mga ninuno nating nananahimik na tungkol sa usaping MU. Nakakabuti ba ito, or masasaktan ka lang in the end?

Ayon na rin sa aking pagsasaliksik at ginawang random interview mula sa iba't ibang age group and grupo ng tao, heto ang iba't ibang opinyon nila regarding sa M.U.:

Karen Jane, 15

High school student

"Ok naman siya, parang koreanovela lang. Nakakakilig! waaaaahh!" (blush!)

James Paolo, 21

College student, Dean's lister

"Sa tingin ko po it's better kung with commitment siya para mas tumibay ang pagsasama at mabigyan ng limits kung hanggang saan lang ang pwedeng gawin ng bawat isa."

Alyas Paeng, 24

Tambay sa waiting shed

"Basta may syota, pwede na yun!" (singhot ng rugby)

Juan Andres, 20

Aktibista

"Dapat po magsulong ng batas na ipagbabawal ang paglalandi! Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas e! Kasalanan ni Pnoy toooo!"

Mr. Go, 43

Negosyanteng Intsik

"MU? Napagkakakitaan ba yan?"

Lola Inyang, 91

Dating Church Choir, Lead Singer

"Nung panahon namin iho, di pa uso MU na yan. Sa bahay ka dapat manligaw hanggang sa sagutin ka. Dapat ok ka din sa magulang nung babae."

Lolo Mario, 98

Dating chickboy

".... uhhhh.... ahhh.... (ubo)... uhhh, ano yun iho?"

Michael Jordan

Former NBA Player

"Just play the game."

Benigno "NoyNoy" Aquino

Philippine President

" Bakit ako tinatanong niyo? Kasalanan ko na naman?"

Lester, 2months

Cute Baby

"uhaaaaaa! uhaaaaa! waaaahhh"

Marahil nga po na hindi tayo pare-pareho ng pananaw. Para sa iba, isa lang itong laro. Yung iba, eto ay para sa mga duwag, para sa mga takot sa commitment. Walang tamang opinion, wala ding mali, nasa kanya-kanyang preference lang yan. If dito sa set-up ka masaya, you stay. If you feel na walang patutunguhan ang ganitong relationship, you go.

Kung tutuusin, para sa akin, ok lang naman ang ganitong set-up e, basta tatandaan mo lang yung tatlong points to consider na nabanggit kanina. Kasi sa ganitong stage, mas nakikilala mo pa ng malalim yung tao. Makilala mo lahat ng pangit sa ugali niya isali mo na ang mukha niya. Masusubukan mo kung kaya mo ba pakisamahan ang ganitong tipong tao in the long run. Kumbaga, asa process ulit kayo ng getting-to-know, but this time, in the deeper sense na, for future reference kumbaga. Hehehe. And you will have the chance to do this all habang hindi pa kayo, but in gestures, parang kayo na. Para bang asa preparatory stage kayo ng isang committed relationship. Sa ganitong paraan, bago niyo pasukin ang isang commitment, matibay na kayo, kilala niyo na ang anghel at demonyo ng isa't isa.

Pero sa fall side, pwede rin humantong lang ito sa kabiguan at pagiging broken-hearted ng mga assuming na tao. Nahulog ka, siya hindi, nag-expect ka, nag-assume, nagpahalata, ang resulta, bigti!

Malawak ang sakop at madami ang issues na pwedeng mag-ugat sa Mutual Understanding na set-up. It takes a certain level of maturity na rin para sa mga taong involved sa ganitong sitwasyon. Nasa point of view lang naman ng tao yan e. Kung paano mo ihandle ang sitwasyon, kung paano mo titignan ang bawat anggulo. :)

may katuloy pa to... pero need to review po muna... :)

Relationship Status: NOT SURE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon