"Hi!"
Two letters, madami pwedeng mabuo sa simpleng pagbati na yan. Kadalasan hindi natin napapansin, mula sa pakikipagkilala, humahaba na pala ang usapan. Mula sa pangalan nya, taga saan, kung nag-aaral o nagtatrabaho na, mga common hilig, common bisyo, favorite pet, favorite food, first times, mga adventures sa buhay at kung anu-ano pa na pwedeng sagutin sa slum book.
Once na humaba na ang usapan and you seem to enjoy the company of the other, masasabi mo nang mabilis mo syang makapalagayang loob. Lalo kung malakas ang sense of humor at kung magaling magsalita. Sabi nga nila, "it's just a matter of word play...", nasa boka lang yan.
Syempre, isa sa rule ng pakikipagkilala (gawa-gawa ko lang), "don't ask or open anything about lovelife..." whether on your side or hers/his. Bakit? Because you don't want na isipin nya na balak mo siyang diskartehan (kung may intention ka ngang talaga... hehe). Just go with the flow kung saan man mapunta ang usapan, and when it comes to the point na siya ang nag-open about sa lovelife, just tell the whole truth, wag magtatago (wow, parang goodboy, wait for it...).
Question: E paano kung balak ko siyang diskartehan, will I tell the truth if ever in a relationship man ako?
Answer: E gago ka pala e, in a relationship ka nga tapos didiskartehan mo siya? Magbigti ka na lang muna! Pero, oo you still need to tell the truth kahit balak mo siyang diskartehan (hehe... kunsintidor bigla?). :p
Follow-up Question: Bakit? E di sira na diskarte ko?
Follow-up Answer: Oo, para malaman niya na hindi ka nya pwedeng patulan! Joke! (pero half-meant yun...) Kasi he/she needs to develop a sense of trust sayo. Maaring one step backward nga yung move na yun para sa "diskarte" mo, but it can be two steps forward closer yun para sa kanya, just by being honest. (parang sugal lang yan, depende sa kalaro at baraha mo...) :)
Additional Question: Yung article po ba na to e para turuan kami magtwo-time?
Additional Answer: E sinasagot ko lang tanong mong hinayupak ka! Ako pa papalabasing masama.
Ok, asan na nga ba tayo? Pasensya na po at may panggulong two-timer na nagtatanong. Anyway, tulad ng nasabi ko, asa boka lang yan, kung paano mo makakagaanang loob ang isang tao. This could be a start of a wonderful friendship, or could be a spark to ignite something more deeper... kahit ano pa man ang status mo.
P.S.
Kung gusto mo ulit siya makausap, pwede kunin ang cellphone number. Kung ayaw naman e wag na. Pero kung ayaw mo at siya kumuha number mo, change last digit ng zero. ^__^
BINABASA MO ANG
Relationship Status: NOT SURE!
AcakParang kayo, pero hindi... ano ba talaga? Mga baluktot na pananaw sa relationships, pero in touch pa din sa reality. Mga prinsipyong maaring taliwas sa iba, pero ginagawa pa din. :)