Courtship? Just Go With The Flow

103 1 0
                                    

Question: Ano ba talaga tinutumbok nitong sinusulat mo sir?

Answer: Tanong agad?! Relax ka lang. Ako din, hindi ko alam saan papunta tong sinusulat ko.

At one point matatanong mo sa sarili mo, "nanliligaw na ba ako?". Ang sagot, sa ganitong set-up, hindi. Umaayon ka lang kung saan papunta ang pagsasama nyo. You don't do things or put your best foot forward para lang gumaan loob niya sayo at mapalapit. You're just being yourself, and when you found out na nahuhulog ka na sa kanya, keep your cool, stay the same, you don't need to level up yung ginagawa mo. Tandaan: mas masarap na mahalin ka ng tao sa kung sino ka talaga at hindi sa kung ano ang ipinapakita mo lang.

Maaring marami ang hindi sasang-ayon ay magwewelga sa rotonda sa pananaw kong ito: "I don't believe in courtship." Okay, okay, bago nyo ako batuhin ng hollow blocks at ipako sa puno ng bayabas, pakinggan nyo muna ako. I have the right to explain, naaayon yan sa ating Constitution.

Ako naman ngayon ang magtatanong,

Question: Bakit mo nililigawan ang isang tao?

.....................

Pusang gala! Bakit walang sumasagot! Ano nga ba ang purpose ng panliligaw?

Una, para ipakita sa taong iyon kung gaano mo siya kamahal.

Pangalawa, para mapatunayan mo na seryoso ka sa kanya.

Pangatlo, para makamit ang inaasam-asam na matamis na "oo".

Pang-apat, <enter your reason here>

Pang lima, <enter your reason here>

Pang anim, <please write in 1/2 piece of paper, lengthwise, enumerate all nang matapos na!>

Marami kanya-kanyang rason on why we court a person. Pero ang pinakabottomline neto e para maging girlfriend or boyfriend (oo, pantay-pantay na ngayon!), yungbtaong nililigawan. Para sagutin ng nakaka-diabetes na "oo".

Tama nga naman, kelangan mong patunayan sa kanya na mahal mo siya, dapat mapaibig mo din siya. Pero sa paanong paraan? You will tend to put your best foot forward, ipakita ang positive and sweet sides. Paano mo nga ba naman mapapafall ang isang tao kung ipapakita mong bestfriend mo e yung pulang kabayo at ang emperador, yung tipong mahihiya pa sayo ang kapre sumabay magyosi, or in short, yung negative sides mo. Syempre, iiwasan mo ilabas yun para hindi maturn-off sayo si girl/boy.

Hindi ko po sinasabi na pakitang tao lang ang mga nanliligaw, meron pa din dyan ang totoo at masasabi mong sincere talaga na si Papa Jesus lang ang may alam. Meron ding sadyang pakitang tao lang, sa kadahilanang gusto lang nila makuha yung girl, lalo kung alam na easy to get lang siya. Magtatake advantage yan.

So para sa akin, it's better to go with the flow. Don't try to win her, just be yourself. Yung kung trip mo mangulangot anytime, magagawa mo. Kung nauutot ka habang umiiyak siya sayo, go lang. Yung kahit makita nya na may laway at uhog ka pa sa paggising sa umaga, kiber lang. At kung sa likod ng mga iyon e mahulog pa din siya sayo, that's true love. Dahil kahit gaano kapangit ang ugali mo na sinabayan pa ng pagmumukha mo, kung talagang mamahalin ka niya, tatanggapin nya yun. Kahit gabi-gabi pa siyang matakot sa pagmumukha mo, joke lang!

Hindi ba mas ok yun. Just be friends and let fate and time decide kung saan kayo pupunta. It's the essence of falling in love. Hindi mo namamalayan, mahal niyo na ang isa't isa. Kung agree ka, hit Like button!

Question: Pwede na po magtanong?

Answer: Oh siya sige, ano?

Totoong Question:  E paano pag yung isa lang po ang na-fall at hindi kayang panindigan nung isa?

Totoong Answer: Basahin mo mula simula, may binanggit ba ako na nagkaaminan na ng feelings? Sa ganitong set-up, you will let all the gestures do the talking (which will be discussed on the next part).

Basta ang tinutumbok ko lang sa part ng story na to, be yourself. You don't need to put your best foot forward para mahalin ka ng taong gusto mo. That simple!

But whatever tactics you have under your sleeves to make someone fall for you, there will always be a fall side...

(turn to next page)

Relationship Status: NOT SURE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon