ALLISONS POV
"....so you could go on with your life, without him."
bigla kong napansin na namutla si sofia, "sofia? are you okay?" tanong ko sakanya, pero di siya sumagot. nagpanic ako ng bigla nalang siyang himatayin, hindi ko alam ang gagawin ko.
Agad kong binuhat si sofia, hindi ko alam kung pano ko nagawa, pero nabuhat ko siya at naitakbo papunta sa sasakyan ko.
on our way to the hospital, narinig kong nagsalita si sofia mula sa backseat, "ate? where are we going?" tanong niya, halata sa boses niya ang panghihina. "to the hospital." sagot ko sakanya. "why?" tanong niya, itinabi ko ang sasakyan at lumingon sakanya and glared at her.
"hinimatay ka! sabihin mo nga saakin yun totoo! lately, lagi kang namumutla, pag dating mo galing school ang lagi mong gagawin, iinom ng hot choco, lagi kang nanghihina! lagi mong dinadaing saakin na nahihilo ka! and now, hinimitay ka! sofia! tell me, are you pregnant!" tuloy-tuloy kong sabi. nako pag lang buntis to, patawarin ako! mapapatay ko yan si dave!
she smiled at me, seriously? galit na ako tapos ngingiti-ngiti siya, batukan ko kaya to! "ate.." she started, "okay. First, ang OA mo. Second, I'm not pregnant! and third, iunat mo yang noo mo kasi magkaka-wrinkles ka. and fourth, I Love you!"
"eh bakit ka hinimatay?" I asked her curiously. " siguro kasi, di ako nakakatulog ng maayos for weeks." she stated. "so that explains it. okay, okay, kinabahan ako doon ah!"
we both laughed, pero napansin kong pilit lang ang tawa niya. I should do something para mapasaya siya, or at least lessen the pain and sadness she's feeling.
--
hinatid ko muna si sofia sa bahay para makapag pahinga siya ng maayos, kawawa naman ang little sister ko, she's too young to experience all this pain.
nandito ako ngayon sa condo unit ni dave, ipinagtanong ko kung saan tumutuloy tong mokong na to sa pinsan niya na si kurt.
"Allison?" he said in surprise as he opened the door, di ako nagsalita, pumasok ako ng unit niya kahit na di niya ako pinapapasok. inilibot ko ang mata ko sa mga gamit niya, at di naiwasan ng mata kong mapatitig sa mga pictures, puro pictures nila ni sofia. e, diba may bago na siyang girlfriend? bakit di pa niya pinapalitan to?
"siguro naman alam mo na kung bakit ako nandito?" pagtataray ko. he nodded. "so.." I paused and took one picture frame na nakadisplay, "bakit mo ginawa yun?" nilapag ko ulit ang picture frame. he shrugged.
nilapitan ko siya, I stared at him. hindi siya makatingin saakin. sinampal ko siya, "that's for hurting my sister!" sinampal ko ulit siya, this time I slapped him harder "and that! is for being like your stupid brother! manang mana ka sa kapatid mo! pareho kayong manloloko!"
hindi parin niya ako tinignan, "umpisa palang, ayoko na sayo! pero dahil mahal ka ng kapatid ko, kahit labag sa loob ko, tinanggap kita! I told you.. I told you not to hurt her! she has a weak heart dave!"
di parin siya nagsalita, at parang tuod na nakatayo't nakayuko. nakakainis siya! bakit di siya magexplain! parehas sila ng kapatid niyang manloloko!
tumalikod na ako sakanya, at nagumpisa ng maglakad palabas. pero bago pa ako tuluyang nakalabas "wag na wag ka ng magpapakita sa kapatid ko. I came here to prove na mali ang pagkakakilala ko sayo, na di ka katulad ni Darwin, but then. parehong-pareho kayo! you can't be man enough to explain yourself. binalaan na kita nung una palang, you promised you won't hurt her! and yet, you did!"
