Chapter Two: The Accident

7 8 2
                                    

Kylie's POV

Saturday ngayon kaya naman inaya ko si bess lk (leuka) na mag mall, wala kasi akong magawa dito sa bahay

Habang hinihintay ko ang text ni bess ay naligo na muna ako at pumasok na sa cr. After maligo chineck ko muna cp ko if nag reply na ba ang gaga kong bestfriend.

Pag open ko bumungad sakin ang text niya kaya inopen kona

"Sige bess, kita nalang tayo mall may dadaanan pa kasi ako mamaya eh"- reply niya. Nag reply naman ako "sige kita nalang tayo sa may food court bess" saka ko si-nend.

On the way na ako sa mall ng may makita akong batang namamalimos sa gilid ng daan, nilapitan ang bata at binigyan ng bente pesos saka pumara ng taxi na masasakyan

Pag dating ko sa mall agad akong pumunta sa may food court at nag order narin habang hinihintay si bess lk.

Kasalukuyan ako kumakain ng fries dahil hanggang ngayon wala parin si bess" asan na ba yun?"-wika ko kaya nag text muli sa kanya."bess asan kana?"-at si-nend yun

Nag pasya akong maglakad-lakad muna dahil nababagot na ako.

habang naglalakad ay may taong nakabangga sakin at take note sobrang lakas bess jusko kaya naman napa aray talaga ako ng bongga grabeng impact yung pagkaupo ko sa sahig. "araaaaayyyyyyy!!!"-sambit ko nalang saka dahan dahang tumayo

Pinagtitinginan na ako ng karamihan pero hindi ko nalang pinansin. Teka nga lang sino ba kasi yung bumangga sakin ang sakit kaya non jusko hindi man lang ako tinulungan at talagang tinakbuhan pa talaga ako eh no.

Kita ko na nagtatakbuahan ang tatlong lalake, hayst bwesit naman non

——————————

Xen/Aldrid's POV

Nandito kami ngayon sa mall kasama ko sina Tony at Zack, maghahanap daw kami ng chix sabi ni Zack ang playboy talaga niya no?

Habang nag lalakad kaming tatlo busy sa pag te-text si Zack kaya naman sinitsitan ko si Tony na agawin ang phone niya at pagtripan siya. At maya maya lang ay nakuha na ni Tony ang phone nito saka tumakbo habang tumatawa si Zack naman ay hinabol ito.

Pinasa ni Tony sakin ang phone ni Zack kaya ako naman ang tumakbo at naghabulan kami dito sa loob ng mall, habang tumatakbo ako ay hindi ko namalayan na may babaeng naka harang pala sa harapan ko kaya tumilapon siya at napaupo sa sahig tutulungan ko sana siya kaso hinahabol pala ako ni Zack kaya naman nag pa tuloy nalang akong tumakbo at di na natulungan pa ang babae yun

Alas kwatro na ng hapon ng mapag pasyahan naming umiwi, habang nag da-drive ako ay sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina sa mall, hayst sana naman hindi masyadong matindi yung pagkakabagsak nun

Nang maka uwi na ako, sinalubong agad ako ni Sandra ang nakakabatang kong kapatid. Limang taong gulang palang siya at mahal na mahal ko yan.

hinalikan niya ako sa pisnge sabay tananong"kuya X (X ang tawag nya kay Xen) san ka galing?"

"sa mall lang little sis"- sabay halik ko sa noo niya. Nagkulitan lang kami hanggang sa sumapit ang gabi.

She's Acting Strange (On Going)Where stories live. Discover now