Chapter Seven: Problem

9 6 0
                                    

Kylie's POV

Friday na ngayon at as usual nandito na naman ako sa cafeteria tumatambay kapag MWF kasi ay 8-10 am at 3-5 pm ang klase ko at kapag TTH naman ay 9-11 am at 2-4 pm

2:30 palang kaya may 30 minutes pa ako kaya naman nag facebook nalang muna ako, napatigil ako sa pag fa-facebook ng may sumigaw sa pangalan ko kaya napalingon ako

Si Jake pala habang palapit sa akin na may dalang flowers. Last wednesday nung gabi habang kumakain kami ni Jake sa restaurant ay sinabi ko na sa kanya na may boyfriend na ako pero sabi niya hindi daw siya naniniwala kaya heto hindi parin siya tumigil

Ini-abot niya sakin ang flowers pero hindi ko tinanggap dahil ayoko talaga siyang paasahin eh, at first nag pumilit pa ito pero maya-maya ay umalis nalang nag sawa na siguro

Tiningnan ko ang wrist watch ko at 2:50 na kaya pumunta na ako sa room

While abalang nag di-discuss ang prof ay antok na antok na ako na talaga ako kaya kinurot ko nalang ang pisge ko para magising ako at di naman ako na dismaya kasi tumalab siya

Ganito talaga ako pag ina-atake ako ng antok sa klase kinukurot ko pisnge ko, alam kong medyo weird siya pero effective din naman

After ng class ay dumiretso na ako lumabas sa school saka nag lakad papunta sa seven eleven dahil bibili ako ng favorite kong chuckie saka yakult narin.

Sa mga nagtataka diyan mahilig talaga ako sa mga ganitong inomin eh, saka masarap naman kasi talaga eh kaya hindi talaga ako nag sasawa dito

Pagkalabas ko ay pumara na ako ng taxi at umuwi

Pag dating ko sa bahay ay sinalubong ako ni manang fee

"Manang asan po si mommy?"- tanong ko kay manang.

"Andon sa kwarto nila iha natutulog"-sagot ni manang kaya pumunta na lang ako sa room ko at nag shower na muna

Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko ng may kumatok sa pinto

"iha bumaba kana at nang makakain na"-si manang pala

Nag suklay na ako "sige ho, susunod na ako"- sabi ko

Kasalukuyan kaming kumakain nila mommy at daddy pinag uusapan nila ang mga branch ng restaurant namin na pinapalago pa nila

Wala naman akong interes sa pinag uusapan nila kaya nag pa alam na akong umakyat

Naka higa na ako sa kama ko ng maalala ko na may problema pa pala ako hayst jusko san naman kaya ako kukuha ng pwede maging boyfriend ko neto

Bat ba kasi sa dinami dami ng pwedeng sabihin yun pa talaga ang nasabi ko

Hay nako Lord ikaw na bahala sa akin, matutulog na sana ako pero hindi talaga ako makatulog eh pano ba naman kasi yang problema ko

Bumaba na muna ako at uminom ng tubig saka bumalik ulit sa kwarto ko. Nakatunganga parin ako dito sa kwarto habang nag iisip ng solusyon sa problema ko at dahil wala talaga akong maisip ay nag facebook nalang ako hanggang sa dinatnan na ako ng antok.

——————————————————

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko 8:10 palang ng umaga kaya naman ay naligo na ako

Saktong tapos na ako mag bihis ng  tumunog ang phone ko kaya in-open ko

"Bess mall tayo mamaya"- text ni lk, aba ang gaga naka uwi na pala siya ha di man lang nag text ma-replyan nga

"Hoy bess bat di mo ko sinabihan na naka uwi na pala ha? Walang hiya ka talagang gaga"- reply ko dito, nag punta kasi sila ng family niya sa Hongkong upang bisitahin ang lola niya na may sakit raw

Ilang saglit lang ay nag reply narin ito " Maka hoy naman ito wala bang hi o hello muna diyan? "- reply naman neto aba ang gaga di talaga nag pa talo haysst

"ohh ito na, hi bess? Naka uwi kana pala? "- reply ko dito sabay upo sa kama ko

" ay hindi pa, halata naman siguro na bess no? -text niya, aba walang hiya din talaga to kung minsan tsk.

Nag reply na naman na ako " haha bwesit ka talaga, pero ito na nga gala tayo mamaya ha? Namiss kita ehh tiyaka may sasabihin din ako sayo"

Ilang saglit pa nang mag reply ito "okay daanan nalang kita mamaya"

——————————————————

2pm na banda nung makarating kami ni bess sa mall at heto kami ngayon sa may food court kumakain na naman and guess what kumakain na naman kami ng pizza ni bess at bumili narin ako ng smart C+ at yakut at pinaghalo sila

Ang weird ko kasi minsan eh pero masarap naman ang lasa niya mukang yakult parin kaso pinalaki nga lang

After namin kumain ay naikwento ko narin kay bess ang problema ko at dahil matalino ang bestfriend ko naka isip siya ng paraan

She suggest that mag hanap daw ako ng mag papanggap na boyfriend ko, eh ang problema san ba ako makakita non

Almost 7pm narin ng makauwi ako at dahil sa pagod dumiretso nako sa shower at natulog

She's Acting Strange (On Going)Where stories live. Discover now