Kylie's POV
Sunday ngayon at namo-mroblema parin ako kung saan ako makakahanap ng magpapanggap na boyfriend ko
Kagagaling lang namin nina mom and dad sa church at pinag dasal ko talaga kay Lord na bigyan ako ng boyfriend, eh kasi naman ang kulit talaga ni Jake sinabi na ngang may jowa na ayaw pako tan-tanan lakas din ng topak
Tinawagan ko si bess lk dahil wala pa akong nahahanap na boyfriend at tiyaka magpapa sama narin sa parlor shop bukas dahil mag papakulay ako ng bukok
Naka dalawang ring na nung sagutin niya ito
"Hello bess?"- sabi niya sa kabilang linya
"Oy bess? Busy ka ba bukas ng hapon?"- tanong ko sa kanya
"Di naman bakit na naman?"- siya
"Ayy grabe siya kala mo naman inistorbo talaga eh no?" -Sabi ko sa kanya
Tumawa naman siya sa kabilang linya
"Haha joke lang bess, ito naman bakit ka napatawag?" - tanong niya
"Ah ehh papasama sana ako sa parlor bukas eh at tiyaka bess wala pa akong nahahanap na magpapanggap na boyfriend ko"- malung na sabi ko
"Aba? Disidido ka talagang mag hanap ng boyfriend noh?"- sabi niya
"Eh sa yun lang naisip kong paraan para lubayan na ako ni Jake"- ako
"Wow ikaw talaga naka isip non bess no?"- siya
"Haha bwesit ka talaga bess, alam mo ba yun"-ako
"Hahaha pero ano na nga? Bat ka magpapa-parlor?"-tanong niya
"Wala gusto ko lang mag pa kulay ng buhok at naisipan ko lang"- ako
"Ahh sige kita nalang tayo bukas sa parlor shop"- sabi niya
"Yup sige see you tomorrow bess"- saka ko pinatay ang tawag
——————————————————
KinabukasanTapos na ang klase ko mga bandang 4:10 dahil wala ang prof namin kaya pumara na ako ng taxi saka nag pahatid sa bahay para maligo muna bago pumunta sa parlor
Maya maya lang ay nagpahatid na ako kay mang rene driver namin sa parlor malapit sa Mcdo
If you guys are wondering if bakit ako nag ta-taxi minsan ay dahil wala si mang rene minsan dahil umu-uwi ito sa probinsiya nila
Nakarating na kami sa parlor kay bumaba na ako saka pumasok sa loob, nadatnan ko si bess lk na komportableng naka upo sa may waiting area at nag ce-cellphone
"Bess"- tawag ko sa kanya kay napatingin na ito sa akin
Tumayo na ito at bumeso sa akin. Tumabi ako kay bess dahil wala pa ang trabahante nila. Ilang saglit lang ng may tumawag sa akin
"Uy Lie? Bat kayo naparito? Long time no see ha"- si ate May ang may ari ng parlor nato at pinsan naman ni bess. Lie ang tawag niya sakin lie as in lie yung nag sisinungaling ang pag pronounce nun .
Close kaming apat nila ate May at kuya Bren at bess. Si kuya Bren ay boyfriend ni ate may at 3 years na silang mag jowa. Parang barkada ang turingan namin at minsan lang kaming mag sama-sama kaya kapag kumpleto kami ay nilulubus-lubus na namin ang pagkakataon
"ah oo nga ate May eh at saka balak ko sanang magpa kulay ng bukok te " - sagot ko sa kanya
"Ah ganon ba, sige paki hintay nalang nung mag aasikaso sa iyo ha may lakad pa kasi kami ni Bren"- sabi ni ate May
"Ah sige te maghihintay nalang kami ni bess"- sabi ko sa kanya
Naka alis na sina ate May at kuya Bren at maya maya lang ay pumasok na ang trabahador nila kaya nag umpisa na akong magpa kulay ng buhok, anyway blond yung napili kung color kasi alam niyo naman may paka weird ako minsan at yelow ang nagpag diskitahan ko na kulay
Habang kinukulayan pa ang buhok ko ay nag facebook muna ako saka nag share nung isang post na may picture ng aso na kulay brown na akala mo talaga nota ng isang lalake pero ang totoo ay aso lang pala. Nag caption ako ng "HAHAHAHAHAHA" saka nag share na
Matapos akong kinulayan ay siya namang dating nina ate May at kuya Bren, habang si bess naman ay tulog sa may sofa at nag lalaway pa talaga ha kaya pinic-tsuran ko at nakakatawa ang mukha niya sa kuha kong litrato
After that ginising ko na si bess dahil nag handa si ate May ng snack namin. Masaya lang kaming nag kwentuhan dahil matagal tagal nadin kasi nung huli kaming magkakasama.
Hindi na namin namalayan ang oras at 5:45pm na pala kaya nag decide na kaming umuwi, si bess lk ay nauna na since kanina pa pala nag hihintay ang sundo niya while ako naman ay nag decide na pumunta muna sa Mcdo para mag snack dahil hindi ako masyadong nabusog sa snack namin kanina
Pag pasok ko ay dumiretso na ako sa counter at nag order nga mcburger, fries at sundae, after that pumwesto ako sa malait na upuan at kumain na
Ginawa ko na ang nakasanayan kung bagay na habang kumakain kay pinag halo ko na ang tatlong binili ko sa kumain. Ganito talaga ako kumain guys dahil may pagka weird rin talaga ako
Sarap na sarap ako habang ngumunguya ng may lalaking palapit sa pwesto ko. Uwayos ako ng konti sa pagkaka upo saka nag pa tuloy sa pagkain. Ilang sigundo lang nang umupo ito sa harapan ko tiyaka ngumiti
Nakatitig ako sa kanya specifically sa mukha niya. Well gwapo siya makinis ang mukha, matangos ang ilong, katam-tamang laki ng mata at may mapupulang labi at maputi rin siya, masasabi kong almost perfect na siya
Nagtaka naman ako kung bakit siya umupo sa harapan ko kaya tatanungin ko sana siya ng mag salita ito
"Hi miss I'm Xen Aldrid Lauron and you are?"- pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay
At first nag dadalwang isip pa akong abutin ito at magpakilala but then naisip ko na kailangan ko pala ng pekeng boyfriend kaya baka ito na ang pagkakataon kung maka hanap so why not grab the opportunity wala namang mawawala.
"Kylie Den Sention" -sabi ko sabay abot ng kamay nito
After that he smiled and said "until we meet again Den, goodbye" saka tuluyan nang umalis
Ako naman ay nag patuloy nalang sa pagkain at umiwi narin
