Saint Luke University
Xen/Aldrid's POV
Nandito kami ngayon ni Tony sa cafeteria nag papalipas ng oras dahil mamaya pa ang klase namin
Kalat nadin ang balitang binigyan ko ng bulaklak at chocolate si Den at lahat sila nagulat dahil dito. Ang ilan sa kanila ay nag taka kung bakit daw sa dinami-dami ng babae na umaaligid sa akin ay sa isang weird at maloko padaw ako nahulog
Well diko din naman sila masisisi dahil totoo naman ito at saka besides I'm just pretending because of the dare at pagkatapos ng two months ay hihiwalayan ko din ito
Na kwento ko narin kila Tony at Zack ang mga nangyari dahil nalaman daw nila na may binigyan ako ng bulaklak at chocolate
As of now ipagpapatuloy ko na muna ang ginagawa kong pagpapanggap at ie-enjoy nalang ang dalawang buwan na magkaroon ng jowa
Ilang saglit lang ng makita kong palapit saming table si Scarlet, dito rin kasi siya nag-aaral at hanggang ngayon ay hindi parin siya tumitigil sa paghabol sakin mula nang itinigil ko ang namamagitan samin
"Babe mag-usap naman tayo oh?"- pagmamakaawa niya, matapos ko kasi siyang iwan nun ay diko na siya pinansin pa
"look Scarlet sinabi ko naman na sayo diba na pinagpustahan ka lang namin ni Zack alin ba don ang hindi mo maintindihan? and pwede ba tigilan mo na ako dahil may girlfriend na ako"- sabi ko sa kanya
"Babe alam mo namang mahal na mahal kita diba at kaya naman kitang patawarin eh, bumalik ka lang sakin"-pagmamakaawa niya
Ilang sandali pa ay natanaw ko si Den na papasok sa cafeteria kasama ang bestfriend niya na si leuka kaya oras na para simulan ang aking pagpapanggap, hinarap ko muna si Scarlet sabay sabing "look nandiyan na ang girlfriend ko kaya tigilan mo na ako"- saka ko siya iniwan para lapitan si Den
"Baby"-tawag ko sakanya ng makalapit na ako dito
"Oy! Andiyan ka pala Aldrid wala ka bang class?"- tanong niya sakin at saka umiling naman ako
Tumikhim naman ang katabi nito na si Leuka kaya napatingin kami pareho sa kanya ni Den
"Ay oo nga pala Aldrid si Leuka bestfriend ko, bess si Aldrid yung nakwento ko sayong boyfriend ko"-pagpapakilala ni Den samin
Niyaya ko silang umupo sa table namin ni Tony ng maka order na sila ng kanilang snacks
Habang kumakain kami ay napansin ko namang pinagtitinginan kami sa table namin saka ang iba naman ay nagbubulungan
"ay girl totoo pala ang chismis na mag jowa na si papa Xen at yung weird na babaeng si Kylie?" girl 1
"yes girl kita mo naman siguro na sabay silang mag snack at magkatabi pa sila ng upuan ano"- girl 2
"ah yun pala mukha ng jowa ni papa Xen, well infairness maganda naman siya kaso may pagka
weird lang"- sabi ni girl 3Tingnan mo nga naman ang nga chismosang to maypabulong-bulong pang nalalaman dinig ko naman hayst mga sira talaga
Ang pwesto kasi namin ay ganito bale pang apat na tao tong pwesto namin kaya ang magka tabi ay sina Tony at Leuka tapos tabi naman kami ni Den
Abala ako sa pagsubo ng ng spaghetti nang mapansin kong nilalagyan ni Den ng chocolate ang pizza niyang binili, napanain naman ako neto saka binigyan ako ng ngiti
kita mo tong babaeng na to umaatake na naman ang pagiging weird haynako Lord kung bakit ba naman kasi kailangang weird pa ang maging jowa eh
Sarap na sarap pa siya nung kainin na niya ito, maganda naman siya eh at sexy pa pero bat ganon parang mayroon yata siyang sayad sa utak eh sabi ko sa isip
Makalat rin siya minsan kumain kaya bilang isang boyfriend este mapagpanggap na boyfriend ay pinunasan ko naman ang mga kalat sa mukha niya
Habang pinupunasan ko siya ay bigla namang tumikhim at nagsalita si Leuka kaya napatingin kami sa kanya
"Ahem ang dami naman yatang langgam dito sa cafeteria"-sabi nito na may nakakalokang ngiti
"Ay oo nga eh, nakagat pa nga yata ako sa may kamay"- si Tony na may pang-asar na ngiti
Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang mga pinagsasabi nila kaya nakaramdam ako ng konting hiya saka napa iwas ng tingin sa kanila
After naming mag snack ay nag pasya naman na silang bumalik sa kanilang classroom at dahil hiwalay naman sila ng building ni Leuka ay hinatid ko na lang si Den sa classroom neto since malayo pa naman ang oras ng klase ko
Nang maihatid ko na siya ay nagpa-alam narin ako dahil babalikan ko pa si Tony sa cafeteria