Chapter fifteen: The Game Begins

5 4 0
                                    

Xen/Aldrid's POV

Last night lang nung nag dinner kami sa restaurant ni Den ay diko na napigilang tanungin siya if may boyfriend siya

Well according her wala naman daw kaya di na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong siya if pwede ko ba siyang maging girlfriend and guess what umo-o siya, as expected easy to get lang talaga kaya mas mapapadali saking gawin ang dare

Nandito ako ngayon sa hallway papunta sa room ni Den para bigyan siya ng flowers. Pinagtitinginan naman ako ng mga girls dahil dito

Well I can't blame them, sa pagkakaalam ko kasi ay madaming girls ang may gusto sakin at kilala din kasi ako dito sa school famous kumbaga. Minsan nga ay may mga girls na nag a-attemp na bigyan ako ng mga regalo kuno if I know naman na nagpapapansin lang ang mga ito kaya as always diko tinatanggap

Alam din nila ang ginawa ni Frea sakin kaya maraming nainis sa kanya, ever since nung nalaman ko yun ay iniwasan ko na siya. We never had a closure dahil hindi naman na siya nakipag-usap sakin and besides ayoko din naman siyang kausapin

Anyway nang napadaan na ako sa harapan ng mga girls ay dinig ko ang mga bulungan nila

"Omygod si Xen oh may dalang flowers saka chocolate, ang swerte naman nung girl kung sakali"- girl 1

"Hala di kaya si Frea bibigyan niya para makipagbalikan?"- girl 2

"Ang gwapo talaga ni Xen, akin ka nalang please"- girl 3

Napa iling nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Kung alam lang nila na dare to at saka magugulat talaga sila kung sino ang bibigyan ko tiyak na kakalat na naman ito sa university

Nang marating ko na ang room ni Den ay nakita ko naman siya agad kaya binigay ko na sa kanya

Ilang saglit lang ay may dumating din na lalake na nay bitbit ng flowers at lupamit kay Den napansin naman niya ako kaya nag tanong siya

"Hmn Kylie, sino siya?"-tanong nito kay Den pero nakatingin parin sa akin

Sasagot na sana si Den ng unahan ko na siya

"Ahm I'm Xen pare boyfriend ni Kylie"-sabi ko sabay lahad ng kamay pero tiningnan niya lang ito saka na nagpaalam kay Den

Nagtaka naman ako sa inasal neto pero binaliwala ko nalang saka itinuon ang atensiyon ko sa babaeng nasa harapan ko na

"Ahm so maya nalang ulit Aldrid, pasok na ako malapit na kasi ang time at saka ikaw rin pumasok kana malapit na mag 8am oh"-sabi niya kaya napatingin ako sa watch ko, syet late na ako sa klase ko

Tumango naman ako at nagpaalam na "Okay baby, maya nalang ulit ha. Susunduin nalang kita sa bahay niyo"-sabi ko sabay kiss sa pisnge niya

Nagpag-usapan kasi namin na lalabas mamayang gabi at mag date dahil official narin kami at magsisimula na ang pinakahihintay na dare ni Zack, finally the Game Begins Today

Anyway hindi pa nila alam na meron na akong girlfriend kaya balak ko sanang ipakilala sa kanila ni Tony sa mga susunod na araw

------------------

6pm na nung makarating kami dito sa Mcdo, yup sa Mcdo namin napagkasunduan na pumunta dahil dito ko siya unang nakilala at doon kami umupo sa mismong lamisahan na inupuan niya last time

Tapos na kaming kumain ng pang dinner kaya ngayon ay dessert naman ang kinakain namin habang nagkukwentuhan

Nakatingin lang ako sa kanya ng isinaw-saw niya ang fries sa sundae at kinain tulad nong ginawa namin ni Tony last time kaya napangisi nalang ako dahil weird rin pala siya tulad ni Tony

Muntik ko nang makalimutan na weird pala talaga ang girlfriend ko kaya nga naging girlfriend eh dahi WEIRD sabi ko sa isip

Naibalik naman ako sa katotohanan ng subuan niya ako ng fries na isinaw-saw sa sundae kaya hindi na ako nag dalawang isip na kainin ito dahil alam ko naman din magiging lasa neto

After naming kumain ay nag decide na kaming umuwi kaya inihatid ko nalang siya sa bahay nila

Napag alaman ko ring may restaurant sila at may bestfriend siya na si Leuka daw isang 3rd year rin pero magkaiba sila ng course

Mga bandang 7:10 na nung makarating ako sa bahay at naabutan kong nagtatawan sa living room sina mom and dad

Well close ko pareho sila mom and dad and they are not just my parents they are also my bestfriends aside from Tony and Zack

Even if busy sila sa pag manage ng company namin ay naglalaan parin sila ng time samin sa Sandra. I am contented na sa kung anong meron ako at wala na akong mahihiling pa

"Good evening mom and dad"- bati ko sa kanila, napatingin naman sila pareho sakin

"Hey there son, where have you been?"- si mommy

Ki-niss ko muna siya sa pinsnge saka sumagot

"ahm lumabas lang para kumain"-sabi ko saka bumaling ng tingin kay dad

"ohh sino na naman yang bago mo kid"- si dad kilalang kilala niya talaga ako. Dad knows sa kung anong mga pinaggagawa ko sa buhay

"Just random girls dad hehe"- I said

Tumawa naman si dad sabay sabing" haha as usual"- sabi niya ng sumabat naman si mommy

"Kayo talagang dalawa ano na naman yang pinag-uusapan niyo at bakit kayo nagtatawanan, kalokohan na naman yan ano?"- si mommy

"Ano ka ba naman Albie, hayaan mo na yang anak mo alam mo naman ang pinagdaanan niyan saka malaki narin yan, diba kid"-sabi ni dad kay mommy saka tumingin sakin

"Yup dad"-pagsang-ayon ko kay dad

"Hay nako ewan ko lang sayo Auxel ha, pag yang anak mong yan ay napahamak ng dahil sa kalokohan mananagot ka talaga sakin"-sabi ni mommy na may pagbabanta kay dad

Natawa nalang kami pareho di dad at saka na ako nagpaalam sa kanila na a-akyat.

She's Acting Strange (On Going)Where stories live. Discover now