Chapter 14

2.9K 83 0
                                    

It's  been 2 months since hindi na kami nag papansinan ni Primo, close na ni Fatima si Glaiza at palagi kaming mag kakasamang tatlo

Hindi ko pinag sisisihan na maging kaibigan tong babaeng naging dahilan para iwan ako ni Max, wala naman syang alam na girlfriend pala ako noon ni Max

Alam na din pala ni Glaiza ang tungkol sa akin at kay Max, pati narin ang pag bubuntis ko pero di nya alam na si Primo ang Tatay nitong batang dinadala ko dahil kamakailan lang sinabi nya sa amin ni Fatima na mahal nya parin si Primo at ayokong masira ang pag kakaibigan namin nang dahil lang sa nabuntis ako ni Primo

Ang tanging nasabi ko nalang ay nakipag one night stand ako at diko alam kung sino yung lalakeng yun

Balak ngang makipag balikan ni Glaiza kay Primo eh, nakikita ko ring nag uusap na sila madalas ni Primo

4 months nakong buntis at mahahalata na ang umbok ng tiyan ko at para hindi mahalata ang umbok ng tiyan ko ay bumili ako ng jacket na mag tatakip sa tiyan ko okaya naman ay itong binili kong large size na uniform

Ang suot ko ngayon ay jacket dahil malamig naman ngayon

Papunta na ako ng iskwelahan, lagi akong hatid hatid ni Titang

Wala na ang morning sickness ko dahil sabi sakin ng doctor ko noon na pag sapit daw ng trimester ko ay mawawala na ang morning sickness ko

Hays buti nalang, napaka hirap kaya mag suka tuwing umaga

"Effin mawawala ako ng apat na buwan dahil kinukuha ako sa baguio, alagaan mo sarili mo ok? Sumabay kana lang lagi kay Fatima tuwing papasok sya, lagi kang mag uumagahan at wag mong kakalimutan ang gatas ok?" sambit ni Titang

"Opo"

Nang makarating kame sa school ay agad na akong pumunta sa classroom, nakakatamad na mag lakad lakad

"Lai!"

"Oh Glaiza aga mo hah" sambit ko

"I brought you some milk and pancakes"

"Thankyou" sambit ko at kinuha sakanya yung lunch box doon sa paper bag at bote ng gatas

Maya maya rin ay dumating na si Fatima

"Look Lai! I bought you a cat stuff toy!" sigaw ni Fatima

Tuwang tuwa ko namang kinuha yun sayo

"Ginagawa mo namang bata si Laila!" sigaw ni Glaiza kay Fatima

"Inggit ka lang eh, bukas bibilhan din kita ano bang gusto mo"

"Aso!" sigaw ni Glaiza

"Ang ingay nyo naman" sambit ko

"Ay sorry" sambit nilang dalawa

"Basta sabihin mo lang gusto mo sa amin Lai hah? Ibibigay agad namin sa iyo"

Nag kwentuhan lang kame hanggang sa dumating na si Prof

"Ms. Forteza bago mag break time sumama ka saken sa faculty" sambit ni Prof

"Ok po"

Ano kaya yun? Kinakabahan ako, wala naman akong ginawang masama pero kinakabahan pa din ako

Matapos ang tatlong oras ay nandito na ako ngayon nag lalakad kasama si Prof

Pumasok kami sa faculty at pinaupo nya ako sa katabi nyang upuan

"Be honest Ms. Forteza ok?" sambit ni Prof

"Opo"

"Buntis kaba?" tanong nya

Gone for GoodWhere stories live. Discover now