Chapter 34

2.6K 65 3
                                    

"Nak!  May kompanyang nag hahanap ng secretary baka gusto mong mag apply? Ito oh" sigaw ni mama habang papasok ng bahay

Ilang araw narin kase simula nung nag resign ako at ngayon nalang ulit ako swinerte

Agad kong kinuha kay mama ang diyaryo at tinignan ang kompanyang iyon

Namangha ako sa laki nito at sa ganda, chance kona toh baka may iba pang makakuha ng chance nato

"Ma paki bantayan nalang si Zachary kelangan kong makuha ang posisyon nayun!" sigaw ko habang paakyat ng kuwarto namin ni Zachary

Dali dalo akong naligo at nag ayos ng sarili ko, nag suot din ako ng magandang dress baka sakaling mameet ko agad ang magiging boss ko

Required din kase sa pagiging assistant ang pagiging good-looking kung hindi kanaman ganoon katalino basta maganda ka pasok ka kaya nag suot ako ng pang sexy na dress hehe...

Sumakay ako ng taxi at tinahak ang kompanyang iyon

Nang makarating ako ay namangha ako ng sobra sobra

Mas malaki sa dating komapanyang pinag tatrabahuhan ko

Ininterview muna ako bago pinayagang makapag apply pero kelangan muna ng approve ng CEO kaya bukas ay kelangan kong ma-meet ang CEO at hingiin ang approve nya

May ibinigay sa akin na contract, for 5 years doon ako mag tatrabaho at makakatanggap ako ng 50k a month mas malaki kumpara sa dati kong pinag tatrabahuhan. Yun ay kung i-approve ako ng CEO

Kelangan ko ng magandang susuotin para bukas kaya dumiretso ako ng mall bago umuwi, pumili ako ng pang sexy dahil requirement daw yun sa pagiging secretary ng CEO dahil pogi raw ang CEO doon

Hays, pasalamat sila nangangailangan ako kundi hindi ako pumayag na mag trabaho sakanila. Kase ba naman kelangan mong maging sexy sa araw araw

Kung sila lang daw ang mag aapprove edi sana nakapag trabaho nako ngayon dahil maganda naman raw ako, hays bat kase kelangan pang iapprove ng CEO?

Pinirmahan kona ang contract nila so kapag naapprove na ng CEO yun hindi nako makakapag resign at dun na mag tatrabaho for 5 years

Ok narin yun 50k a month banaman eh


Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil kelangan kong mag ayos at mag handa ng makakain

Nang matapos akong maghanda ng makakain ay tinawag kona sila mama para kumain

Pag tapos kumain ay naligo na agad ako at nag ayos sa aking sarili

This is it, approve nalang ng CEO ng kailangan at may 50k a month ako

Matapos mag ayos ay sumakay nako ng taxi at bumaba sa Lee King's Company

"Kaya ko toh, napasukan ko nga ang pangalawa sa pinaka sikat ng kompanya sa buong mundo ito pa kaya" ngumiti ako bago pumasok sa loob

Bawat madadaanan ko ay tinitignan ako mula ulo hanggang paa

Panget bako tignan? Maganda naman itong suot ko huh? I'm wearing a sleeveless black above the knee dress na kita ang bulubundukin pero may cardigan naman ako

Kinakabahan ako, normal lang naman toh pero bakit feeling ko hindi to normal?

Sumakay ako ng elevator at pumunta ng 50th floor doon kase ang opisina ng CEO dito at buong 50th floor ay opisina nya

Gone for GoodWhere stories live. Discover now