Chapter 37

2.7K 70 2
                                    

"Lets  go" sambit ni sir, tapos na kasi naming asikasuhin yung mga papeles

Nasa 20th floor na kami nung biglang nag patay sindi ang mga ilaw

"Lumabas na tayo baka ma lock pa tayo sa loob" sambit ni sir nung huminto ang elevator sa 20th floor

Lumabas kami at napatili ako ng biglang namatay ang ilaw

N-natatakot ako...

"S-sir..." mahina kong tawag sakanya

When I was 3 years old naalala ko nung na-kidnap ako at napaka dilim ng paligid tapos ambaho pa

Muntik na nga akong mapatay eh buti nalang may nag ligtas sakin

Dahil di nyako pinansin nanginginig na hinawakan ko yung laylayan ng long sleeve nya

Napatingin sya saglit sakin bago nag simulang mag lakad

Tahimik lang kaming nag lalakad nang bigla syang huminto

"We can't get out of here, masyadong madilim" sambit ni sir Hexon "Mag i-stay tayo dito hanggang umaga"

Shete pano si Zachary? Hahanapin ako nun

Tumango nalang ako at humikab

Umupo si sir Hexon sa isang tabi kaya sumunod ako at umupo sa tabi nya

Nag tataka nya naman akong tinignan

"Bakit kaba lapit ng lapit?" iritang tanong nya

"Pwede bang kalimutan nalang natin ang nakaraan?" tanong ko

"Sa tingin mo madaling kalimutan ang nakaraan? The pain you gave me made me want to end my life pero hindi ako sumuko itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag tatrabaho"

"Sorry..."

"Anong magagawa ng sorry mo? Tapos na nag sara na ang puso ko para sayo"

Tumayo sya at umalis sa tabi ko, yinakap ko nalang ang tuhod ko at umiyak

Kung pwede ko lang sabihin sayo ang dahilan kung bakit kita iniwan ginawa kona pero hindi pwede, baka kung ano pang gawin sayo ng nanay mo

---

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumaloy sa mukha ko, asaan ako?

Maliwanag na ngunit wala pang katao tao, nasa kompanya parin pala ako...

Iniwan nya talaga ako kagabi huh...

Inayos ko ang damit ko pati narin ang buhok ko

Nag lalakad nako ngayon palabas ng kompanya ni sir Hexon ng bigla akong may nakabungguan na babae

Tumapon sakanya ang kape na hawak nya at mabilis naman syang nilapitan ng mga alalay nya

"Sorry..." paghingi ko ng tawad

"Ok lang, mag ingat ka nalang sa susunod" ang bait nya naman... Di katulad ng iba na kapag natapunan mo ng kung ano galit na galit

Pag angat ko ng tingin ay laking gulat ko ng malaman kung sino yun

Ganon din ang reaksyon nya gulat na gulat ng makita ako

"A-anong ginagawa m-mo dito?" tanong nya

Hindi ko sya sinagot at nilagpasan lang sya

Gone for GoodWhere stories live. Discover now