Chapter 1

64 4 2
                                    

"Baby, wake up na. You promised me na magjojogging tayo ngayon di ba." Si Dad habang nakasilip yung ulo niya sa pinto ng kwarto ko. Tamad na tamad akong tumayo kaya hihikab hikab pa ako na pumunta sa Cr ng kwarto ko. It was 5 am and school was starting again. Itong summer yata ang pinaka the best na nangyari sa akin yet, I had spent most of the nights sa boyfriend kong si Bryan at kay Rain na bestfriend ko. Pero kahit na I spend most of the time sa family and friends ko, di ko pa rin nakakalimutan gumising ng umaga to go for a run. I needed to maintain kasi ang perfect body ko lalo na't magsisimula na ang senior year ko.

I am a nerd sa BIT University. Nerd na kasali sa cheerleading squad at track team nila. Nerd na popular. Nerd na boyfriend ang isang varsity player. Nerd na choosy. Nerd na maarte.

Meron ba nun? Of course meron, walang iba kung hindi ako.  Ako lang ata yung tinawag na nerd pero hindi nabubully. Ay wait, may isang tao palang nangbubully sa akin kaya mainit na mainit yung dugo ko sa kaniya. Kung pwede lang siya ipatapon sa bermuda triangle eh matagal ko ng ginawa, kaya lang anong magagawa ko eh anak siya ng may-ari ng school. Tanginang buhay kasi toh, pwede namang iba na lang pag diskitahan eh ako pa yung napili paglaruan di ba. Anong say nang pagiging popular ko eh wala naman nagagawa yung mga nakapaligid sa akin kundi manood bwesit.

Blue Indigo Thompson. Kala mo lalaki sa unang rinig pero wag ka, babaeng babae po siya. Kilala bilang Queen bad-ass sa BIT University na pag-aari lang din naman nila. Maganda, makinis, maputi.. pero bat ganun? Kung anong kinaganda ng mukha, ganun naman kinapangit ang ugali juskooo, kung hindi lang dahil kila mommy baka matagal ko ng nilisan ang heaven and hell na eskwelahang yun.

Heaven naman talaga yung school na yun eh, sadyang nagiging hell lang kapag involve na yung Blue na yun, bwesit ano bang kinahuhumalingan ng mga lalaki at babae dun eh ang pangit naman niya.

"Talaga? eh sabi mo kanina maganda siya eh." Sabat ng utak ko. Tangina pati ba naman ikaw? bwesit oo na maganda na siya pero nagiging pangit siya dahil sa ugali niya. Nakaka-

Bigla akong napabalik sa reyalidad pagkatapos marinig ang sigaw ni Dad.

Pagkatapos kong makipagtalo sa isip ko at after putting my yoga pants and my sports bra, ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba kung saan naghihintay si Dad sa akin.

''''''''''

"You beat me again." Sabi ni Dad as we stopped sa labas ng bahay namin, habang hinihingal pa pagkatapos ng matinding pagjojogging namin.

"Of course I did Dad. Ako pa!" Sabay ngisi ko bago pumasok sa bahay.

"Good Morning Baby. Kamusta pagjojogging niyo? Natalo mo na naman ba ang Dad mo?" tanong ni Mom pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.

"Syempre Mom! Mana kaya ako sayo." sabay ngisi ko.

"Ha? anong pinagsasasabi mo diyan?" tila naguguluhang sagot ni Mom.

"Eh di ba pinapagod mo din si Dad? hindi nga lang sa pagtakbo." Inosenteng tanong ko at binigyan ng nakakalokong tingin si Mommy sabay tingin kay Dad na naghahabol pa din ng hininga at pulang pula na nasa front door.

Biglang natigilan si Mom ngunit agad ding nakabawi.

"A-anong...sabi...mong...bata...ka?" habol hiningang pagtatanong ni Dad.

"Honey, pikon ka na naman sa anak mo eh totoo naman di ba?" Sabay kindat ni Mom receiving an eye roll from my Dad at biglang hinabol si Mom.

"Anyways Mom and Dad, I'm going to get ready for school na po." I smiled at both of them bago pumunta sa room ko. I had a small walk-in closet sa room ko which is an advantage for me kapag pinagtataguan ko yung super over protective na kuya ko na si kuya Cloud.

Not Your Typical Nerdy CheerleaderWhere stories live. Discover now