"So saan tayo pupunta?" tanong ko kay Eliza pagkadating namin sa kotse niya.
"It's a secret." sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya. Infairness gentlewoman ah.
"Gaga kakabreak mo lang sa boyfriend mo talandi to. Baka nakakalimutan mo din na straight ka di ba po." sabat ng utak ko kaya I mentally face palmed myself.
"Don't take me to a drug den ah. Tatalon talaga ako dito." sabi ko habang inaayos ang seatbelt ko.
"Tingin mo nagdudrugs ako?" tanong niya habang amused na nakangiti sa akin.
"Well...you never know" nakakaloko kong sabi sa kaniya habang nakangisi.
Habang nagdadrive siya ay hindi ko mapigilan iadmire ang kagandahang nasa harap ko. She had a wavy dirty blonde hair, green eyes, pointed nose at mamula mulang mga labi. She wore a black shirt katulad ng sinusuot ng grupo nila Blue and black skinny ripped jeans. Oo na sabi ko di ba ayaw ko sa kanila, pero hindi naman pala sila ganun kasama, si Eliza ang isa sa nagpapatunay dun.
"You know that staring is rude." sabi niya pagkatapos huminto sa parking lot ng Puregold.
"Puregold? seriously?" sabay tawa ko.
"Yes, but I'm going to buy some snacks lang kaya dito ka muna."
tumango na lang ako as he gets out of the car. Habang naghihintay ay naisipan kong tingnan ang phone ko at nakita ang multiple messages ni Bryan.
"Can we talk?"
"Please babe, I'm really sorry."
"Please give me a chance."
"I love you."
Naramdaman ko na naman yung sakit na dinulot ng panloloko niya sa akin. Agad ko naman pinunasan ang luha na unti-unti na naman namumuo sa mga mata ko. Just as I do so, ay agad naman tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Bryan. Nag alinlangan pa akong sagutin ngunit napagtanto kong kailangan ko na itong tapusin.
"Ano?"
"We need to talk."
"Ano pa ang pag uusapan natin? You cheated on me remember. So ano dun sa ang hindi mo maintindihan?" huminga muna ako bago pinagpatuloy ang gusto sabihin. "We're done, it's over." at dahil dun ay unti unti ng tumulo ang mga luha kong pinipigilan at bago pa niya malaman na umiiyak ako ay pinatay ko na ang phone ko.
"Sky, are you okay?" tanong ni Eliza pagkadating niya.
Bakit ba sa tuwing may mga ganitong nagyayari eh lagi na lang nagtatanong yung iba kung okay lang ba yung umiiyak. Tangina umiiyak na nga eh syempre hindi sila okay. Haysss naiistress ako.
"No." I sob. Agad naman lumabas si Eliza sa driver side at binuksan ang side ko at pinalabas ako and she pulled me in for a hug.
Nakatayo lang kami sa parking lot for almost 5 minutes bago ako lumayo sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko.
"Sorry ah."
"Sorry for what?" amused pero tila naguguluhan niyang tanong.
"Kasi kailangan mo akong makita in this kind of state." sabi ko sabay talikod pero agad ko naman naramdaman ang mga kamay niya and pulled me again for a hug.
"You don't need to feel sorry." nilayo niya ako at hinawakan ang mga pisngi ko. "It's okay not to feel okay, remember that. I'm always here for you." at dahil dun ay hindi ko na naman napigilan umiyak.
YOU ARE READING
Not Your Typical Nerdy Cheerleader
Ficção AdolescenteYou are my BLUE crayon, the one I never have enough of, the one I use to color my SKY.