Kakatapos pa lang ng klase namin and I had History and Calculus sobrang sakit ng ulo ko dahil first of all sinong hindi sasakit ang ulo sa calculus diba pero I'm here waiting for Bryan by his locker ngayong free period.
Actually 5 minutes na akong naghihintay sa kaniya at konting konti na lang ay mawawalan na ako ng pasenya. Sabi nila patience is a virtue but nah.. hindi yun applicable sa akin. Sino ba kasing matinong boyfriend ang magpapahintay sa girlfriend niya ng 5 minutes.. FUCKING 5 MINUTES.
"Waiting for someone? Hindi na yun dadating." isang mahinhin na boses ang aking narinig. I snap my head to the side para makita kung kanina nanggaling ang boses na yun at makitang si Eliza pala ito, isa sa mga kabarkada ni Blue.
"Yep, my boyfriend." sabi ko bago naiiritang tiningnan ulit ang phone kung may text ba yung walanghiyang lalaki na yun.
"Bryan Hernandez right?"
"Yeah.. siya nga." sagot ko sa kaniya na may halong pagtataka.
"Mukhang napakawalang kwenta naman niyang boyfriend mo kung iniwan ka niya ditong naghihintay." sabi niya.
"Hindi naman si-" I sighed bago pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Why do you care anyway?"
"Eliza, sasama ka ba o ano?" biglang sigaw ng isang babae na nasa may corridor din.
"Wanna go with us Sky? mukhang hindi naman na kasi sisipot yang boyfriend mo."
"No, hindi ako basta bastang sumasama kahit kanino and how do you know my name?"
"Everyone knows your name babe, baka nakakalimutan mo din na bestfriend ka ni Rain." she says bago ngumisi at umalis na. "So I'll see you around?" pahabol pa niya.
Oh right. I totally forgot na dahil pala sa bestfriend ko kaya ako popular ngayon.
Hindi na ako nag abalang sagutin siya at umalis na lang dahil kanina pa ako naiirita, nabibwesit. Makakapatay na nga ata ako ng tao sa lagay ko ngayon.
Lunch time na at wala pa rin akong natatanggap na ni ha ni ho o maski text man lang sa magaling ko na boyfriend na si Bryan at sa totoo lang galit na galit na ako dahil hindi lang naman ngayon niya ako hindi sinipot eh, maraming beses na at sawang sawa na ako sa kakaintindi sa kaniya.
After 5 minutes ay naalala ko na may cheer practice pala kami ngayon kaya dali dali akong tumakbo papuntang changing rooms dahil baka masigawan na naman ako ni Rain.
"Look who decided to show up." Rain said habang tinatali na lang ang sintas ng sapatos niya dahil tapos na siyang magbihis ng cheer outfit.
"5 minutes pa lang naman akong late ah" I roll my eyes at agad agad na nagmadaling magbihis at pumunta na sa field. Nakita ko si Bryan kasama ang buong team ng football namin na nagpapraktis sa kabilang field.
"Sky!" sigaw ni Rain kaya agad naman akong pumunta sa kaniya.
During our praktis ay walang wala ako sa sarili. Hindi makasabay sa ibang members namin. Bangag kumbaga at basta basta na lang natutulala.
"Sky what's wrong?" tanong ni Rain sa akin at iginaya na muna ako sa gilid ng field.
"Nothing. Iniisip ko lang yung padating na competition namin tapos kaninang free per-"
"Hey ladies." sabi ni Bryan habang papalapit sa amin kasama ang isang ka team niya sa football.
"Hey Bryan." sabi ni Rain na may halong panlalandi na hindi ko nagustuhan. Ngumisi naman si Bryan sabay kagat sa labi niya sabay tingin sa akin habang nanlalaki ang mata na parang nagulat pa na nandun ako sa tabi ni Rain.
YOU ARE READING
Not Your Typical Nerdy Cheerleader
Novela JuvenilYou are my BLUE crayon, the one I never have enough of, the one I use to color my SKY.