"Sky meet Samantha, Samantha meet Sky." pagpapakilala sa akin ni Axel. Nginitian ko lang si Samantha.
"Di ba isa ka din sa kasamahan nung bruhildang si Rain?"
Napangisi ako sa prangkahan niyang tanong.
"Akala namin Bitch ka din dahil kay Rain pero hindi naman pala." Eliza said ng tuluyan na akong humarap sa kaniya.
"You all thought I was a bitch?"
"Ano kasii... uhmm... a..ano.. hindi naman." nauutal at nag aalangang sagot ni Eliza.
"Everyone of us did Princess." sabi ni Blue kaya napatingin sa kaniya lahat ng barkada niya.
"Oh..." sabi ko.
"Pero we are wrong pala." sabat ni Aerin na nakapagpangiti sa akin ng malawak.
"ANYWAAAAYSSS!" sabi ni Blake na nakangisi, "I think you're really mabait, hot and...... sexy." Napatawa na lang ako dahil nabatukan tuloy siya ni Eliza at Blue.
Naupo na kami lahat at naupo si Samantha sa kaharap kong upuan.
"Di ba kasali ka sa track team?" tanong niya sa akin.
"Yup, why?"
"Same, at siguradong sigurado ako na magkateam tayo sa relay."
"Talaga? di ko narealize na kasali ka din pala sa track team."
"Damn that hurts, akala ko pa naman kilala na din ako ng lahat ng kasali sa track team." Hindi makapaniwala niyang sabi. "Kasali na ako sa track team since day 1 ng high school natin. I mean hindi ako kasing bilis mo tumakbo pero hindi rin ako kasing bagal ng pagong."natatawa niyang sabi.
"Weh di nga? maybe we should go for a run one morning para magkaalaman" Nakangisi kong paghahamon sa kaniya.
"Sure, minamaliit mo yata ako eh" Amuse niyang sabi sa akin.
"Hey Blue." sabi ni Rain habang unti unti siyang lumalapit sa table namin. Tiningnan ko si Blue pero blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya.
"Mukhang nakikipagkaibigan ka na sa mga freaks ngayon ah." sabi ni Rain habang nakatingin kay Sam na parang may nakakadiri itong sakit.
Actually maganda si Sam at unang tingin mo palang ay masasabi mo na very sporty siya. Tila nagpanting naman ang tenga ni Sam at tatayo na sana ngunit hinawakan siya sa kamay ni Axel na agad naman nakapagpakalma dito.
"She's not a freak. Kung may freak man dito, ikaw yun at ang mga chararat mong alalay." pagtatanggol ko kay Sam.
"Baka nakakalimutan mo Sky, naging isa ka din sa mga chararat ko na alalay na sinasabi mo." tatawa tawa niyang sabi.
"Oh.. miss na miss ko na ngang maging alalay mo eh." sarkastiko kong sabi and rolled my eyes.
"Anyways pumunta ako dito para sabihin sayo na ibalik mo na yung pompoms mo kasi hindi mo na naman yun kailangan." sabi niya habang pinapaikot ang daliri sa buhok niya.
"Well I will gladly give them back."
"Oh, and your cheer uniform."
Tumango na lang ako bago sinenyasan siya na umalis na lalong nakapagpairita sa kaniya.
"Ciao." sigaw niya bago umalis na nakapagpairap sa akin ng mata.
"Fuck, demonyo talaga yung babaeng yun." nagngingitngit na sabi ni Sam.
"She's a barbie girl in a barbie world, fake as plastic..." kanta ni Eliza bago sumubo ng pagkain niya na nakapagpatawa sa aming lahat.
"Inlove na inlove kasi yun kay bughaw." sabi ni Blake na nakapagpangisi kay Blue.
"Sino bang hindi di ba?" sabi niya habang maarteng nakatingin sa mga daliri niya.
"I'm not." sabi ni Sam na nakapagpatawa kay Axel.
"Same" sabi ko at agad na tumingin sa ibang direksiyon takot na makita niya na pinagmamasdan ko siya.
"Sure you aren't Princess."
"I'm not! Ang conceited mo ah."
"I'm kidding" kinindatan niya ako bago nag ring ang bell. Binigyan ko lang siya ng nanlilisik na tingin.
"So Sky..." sabi ni Eliza habang nakaakbay sa akin, "Party at mine on Friday, are you coming?"
"Sure, count me in." sagot ko habang nasa harap kami ng locker ko. "Oh and Eliza... pwede ba akong makasabay sayo after ng class? wala pa kasi akong car eh."
"Oo naman." She kissed my cheek bago naglakad papunta sa classroom niya.
''''''''''
"Sky!" sabi ni Sam habang naglalakad palapit sa akin.
"Hey!" I smile, habang nilalagay ko ang last textbook ko sa locker ko bago umuwi.
"So... naisip ko na bago mo isauli yung cheer uniform mo bukas.. baka pwede nating iprank si Rain." bulong ni Sam sa akin.
Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha ko habang iniisip kong ano ang pwedeng mangyari sabay tango, "Sure, ano bang naiisip mo?"
"Hindi pa ako nakakapagdecide, I'll text you na lang." nakangising sabi ni Sam. For sure ang dami na nitong naisip na Prank ka Rain lalo na't hate na hate niya ito.
"I'll see you tomorrow." sabi niya bago umalis kasama si Axel.
Nang nakarating na ako sa parking lot nakita ko si Eliza na printeng printe na nakasandal sa sasakyan niya habang naghihintay sa akin.
"Ready?" she asks me kaya tumango na lang ako at pumasok na sa sasakyan niya.

YOU ARE READING
Not Your Typical Nerdy Cheerleader
Ficção AdolescenteYou are my BLUE crayon, the one I never have enough of, the one I use to color my SKY.