Chapter 4

19 3 0
                                    


"Ayos ka lang ba baby?" tanong ni mom as I entered our house, kakatapos ko lang ng track training namin at nangangamoy na ako ng magkahalong pawis at mga luha ko kanina.

"Mom, niloko ako ni Bryan. He cheated on me." sabi ko at agad naman ako niyakap ni mommy.

"Ano? Nasan na yang gunggong na yan at ng mapatay ko na" sigaw ni kuya Cloud na kararating lang din pala.

"Cloud wag ka ngang magpadalos dalos sa mga gagawin mo." suway ni mom kay kuya.

"Eh mom, di ko nga yan pinapaiyak si Sky tapos papaiyakin lang niya! Aba wala siyang karapatan." naiiritang sabi ni kuya kaya niyakap ko na lang siya at sinabing okay lang ako.

''''''''''

After kong kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko pagkatapos akong kausapin nila Mom and Dad at ibaling ang atensyon ko sa mga pinagkikwento nila.

"Ky, can I come in?" tanong ni kuya habang nakasilip yung ulo niya sa may pinto ko. Napangiti ako dahil ngayon na lang ulit niya ako tinawag na Ky. Tinatawag lang naman niya ako na ganyan pag nanlalambing siya or may nagawa siyang kasalanan sa akin eh. Tumango ako kaya pumasok na siya sa room ko at umupo sa bed ko.

"Ano, bubugbugin ko na ba siya para sayo? sabihin mo lang Ky tatawagan ko sila kuya Chris mo." Sila kuya Chris yung barkada ni kuya na super over protective din sa akin, sabi nga nila ako daw baby nila eh.

"Oo kuya, isama mo na rin si Rain." sabi ko habang tatawa tawa dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Bakit kasama si Rain? Akala ko ba bestfriend mo yun?" naguguluhang tanong niya.

"Siya yung whore na nakikipag made out sa boyfriend ko and she actually kicked me out sa cheerleading team which means na kick out na rin ako sa friendship group namin which is very humiliating."

"Damn Ky. What a shitty way to start your senior year."

Tumango na lang ako at sumandal sa balikat niya. "Break up sucks."

"Everything will be okay Ky." pang aalo niya sa akin.

''''''''''

Pagkadating ko sa school the next day ay sinigurado ko talaga to wear something na makakapagsisi kay Bryan sa lahat ng desisyon na ginawa niya.

Si kuya Cloud yung naghatid sa akin which is nakakainis dahil lahat ng makita niyang babae na nakatingin at nakangiti sa kaniya ay kinikindat niya.

"See you" I said pagkatapos niya akong halikan sa noo at tumango senyales na aalis na siya. Kaya dumiretso na ako papasok sa hell na paaralang ito.

Meron pa din na nagbubulungan at tumitingin sa akin knowing na masyado pang fresh ang break up namin ni Bryan. Mga hindi makaget over bwesit! Nang makarating ako sa locker ko ay nakita ko si Rain na tinitingnan na naman ang sarili niya habang nasa tabi niya si Chanel.

Binuksan ko ang locker ko, at isa isang nilagay ang mga libro ko. Nang isasara ko na ang locker ko ay nakita ko ang dalawang walanghiya na naghahalikan at halos magkainan na sa may locker nila kaya sinara ko ng pagkalakas lakas yung locker ko na nagpangisi kay Rain at nagpagulat kay Bryan bago ako naglakad papunta sa homeroom ko.

Lahat ng lessons ko ay boring lalo na't wala akong makausap dahil lumipat ako ng upuan malayo kay Rain.

Lunch time came at narealize ko na wala na pala akong kasama at wala na akong mauupuan and I really felt like a freak.

"Sky." biglang may sumigaw sa pangalan ko at nakita na si Eliza pala iyon na kumakaway kaway sa akin. Pumunta ako sa pwesto nila kaya agad naman siyang nagbigay ng space at pinaupo ako.

Not Your Typical Nerdy CheerleaderWhere stories live. Discover now