Chapter 6

825 22 1
                                    

Kim's POV

Tinext ko si Pie na magkita kami sa restau ni Na'Inn. Para makapag paalam na rin ako sa kanya. Dahil kapag sa birthday niya pa ako magpapaalam alam kong masisira ko lang iyon. Agad akong nag ayos para pumunta na sa restau dahil ayokong siya ang mauna sa akin doon.

Pagdating ko, sakto wala pa si Pie kaya naupo muna ako sa paborito naming pwesto. Agad akong nag order ng chocolate cake and caramel cake dahil iyon ang favorite niya. Tsaka para hindi na rin  siya mag abala at para makausap ko pa siya ng matagal.

"Nasaan si Na'Inn?" tanong ko.

"Nag luluto po siya" sabi niya.

"ah sige salamat" sabi ko sabay punta sa upuan.

Naghintay pa ako nang mga ilang oras pero wala pa rin siya. Ilang beses ko na siyang tinawagan at tinext pero hindi man lang niya sinasagot. Pero sanay na ako dahil sa lagi naman siyang nahuhuli dati sa mga lakad namin.

"Kim kanina ka pa diyan. Gusto mo bang uminom muna ng tubig hindi ka pa kasi nakain ng mga cake na binili mo." sabi ni Na'Inn sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Inabot ko naman yon tsaka ininom.

"okay lang po ako Na'Inn, sabay nalang po kami mamaya ni Pie"  nakangiting sabi ko.

"Kim kanina ka pa naghihintay jan, sigurado ka bang pupunta siya?" tanong niya. Kayat tumango ako bilang pag oo.

"hay naku Kim. Bahala ka" sabi niya sabay alis at pumunta sa iba pang costumers niya.

Nawawalan na ako ng pag asang darating pa siya. Dahil ilang oras na akong naghihintay dito. Puntahan ko nalang kaya siya sa school nila. Saktong pagtingin ko sa wrist watch ko breaktime palang nila. Kaya dali-dali akong lumabas kahit na tinatawag ako ni Na'Inn, kailangan kong maabutan si Pie sa labas, dahil ilang minuto lang ang breaktime nila. Takbo lakad ang ginawa ko, medyo nakakapagod pero worth it naman dahil papasok palang sila at saktong pagdaan ni Pie.

"Pie!"  sigaw ko kaya't napatingin siya sa direksyon ko. Nang magtama ang paningin namin halatang nagulat siya pero agad din nakabawi. Pero sa halip na lapitan ako at kausapin ay inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Na parang hindi niya ako nakita.

Ang sakit na ang taong mahal hindi ka man lang pinapansin sa halip iniiwasan ka pa niya.

Napayuko ako, hindi dahil sa pagkapahiya kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit kasi na hindi ka man lang kayang pansinin ng taong mahal sa halip kusa siya lumalayo sayo.

Nagsimula na akong maglakad palayo, palayo sa taong mahal ko, minahal ko at mamahalin ko.

Pie's POV

Nakita kong tumalikod na si Kim at naglakad at naglakad papalayo sa direksyon ko, papalayo sa akin. At dahil doon naramdaman ko nalang na may mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. At doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Umiiyak ako dahil nakikita kong lumalayo na ang taong mahal ko sa akin. Kailangan ko lang naman iwasan siya dahil tiyak na ipapadala ako ni Mommy sa America kapag hindi ko pa siya iniwasan.

Pinagmasdan ko lang siya na patuloy lang sa paglakad papalayo, habang ako naman patuloy pa rin sa pag iyak. Wala akong pakialam kahit na sabihin pa nila akong baliw dito dahil sa bigla bigla nalang akong iiyak. Wala eh mahal ko eh at masakit makita.

Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya agad akong nag angat ng tingin, si P'Van pala.

"Its okay Pie, nandito naman ako eh. Mas maaalagaan kita kaysa sa kanya. Pareho kayong babae kaya siguradong hindi rin kayo magkakaintindihan" sabi niya kaya agad akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin at tinitigan siya ng diretso sa mata.

"Hindi magkakaintindihan? Bakit sa tingin mo magkakaintindihan tayo?! Ganyan ba talaga kataas tingin mo sa sarili mo P'Van?! Oo minahal kita pero hanggang nakakatandang kapatid lang iyo! At hindi na magbabago iyon dahil ang alam ko lang si Kim!! Si kim lang ang mahal ko!! Siya lang!" sigaw ko sa kanya "eto pa hindi dahil sa ikaw ang gusto ng mommy ko para sa akin ay ganyan ka na sa akin! Dahil unang una i hate you! pangalawa hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin sa hindi!" dagdag ko. Sabay talikod sa kanya, nagsimula na akong maglakad, nang nakakailang hakbang palang ako ng tinawag ako ni P'Van. Huminto ako pero hindi ko siya tiningnan.

"what?!" inis na sabi ko sa kanya.

"Tsk. After your birthday, aalis si Kim pupunta siyang Mount Tribe." pahabol na sabi niya. Ilang segundo akong natigilan. Bago nag sink in sa utak ko yung sinabi niya.

"Thats not true" sabi ko.

"Yes it is true" sabi pa niya ng lingunin ko siya para sumbatan na naman wala na siya. Tsk.

Nagtuloy tuloy na akong naglakad. Habang iniisip yung sinabi ni P'van kanina. Na paulit ulit parang unli sa isip ko. Hindi. Hindi ako iiwan ni Kim dahil nagpromise siya sa akin na hindi niya ako iiwan. At isa pa mahal niya ako. Haysss its complicated.

P'Van's POV

After ko masabi kay Pie ang balak ni Kim  na pag alis umalis na ako. Aba! masermunan na naman ako. Mahirap na.

Pero sa ngayon hindi muna ako gagawa ng move. Pag iisipan ko muna siyempre. Tsk. Mahirap na ang sublay. Sisiguraduhin ko hindi na sila magkikita pa.

I Love You Even If You're A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon