Pie's POV
Pagdating ng 7:00 pm nag ayos na ako. Para naman prisintable ako mamaya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, parang may mangyayaring hindi maganda. Kanina lang ang saya saya ko pero bakit ngayon kinakabahan ako.
Pagkatapos ko mag ayos, tiningnan ko muna sarili ko sa salamin kung okay na ba. Nang masatisfied na ako sa hitsura ko lumabas na ko ng kwarto ko at dali dali bumaba.
Wala si Mommy ngayon nasa business trip siya. Nang makalabas na ako sa bahay, nag antay muna ako ng Taxi. Agad akong nagpara at sumakay. Sinabi ko kay manong driver na sa watty park niya ako dalhin. Doon kasi tambayan namin eh.
Ilang minuto pa nakarating na ko. Nakita ko na rin sila Jane. Kaya dali-dali akong bumaba ng Taxi at nagbayad.
"Hi guys sorry late ako" hinging paumanhin ko.
"okay lang tamang tama lang ang dating mo wala pa si Nerd." sabi ni E'boy sa akin.
"hah? diba lagi nauuna yun?" sabi ko. Nakakapagtaka yata late siya ngayon.
"actually may dinaanan lang daw siya saglit. " sabi ni Jane "oh ayan na pala siya eh... Nerd bilisan mo meron na si birthday girl!" sigaw ni Jane.
Pagkaupo niya nilapag niya sa mesa ang isang box.
"ano yan?" tanong ko sabay turo sa box.
"kahon." simpleng sagot ni E'boy
"alam ko. what i mean ano laman niyan" tanong ko kay Nerd.
"open." wow hah. tipid magsalita. nabibili salita mo dre? wala na kong nagawa kundi buksan yung kahon curious ako eh.
Pagbukas ko, it was a chocolate cake with a message.
Happy 17th birthday Pie
Tapos sa baba
<3 KIM
Bigla akong inatake ng guilt, ewan ko kung bakit. Pero nung nabasa ko yung name niya biglang kumabog ng malakas yung puso ko. Na parang nakikipag karera.
"Happt Birthday Pie!" bati sa akin nila Jane.
"ah t-thank you" sabi ko ewan ko bigla ako nautal eh. Tsaka kinabahan na naman ako.
"hihipan mo na yung candle, Pie" sabi sa akin ni E'boy. Hindi ko napansin nasindihan na pala nila yung candle ng cake.
Bago ko hinihipan nag wish muna ako, na sana maging ok na ang lahat.
Nang mahipan ko na saktong pag angat ng paningin ko nakita ko si Kim ang lungkot niya. Tsaka namamaga yung mata niya.
Bigla akong kinabahan. Pero ganon pa man nilapitan ko pa rin siya kahit na palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko.
"excuse me guys may pupuntahan lang ako" paalam ko sa kanila.
"sige take your time" sabi ni Jane.
Nang makalapit na ako kay Kim. Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako.
"ah Kim baka may magsumbong sa mommy ko, pagalitan ka pa niya" sabi ko. Baka kasi may makakita.
"I dont care. Basta hayaan mo lang akong yakapin ka ngayon" sabi niys na mababakas sa boses niya ang lungkot. Gusto ko siya yakapin pabalik at icomfort pero natatakot ako na baka malaman to ni Mommy.
"ah kim-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita siya.
"Pie, balang araw kapag nalaman mo na ang halaga ko sayo, lilipad tayo na parang sa paru-paro. Kapag nangyari yung hindi na kita pakakawalan." sabi niya. At naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya. Kasabay ang sunod-sunod na hikbi niya. "Bukas aalis na ako. Wag mo pababayaan sarili mo hah? Mag iingat ka lagi." pagkatapos niya sabihinniyin, hinalikan niya ako sa noo ko kasabay ng pagtalikod niya sa akin ang pagbagsak ng mga luha ko sa pisngi.
Wala akong magawa habang patuloy nanaman siyang lumalayo sa akin. Hindi ko maiigalaw ang mga paa ko na parang naparalisa para sana habulin siya at pigilan. Wala man lang akong magawa.
Napansin kong niyakap ako nila Jane para icomfort. Pinapadama nila na nandito lang sila sa tabi ko.
"Tahan na Pie, walang magagawa ang iyak mo para pigilan siya." sabi ni E'boy.
"Mahal mo na ba siya?" tanong ni Jane sa akin kaya napatingin akon sa kanya.
"uulitin ko Pie. Mahal mo na ba siya?" tanong niya ulit. Kaya bigla akong napayuko.
"mahal mo na nga siya. Kung ako sayo kakausapin ko na siya bukas." sabi ni Jane. "hindi yung iiyak ka jan habang umaalis siya." dagdag pa niya.
"Tara na umuwi na tayo. Maghanda ka na para bukas. Kausapin mo siya bago umalis." pagkatapos non tumayo na siya at umalis.

BINABASA MO ANG
I Love You Even If You're A Girl (Completed)
ChickLitPaano kung ang itinuring mo BESTFRIEND MO for 10 years ay malaman laman mo nalang na TIBO pala? Anong gagawin mo kung nalaman mo rin na MAHAL KA pala ng itinuring mong bestfriend? Lalayuan mo ba siya dahil sa TIBO siya o lalayuan mo siya dahil sa MA...