Author's POV
Iyak lang ng iyak si Pie hanggang sa makita siya ni P'Van. Tinawag siya nito pero hindi man lang siya pinansin ng dalaga, at doon niya lang napansin na umiiyak pala ito nong natapat ito sa isang street light. Hindi niya agad napansing umiiyak ito dahil sa umuulan din, na parang pati ang langit ay nakikisabay rin sa kalungkutan ng dalaga.
Habang si Pie naman ay naglalakad parin sa kawalan at hindi nararamdaman ang presensya ng binata na papalapit sa kanya. Dahil sa kaso niyang halo-halong emosyon. Pero namamayagpag parin ang galit sa sistema niya. Galit siya dahil itinago sa kanya ng matalik na kaibigan niya ang totoong pagkatao nito. Pinagkatiwalaan niya ito, itinuring niya itong parang kapatid.
Agad na naabutan ni P'Van ang dalaga at niyakap ito. Kahit na hindi ito masyadong pinapansin ng dalaga ay mahal niya ito. Oo mahal siya ni P'Van pero noong nagtapat sa kanya ang binata ay binalewala ito ni Pie. Pero kahit ganoon hindi parin siya sumuko sa feelings niya para sa dalaga. Well that's love what we call, ginagawa tayong MARTIR.
Agad na iginiya ng binata ang dalaga patungo sa sasakyan nito. Dahil sa halos panghihina ng dalaga dahil sa kakaiyak nito. Nang magtanong si P'Van kung bakit ito umiiyak ay umiyak nanaman ang dalaga at ikinuwento niya sa binata ang lahat wala siyang pinalampas na detalye kahit na katiting. Pero ang nakakagulat ay hindi man lang nagulat ang binata sa halip ay napangiti pa ito ng lihim. Sa kadahilanang wala ng aabala pa sa pagpapapansin niya sa dalaga. Dahil simula nang maging magkaibigan ang dalawa (refering to Kim and Pie) ay hindi na siya nito pinansin. At simula nong nalaman ni P'Van ang sekreto ni Kim isang araw, ay pilit inilalayo ng binata ang dalaga sa kaibigan nito. Pero dahil sa nagmamatigas si Kim kaya heto ang kinahantungan ang kamuhian siya ng dalaga.
Samantalang sa kabilang dako naman ay hinahanap pa rin ni Kim si Pie dahil sa sinundan niya ito noong lumabas siya, kaya lang paglabas niya ay hindi na niya ito makita. Ilang beses niya na itong tinawagan pero hindi niya ito macontact. Hanap lang siya ng hanap pero hindi niya parin talaga ito makita
"Siguro nakauwi na iyon. Kung bakit kasi hindi ko pa sinabi sa kanya noon! Pero kahit noon ko pa sinabi ganito parin ang mangyayari!" turan niya sa sarili.
Galit siya sa sarili dahil sana noon pa man ay sinabi niya na sa dalaga. Pero gaya nga nang inaasahan ay galit na talaga sa kanya ang dalaga.
Habang naglalakad siya pauwi sa kanila ay biglang may tumawag sa kanya.
"Hello" aniya sa isang malungkot na boses.
"Magkita tayo bukas sa Coffee Shop malapit sa subdivision niyo" sabi ng boses sa kabilang linya.
"At bakit naman? Kailangan ko pang magsorry kay Pie bukas" aniya sa galit na boses.
"Iyon nga ang pag uusapan natin bukas, exactly at 7:30 AM, dapat nandoon ka na. Ayoko ng may nahuhuli." sabi ng nasa kabilang linya. Kasabay noon ang pagbaba nito ng tawag. Pero may naalala siya at iyon ang pag alis niya pagkatapos ng kaarawan ni Pie.
Pagdating na pagdating ni Kim sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng kanyang ama. Alam ng ama nito ang totoong pagkatao ng anak, pati rin ang kaibigan nila ni Pie ay alam rin. Alam din ng kanyang ama na sasabihin ni Kim kay Pie ang lahat-lahat ng tungkol sa pagkatao nito. At alam din niyang pinipigilan nito ang maiyak kaya't agad niyakap ang anak kahit na basang-basa ito ng ulan.Kahit kasi pusong lalake ang anak ay hindi maiaalis sa sistema nito na babae parin siya, na marunong parin siyang umiyak. Habang ang ama niya naman ay hinahagod lang ang likod nito umaasang mapapatahan ang anak pero hindi.
Samantalang sa kabilang banda nama'y ganoon din ang sitwasyon dahil nang maihatid ni P'Van ang dalaga ay agad itong pumasok sa loob ng kwarto ang nagkulong. Agad siyang umiyak pagkatapos maisara ang pinto. Napahagulgul siya nang iyak, dahil ang inakala niyang bestfriend niya na straight ay tibo pala. Pero hindi pa iyon ang isang ikinagagalit niya kundi ang damdamin niya, naguguluhan siya kung ano talaga iyon. Basta ang alam niya kailangan niyang iwasan si Kim sa lalong madaling panahon, dahil kapag nalaman ng mommy niya siguradong maghihysterical iyon.
BINABASA MO ANG
I Love You Even If You're A Girl (Completed)
ChickLitPaano kung ang itinuring mo BESTFRIEND MO for 10 years ay malaman laman mo nalang na TIBO pala? Anong gagawin mo kung nalaman mo rin na MAHAL KA pala ng itinuring mong bestfriend? Lalayuan mo ba siya dahil sa TIBO siya o lalayuan mo siya dahil sa MA...