4

32 0 0
                                    

Alam ko may nalilito sa inyo?? Para hinde maguluhan basahin niyo po yung Ang Astig Kong Girlfriend kase dun po unang nagsimula yung mga characters.. Nitatamad akong ipakilala ulet sila dito.. Hehekz! Mua :-*

© Ako Otcho

∞∞∞∞∞∞∞∞

Bago daw ang lahat ipakilala ko muna ang sarile ko, bigla kaseng sinipag sa pag ta-type si pretty author XD

Ako si Akiko Yumi Cha.. Yumi for short, obviously 18 na ko ngayon dahil katatapos lang ng debut ko. . Right? Half japanese ako dahil japanese ang dadi ko. At dahil hinde naman marunong mag hapon si Author, tagalog ang mababasa niyo.

Sa unang kwento kung san ang bespren kong si Punks ang bida, nakakahiya mang sabihen pero mataba ako don →_→ pero payat na ako dito sa kwento ko ngayon. Kaya wag kayong ano jan.. Maganda ako. Bleh! Pinaghirapan ko kaya mag diet para lang mapansin ni Gian, effective naman pero hinde na ako tulad ng dati sa kanya na hinaharot siya ng walang malisya. . Bigla nalang akong nahiya at nailang dumikit sa kanya ngayon.. Ambaros no?

Onting summary nalang daw dahil sinumpong nanaman ng katamaran mag type si author.. Inspirasyon daw ng sipagin siya. Chos :p

Si Yuhan, Gian at Ken ay magkakaibigan, bestfriend naden. . F3 kung tawagin sila, na ang meaning ay Famous Three. Obyus naman na sikat sila sa pinapasukan ko kaya pinagkakaguluhan ng malalandeng hitad na babae.. Wag niyo ko isali dahil una palang alam na nateng magiging akin siya. . "Assuming??!" hahahaa :D Basta!

Back to reality na tayo para masaya.. Bawal MAGULUHAN.

∞∞∞

Hanggang ngayon para paden akong nangangarap.. Ilang oras nang tapos ang party at mag 3:30am na pero hinde paden ako inaantok..

Para ko padeng nararamdaman ang pagkakahawak saken ni Gian habang sinasayaw niya ko..

Pagkatapos ng debut ek ek ko, nag party kame. . Ilang beses lang kame nagsayaw ni Gian ng sweet bukod sa 18roses ko, pano ba naman panay pang bar music ang gusto ng barkada. . Korni daw ng sweet, pano daw yung nga walang partner??

Pakiramdam ko nga nakalutang ako sa ulap kase ako talaga napili niya makasayaw nung oras na yon. Nanghihinayang nga ako nang matapos ang sweet music eh, minsan nagkakapalitan den ng partner, hanggang sa andun nga pala sa debut ko si Sabrina at walang sabe sabeng hinatak si Gian mula saken. .

So far, enjoy naman ang gabi ko. . Masaya ako! "Buksan mo agad ang gift ko ha?" nag iimagine ako ng maalala ko ang ibinulong niya saken nung pauwe na siya.. Ang regalo nga pala niya?

Mula sa patong patong na regalo sa kwarto ko hinanap ko ang regalo ni Gian saken. . Palibhasa maliit, nadadaganan siya ng dalawang malaking kahon. . Wala pa sana kong balak magbukas ng mga regalo dahil gusto ko munang namnamin yung nararamdaman ko ngayon, pero ngayong naalala ko ang sinabe niya bigla akong nainteresadong alamin kung anong laman nun..

Nakangiteng hawak ko ang bigay niya, inalog at pinakinggan kung ano yun. . "Siguro brooch o kaya fancy key chain??" Maingat at may pagmamahal kong tinanggal ang wrapper. Pinaghirapan ko deng tungkabin ang scotch tape para hinde masira pagkatapos ay itiniklop at ipinatong sa ibabaw ang kasamang ribbon. . Ang O.A ko na ba??

May pulang box? Bahagyang kumunot naman ang aking noo. Necklace ba regalo saken ni Gian? Pero ang nakita ko ay isang gintong bracelet, may ukit na pinanang puso..

Kinuha ko ito at pinaikot-ikot sa kamay. . "Totoo kayang ginto to?" Sabagay mayaman ang pamilya ni Gian. "Baka may kasamang sulat to?" Dahil assumera nga ako, inalis ko ang foam na pinapatungan ng bracelet. . At tanaaan, meron nga. .

Ilang beses ko ng pinauulit-ulit basahin yung nakasulat pero malinaw na malinaw ang sinasabe. "If you keep this, you love me too at mag on na tayo. If you don't want to, then just return this to me." Matagal ko ng nabasa yung sulat pero hinde ko paden maibaba ang papel.

Halong emosyon ang nararamdaman ko ng ibalik ang sulat at ang bracelet sa lagayan..

"you love me too..."

Nakakasikip ng hininga sa kaligayan.

Nakakakiliti.

Nakakakilig.

Nakakataba ng puso.

Imagine, mahal den pala ako ni Gian at wag ka gusto den pala niya ako?

"Pero baket ganon siya magtapat? Bakit walang preliminaries? At may kondisyon pa! Ganon ba talaga kasimple yon?"

Nakakainis.

Nakakainsulto.

Nakakabawas ng kilig at tuwa.

Kung gusto niya talaga ako, Sana naman dinaan niya ako kahit sa palipad hangin lang. O pabigay-bigay ng kahit ano para naman mahalata ko nararamdaman niya, hinde gantong pinasasagot niya na ako. . "Ano? Agad agad?"

"Aba naman, masyado yatang egoistic." Malay ko ba kung dahil sa alam ni Gian na gusto ko siya kaya gusto niyang maging kame ng walang hirap diba?? "Pwes, mamaya den.. Isosoli ko ang bracelet na bigay mo."

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon