18

17 0 0
                                    

"Hinde totoo ang sinabe ng Sabrinang yon, dadi." Halos paiyak kong sabi kay dadi ng kausapin ako kagabihan. Kakauwe lang ni dadi galing sa kumpanya niya ng isinumbong ako ni mami.

Kahit si dadi manlang, gusto ko siyang mapaniwala saken na kusa akong niligawan ni Gian at hinde ako nagpakita ng motibo.

Hinde ko nga lang masabe na ako ang unang binigyan ng bracelet.. Kahit nag two timer si Gian ay ayako padeng masira ang image niya sa mga magulang ko.

"Ok. Ok." Malumanay na sabe ni dadi. "I believe in you." Sabe ni dad na nakatingen sa mga mata ko. "But, palagay ko'y may isa den namang totoo sa sinabe ni Sabrina na yon. Gian gave her that note and bracelet." Napatungo ako dahil alam kong totoo nga yon. "And for me, hinde maganda sa tingen ko ang ganon. Una, ang klase ng pagpapasagot niya sa isang babae. Pangalawa, ang pagtalikod niya don ng makakita ng iba." Wala sa loob ko na nabasa na pala ng luha pisnge ko dahil sa pagkakayuko. "I only want the best for you." Itinaas naman ni dadi baba ko para makatingen sa kanya, si dadi naden ang nagpahid ng luha ko ng makita akong umiiyak. "And, i think that boy is not the best."

"Daddy..."

"Yes, i know. Gusto mo siya. Pero pano mo matatanggap ang isang lalaking ganon? And to think na hinde pa kayo mag asawa." Luuh. Mag asawa agad? "Baka pagdating ng araw ay paiyakin ka nalang niya. Hinde maganda sa isang lalaki na nagbibilang ng nobya." Napayuko nanaman ako. "Be thankful na nakilala mo siya hangga't maaga." Tumayo na si dadi. "Madaling kalimutan ang ganong klaseng lalake, anak." Tinap niya balikat ko.

"Igawa mo nga ko ng kape, oy." Sabe ni dadi kay mami. "Paglalamayan ko lang mga paper works ko sa kwarto. At ikaw, Akiko, matulog kana at may pasok ka pa bukas." Mabigat ang kalooban ng tumayo ako.

"Gusto mo ng gatas bago matulog?" Malumanay na tanong saken ni mami.. Umiling naman ako bilang sagot.

"Thankyou nalang po."

∞∞∞

"Bakit at paano nagawa ni Gian saken yon?" Tanong ng isip ko habang patuloy paden sa pag iyak.. Hinde ako makatulog.

Ang kapal naman ng muka niya para gamiten ang gimik niya sa dalawang babae. Wala na ba siyang ibang paraan para pasagutin si Sabrina?? O baka nanghihinayang sa bracelet kaya ginamet naden sa panliligaw sa iba.

Kung sila na ni Sabrina, baket binalikan pa niya ko? Ibig sabihen namamangka siya sa dalawang ilog at ako ang tangay tangay. Akala ko tapat siya, mi nalalaman pa siyang ibibili ako ng bahay pag nagkatuluyan kame.. Muka niya. Puro kasinungalingan lang pala ang lahat.

Gusto mo kong makasama sa excursion? Pwes, makikita mo kung pano ko gumanti.

Salamat sa 'Tatlong Linggong Pagibig'.

∞∞∞

"Baket namumugto ang mga mata ng mahal ko?" Mahal mo muka mo. Nag aalalang tanong ni Gian saken.

"Itanong mo kay Sabrina." Sagot ng isip ko. "Napagalitan ako ni mami."

"Dahil ba saken?" Nag aalalang tanong niya ulet. "Dahil ba kahapon?"

"Oo, dahil sayo. Pero hinde lang den yun dahil sa nakita ni mami kahapon." Pero syempre iba ule sinagot ko. "Ayaw na niyang ihahatid mo ako."

Lumungkot ang muka niya. "Paano?"

"Wag mo na kong ihahatid." Napatitig siya saken na parang gustong tumutol.

Kung hinde ko lang alam ang totoo, siguro naawa na ako sa kanya. Pero dahil alam ko nga, lalo akong nagagalet sa kanya. Ke galeng umarte.

Napansin ko namang nakatingen samen si demonyita sa di kalayuan. "Sige na." Sabe ko. "Baka lalo pa ko mapagalitan kapag may nagsumbong na magkausap tayo." Sabay tinalikuran ko si Gian.

∞∞∞

Pinilit kong iwasan si Gian ng mga sumunod na araw. At dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko, hinde siya gaanong lumalapit saken at hinde na den siya nagpipilit maihatid ako.

Pero isang uwian ay nilapitan niya ko. "Pasasamahin ka pa den ba ng mami mo sa excursion?"

"Oo." Simpleng sagot ko.

Lumapad naman ang ngite niya. "Sa saturday na yon, mahal." Plastik.

"Alam ko."

"See you then." Sabay talikod na saken.

"Yes." Pabulong na sabe ko. "See you then...... hudas."

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon